A/N: So hi? Pls give this story a shot! Sobrang naadik lang ako sa Aldub that's why nagawa ko to. Haha. And ibang iba po to. AU po to. Walang Yaya at walang artista. Sana basahin nyo. Mag comment na din kayo ha! Thankssss.AT ISA PAPALA! INSTEAD NA DIVINA, E DIVINE ANG MAGIGING NAME NYA HAHAHA. OKAAAY.
I.
She slammed the taxi's door pagkakababa nya dito. Dala dala nya ang maleta nya at isang hand carry na bag habang tinitignan ang isang lumang building sa harapan nya na may karatulang 'Apartelle ni Dora" she chuckled a bit dahil sa pangalan ng building. Fanatic ba ang may ari nito kay Dora the explorer?
This building supposed to be her new apartment. Dito na sya titira pero di naman nya ineexpect na ganito pala ka cheap ang titirhan nya. Halos may bitak na ang harapan ng gusali, kupas na ang pintura. Maarte sya pero no choice, eto lang ang kaya ng budget nya. Naniniwala naman sya sa kasabihang "Don't judge the book by it's cover".
Pumasok sya sa entrance at napansin nya agad ang mga alikabok sa ding ding. Yuck. Feeling nya tuloy magiging kapit bahay nya si Spiderman dahil sa mga spider web na nakapalibot sa pader.
Kapansin pansin din ang katahimikan ng lugar. She roamed her eyes, walang katao tao. Wala ding mga gamit sa loob, kahit upuan. Maliban na lang sa mga electricfan na nakasabit sa ceiling. Kahit yung naka usap nya sa phone, wala!! Is this really her new apartment? Baka naman nagkamali lang yung driver sa napagdalhan sakanya.
"Tao po?!!! TAO PO!!!"
Walang sumagot.
Baka naloko lang sya nung nag paskil nito sa mga pader na nakita nya! Kainis. Sayang ang oras!! Ang bigat pa naman ng mga dalahin nya. She should have known. Augh! Bwisit na yan.
Paalis na sana sya ng may tumawag sakanya.
"Miss? Ikaw ba yung bagong lilipat?"
Napatingin sya sa lalaki na nakasuot ng shirt at maong shorts. Okay, literal na naka glue ang mata nya sa lalaking kaharap nya. Ang gwapo. Shet!! Ang puti at ang kinis ng balat! Bigla naman daw syang nainsecure sa balat nya, eh mas maputi pa sa kanya e! Babae ba to?! Siguro ay nasa late 20's na ata e pero ang gwapo talaga! K, stahp.
"Ah yes. Ako si M-- Divine Ako yung nakausap mo kanina." Nag nod lang yung lalaki habang nakatingin sa mga gamit nya. Suplado!
"Nako, pasensya kana ha. nataong pinalinis ni Madame yung buong first floor. Sige hahatid na kita sa kwarto mo. Ah, room 504 ka."
'Pinalilinis? Talaga? Weh?! Wag sayang!'
Naunang maglakad si Paolo, nakasunod naman sya, dala dala nya parin yung napakabigat nyang bagahe. Di manlang inalok kung gustong tulungan sya ha!
"Teka, ah, ano nga pangalan mo?" She suddenly asked.
"Ay sorry, Paolo nga pala. Taga bantay dito."
"Paolo, bakit maghahagdanan tayo?" Nagtataka kasi sya na sa hagdan sila dadaan eh meron namang elevator.
"Sira ang elevator." Walang kagana ganang sabi ni Paolo.
Great. Pang 5th floor sya. At hagdan lang ang tanging gagamitin. Di nya pinahalatang naiinis sya. Di naman ata napansin ni Paolo dahil nagdadaldal sya. Medyo nagugutom na din sya pero augh! Ang bigat lang ng dala nya.
"3,500 ang bayad per month. 500 sa tubig at kuryente. May mga gamit na dyan. Sa 8th floor ang laundry room. Tuwing friday ang tapon ng basura. Sa ground floor yung office namin. Maswerte ka nga at dalawa lang kayo dito sa 5th floor at di ka masyadong mabubulabog." Tuloy tuloy ang paliwanag ng lalaki na halos di nya na maintindihan sa sobrang abala nya sa pagbubuhat ng gamit nya.
BINABASA MO ANG
Wheel of Fate (An Aldub Fanfiction)
FanfictionSi Divine, isang frustrated writer. Si Alden, isang Happy go lucky na anak ng isang director. Paano magsasama ang kanilang mundo? ALDUB FANFICTION MAIDEN ACTUALLY HAHAH