Turnilyo ka ba?
Bakit?
Kasi habang UMIIKOT ka sa isip ko..
BUMABAON ka naman sa puso ko.
*****
Ikaw ba ang AUNTIE ko?
Hindi ah. Bakit?
Ikaw kasi AUNTIE-nitibok ng puso ko.
*****
Ikaw ba ang UNCLE ko?
Babae ako 'no. Bakit?
UNCLE-angan ko sa buhay ko.
*****
Ang pag-mamahal ko sa'yo ay parang LANGKA.
Bakit?
LANGKA-tapusan.
*****
May MMDA ba dito?
Bakit?
Kasi nagkabanggaan ang puso natin.
*****
Nahihilo ako. Pwedeng pa-BLOOD TEST mo 'ko?
Bakit?
Para malaman mong IKAW ang type ko.
*****
PEANUT ka ba?
Bakit?
Kasi PEANUT-ibok mo ang puso ko.
*****
PAPAYA ka ba?
Bakit?
PAPAYAKAP sana ako, PAPAYAg ka ba?
*****
Aanhin mo pa ang bahay mo?
Ha? Titirhan, bakit?
Nakatira ka na sa puso ko e.
*****
Ang bilis naman ng panahon!
Bakit?
Dati-rati kasi ang dami kong gusto.
Ngayon, ikaw na lang.
*****
Ayoko sa mga taong nakapaligid sa mundo ko!
Ha? Bakit? Pati ba ako?
Hindi. Kasi ikaw yung mundo ko.
*****
Anong pangarap mo?
Ang mapag-isa.
MAPAG-ISA ANG PUSO NATIN.
*****
Miss, pwede pahiram ng ballpen?
Sure, ito oh.
Ayaw naman sumulat e.
Sumusulat yan. Kakagamit ko lang kanina e.
Sige nga, isulat mo nga number mo?
*****
Martes ka ba?
Bakit?
Kasi Lunes ako at ikaw ang KINABUKASAN ko.
*****
Alam mo, 'pag kasama kita inaantok ako.
Bakit naman? Boring ba ako kasama?
Kasi masarap magpahinga sa tabi mo e.
*****
Maliit pala yung kamay mo.
Oo nga e.
Bakit ganon? Maliit nga yung kamay mo pero..
Paano mo nahawakan yung mundo ko?
*****
Musta na buhay mo?
Ok lang naman. Ikaw, musta buhay mo?
Ito, kausap ko.
*****
Oxygen ka ba?
Bakit?
Hindi kasi ako mabubuhay 'pag wala ka.
*****
DRUGS ka ba?
Bakit?
Kasi ang lakas ng tama ko sa'yo.
*****
KUTO ka ba?
Bakit?
'Cause I can't get you out of my head.
*****
Sundalo ka ba?
Bakit?
Sharp shooter ka kasi e. Tinamaan mo puso ko.
*****
Grabe! Nakakatawa yung mga pick-up lines 'no? Hahaha! May alam ka pa bang iba? Wala na akong maisip e.
Wala na e. Bakit?
'Cause all I ever think about is you.
BINABASA MO ANG
Pick-up Lines
Любовные романыThis is not a story. This is just a compilation of cheesy pick-up lines. Credits to the owner(s).