Oo

61 2 1
                                    

Magkaharap tayong dalawa

Nakatingin ako sa mga mata mo na nakatitig sa akin.

Ambagal ng pagtakbo ng oras.

Tayo lang ang magkasama sa classroom.

May sinasabi ka sa akin.

Hindi kita naririnig.

Umiiyak ako.

Nagising ako sa sumasampal na liwanag ng umaga. Ang init pa. Bumangon agad ako sa higaan at dumiretso sa lamesa para tingnan kung ano ang almusal pero ang naabutan ko si Mama. Hawak niya ang cellphone ko. At alam kong sa mga oras na iyon, patay na naman ako…

“Kumain ka na”, pambungad niya.

“Ma, meron pang pan de sal? Isasawsaw ko sa champurado”, sabi ko

“Nasa ibabaw ng ref”

“Salamat, ma”

Alam kong hindi magiging maganda ang simula ng umaga ko. Paano ba naman kasi, hawak ni mama ang phone ko at hindi ko pa nade-delete ang mga text messages ni Darwin sakin. Malalaman niya na hindi pa ako nakikipaghiwalay sa kanya. Malalaman niya na mahal na mahal ko siya. Malalaman niya na hindi ko siya sinusunod.

“Kim, kamusta ka?”, nakakakabang tanong ni mama. Hindi ko inakalang tapos na pala akong kumain kakaisip. At hindi ko namalayan na nakatingin lang siya sa akin kanina pa. Hinihintay ako.

“So far so good, Ma”

Alam kong sinesermonan niya ako pero hindi ko siya naiintindihan kasi naiisip ko ‘yong phone ko. Iyon ang phone na binili ni mama nung Christmas Break nung 4th Yr Highschool ako. Ang una kong cellphone. At ang una kong naging ka-text, si Darwin.

Kakauwi pa lang namin noon galing mall nang magtext siya. Sinabi ko na kasi sa kanya ‘yong number ko bago pa man kami bumili ng phone tapos hindi ko alam na nagpalit siya ng network. Nagkatext kami mula umaga hanggang hating gabi. Naabutan pa ako ni mama na gising noon kaya simula noong unang araw na iyon, hinihintay muna ako matulog ni mama bago siya matulog.

“…kala ko ba itinigil mo na? Napapagod na ako sa mga kasinungalingan mo. Itigil mo na yan”

Yan na lang ang naabutan ko sa sermon ni mama sa akin.

“Sorry, ma” yan na lang ang nasabi ko. Hindi naman na ako kinausap ni mama. Alam ko naman na kahit mahigpit si mama sakin, nararamdaman niya na nahihirapan din ako sa sitwasyon ko. Si mama lang kasi ang nakakaalam nito. Si mama lang ang nakakaalam ng tunay kong kalagayan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon