Joy Rides

909 13 12
                                    

All Rights Reserved.

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system, is forbidden without permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. And all the incidents are merely invention.

PROLOGUE:

"Mik! Wala na bang ibibilis 'yang pag-dradrive mo?" tanong ni Rissa sa likuran ng driver seat.

"Sorry naman ha? Nakakahiya naman sayo, sige bibilisan ko na."

"Kasi naman eh, sabi nang sa Bonifacio Highway na lang tayo dumaan eh.. Alam mo namang madilim dito sa Calle Paciano, tsaka maraming nangyayaring nakakatakot dito 'pag ganitong gabi na!" singhal pa nito

"Ilang beses ko bang sasabihing talo nga tayo sa gas kapag sa Bonifacio tayo dumaan, ang traffic kaya dun."

"Bwisit kasi 'yang mga taga-Maynilad. Isang taon na 'yang abala nila sa kalsada ah!" singit naman ni Patricia na nakaupo katabi ni Julia sa passenger seat.

"Dalian mo na Mikaelle, natatakot na ako! Ako na lang kaya nag-iisang gising dito sa likod, mamaya niyan may biglang sumulpot ditong kung ano eh!" muling pahayag ni Rita.

Tumingin si Mikaelle sa rear view mirror para silipin kung natutulog na nga sila Denise sa tabi nang kanina pang nagmamaktol na si Rissa. Tama nga ito, plakda na ang mga kasamahan nito sa likod. Kulang na lang siguro ay kunin na ng reklamadorang babae ang manibela sa kanya at ito na ang magpatakbo ng sasakyan. Pero hindi naman ata pupwede iyon, mas mabuti nang mamatay ito sa takot kesa silang lahat ang mamatay!

Patungo ang barkada nila sa Montenor Highlands, isang bagong bukas at sikat na resort malapit sa probinsya nila Mikaelle. Balak nilang mag-overnight doon, matagal na rin silang hindi nagkita ng mga kaibigan kaya naman lulubusin na nila ang reunion nilang ito. Dahil malamang ay mawawalan sila ng time para magkita- kita uli.

"Mikaelle!!!"

Mabilis niyang naihinto ang sasakyan nang biglang sumigaw si Julia. Halos mapasubsob na siya sa manibela at sina Patricia

sa dashboard pagkatapos ng biglaan niyang pag-apak sa brake. Mabuti na lang at nakaseatbelt silang lahat.

"Hoy! Ano ba kayo?!" si Rissa ang unang nakahuma.

"May nabangga ata tayo!" namumutlang sambit ni Julia.

"Tangna! Walang ganyanan, kakakuha ko lang ng lisensya kalaboso kagad!" mas namumutlang pahayag ni Mikaelle.

"Meron ba? Parang wala naman akong nakita kanina." paniniguro ni Patricia

"Hindi, may nakita akong biglang tumawid!" si Julia

Sumilip si Patricia sa windshield upang siguruhin kung may nasaktan nga sila.

"Parang wala naman." anito pagkatapos.

"Baka nasa ilalim ng sasakyan! Silipin niyo!" nanginginig na sabi ni Rissa.

"Puta, mauna ka! Natatakot ako!" ani Mikaelle

"Leche ka Mikmik ikaw yung nakabangga, dapat ikaw yung sumilip!" ganting saad ni Rissa

"Ikaw ang may kasalanan, pinagmamadali mo kasi ako!"

"Pa'no kung nag-aagaw-buhay na yun? Baka mamaya matuluyan kung hindi natin kaagad madadala sa ospital!" tanong ni Julia.

Tumingin sa kanya ang tatlo. "Ikaw! Silipin mo!" sabay-sabay na sabi ng mga ito pagkaraan.

Joy RidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon