1st Story ko po eto sana magustuhan niyo ^__^. Leave a comment tsaka vote nadin po. Maraming salamat ^____^. Enjoy po sa pagbabasa.
Prologue
"Ang Tanga mo!" – Yan na siguro ang masakit na salita na sinabi saakin ng crush este ng taong mahal ko.
- Liezel Ann Yap -
~Liezel's P.O.V~
"Hoy babae! Bilisan mo na nga dyan, baka malate tayo!" sigaw ni Aly. Si Aly pala ang bestfriend ko since elememtary pa kami.
"Naku! Yan talagang bunganga mo Aly napakalakas, hinaan mo nga yang boses mo! Oo nandyan na ako" sabi ko sa kanya ng pasigaw habang naglalakad pababa ng hagdan.
"Oo na hihinaan ko na, tara na nga" sabi ni Aly
"Tita alis na po kami ni Liezel!" sabi ni Aly kay Mama.
"Osige mag-ingat kayo ha?" sabi naman ni Mama
"Opo Ma, sige Ma alis na kami" sabi ko kay Mama
"Sige" si Mama
Naku nakalimutan ko palang magpakilala, si Aly kasi ehh dada ng dada. Ako nga pala si Liezel Ann Yap, nag-aaral ako sa SPNCU 3rd year highschool na ako at kaklase ko si Aly, I'm single but my heart is already taken by Carlo Fuentes whahaha Landii ko~. Si Carlo nga pala ang 4 na taon ko ng crush este mahal na pala! Grabe no? Matagal ko na yang mahal sa una crush ko lang naman yang si Carlo pero habang tunatagal nahuhulog na ako sa kanya, ang gwapo niya kasi, matalino, gentlemen, mabait in short nesekenyeneenglehet Hahaha (^___^).
"Hoy zel! Anong iniisip mo at nakangiti ka dyan? si Carlo ba?" tanong saakin ni Aly
"Hahaha hayaan mo na ako Aly, iniisip ko? iniisip ko lang naman na hinahalay ko si Carlo!" sabi ko ng pabiro sa kanya haha di ko naman hahalayin si Carlo eh, pero pag ako hinalay niya hindi ako tatanggi ang yummy niya kaya *_* haha chos! Landiii alert haha
"gaga ka talaga zel! Kung anu-ano nalang ang iniisip mo!" sabi ulit ni Aly saakin
"joke lang yun Aly hihi," sabi ko sa kanya
Habang naglalakad kami, mejo nauuna na sa akin si Aly, tatakbo na sana ako para habulin si Aly ng biglang~ * Booogggggsssshhhh *, natumba ako, may nakabangga kasi akong isang lalaki. Biglang uminit ang dugo ko bubulyawan ko na sana kung sino man yung walanghiyang lalaki na bumangga sa akin pero nakita ko na si Carlo pala ang nakabangga saakin Oh Emm Gee!! Si loves!! Kyyaaahhhh!! <3
"naku sorry Carlo" sabi ko sa kanya habang inaalalayan niya akong makatayo.
"ah wala yun, sorry din" sabi niya atsaka ngumiti, kyaahh!! Ang mga ngiti niyang yan, heaven dre! ^__^, nagsimula ng maglakad si Carlo ng marinig kung nagsalita siya ngunit mahina lang.
"Ang tanga mo talaga!" sabi niya tsaka tumingin saakin
Tumakbo ako papunta kay Aly.
"hoy ikaw zel ha! Ano yung nakita ko? Ayiiieee!" sabi niya habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran
"gaga, halika nalang nga, punta nalang tayo ng classroom" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit kami.
Classroom ~Aly's P.O.V~
Napansin kung naging malungkot ang itsura ni Liezel eh kani-kinina lang Masaya to eh! Ano kaya ang nangyari sa kanya? Hmm matanong nga.
"hoy zel!, anyare sayo? Kanina lang ang saya mo ah?" tanong ko sa kanya
"narinig ko kasi si Carlo na sinabihan akong tanga, hays!" sabi niya tsaka nagbuntong hininga.
"hay naku zel! Baka guni-guni mo lang yon!" sabi ko naman sa kanya
"siguro nga Aly" sabi niya
~Liezel's P.O.V~
Tinanong ako ni Aly kung bakit daw ako malungkot sinabi ko naman sa kanya yung dahilan kung bakit ako malungkot, sabi niya saakin baka guni-guni ko lang daw yung narinig kong sinabihan niya akong tanga, sana nga guni-guni ko lang yun. Btw classmate ko pala si Carlo my loves~
"Ms. Yap what is the answer in the question number 5?" si Ma'am
-pero hindi ko siya pinapansin, tuwing may group activity lang kami nagkakausap eh
"Ms. Yap, are you listening?" si Ma'am ulit
-nahihiya kasi ako sa kanya eh
"Ms. Yap!!" si Ma'am, patay nagalit yata siya.
"Yes Ma'am? Sorry po" ako yan
"ok Ms.Yap, but please listen to our discussion" sabi Ma'am, naku mabuti nalang at pinagbigyan ako ni Ma'am.
Narinig ko na naman ulit na nagsalita si Carlo, katabi ko lang kasi siya , nasa pinakalast kami nakaupo.
"hay! Ang tanga mo talaga!" sabi ni Carlo
Waaahhh!!yan na naman siya!, sinabihan niya na naman akong tanga, huhu pramis di na guni-guni yun, walanjo! Saktan jukens!! Nakakainis ka naman Carlo eh! Nakakasakit kana ng damdamin.
~krinngg~krinngg~krinngg~ ibig sabihin recess na, palabas na si Carlo pero nahabol ko siya.
"hoy Carlo, bakit mo ako sinasabihan ng tanga ha!? Nakakadalawa kana ah!" tanong ko sa kanya na mejo galit.
"eh totoo naman eh! Ang tanga mo!" si Carlo yan
"aba! Walanjo! Ang gago mo pala eh!, leche ka di naman ako tanga eh!" sabi ko sa kanya ng pasigaw, marami ng mga estudyante ang nakatingin saamin, bwiset kasi etong si Carlo eh! Kung hindi niya lang ako sinabihan ng tanga hindi ko naman siya aawayin eh!!.
"ang tanga mo talaga Liezel ang tanga tanga, tumatawid ka nalang nga sa utak ko, nahulog kappa sa puso ko!" sabi niya ng pasigaw ngunit nakapikit, w-wait l-lang? t-tama b-ba y-yung n-narinig ko?
"a-anong s-sinabi mo C-carlo? Pakiulit nga?" tanong ko sa kanya na hindi makapaniwala
"kita mo na ang tanga mo talaga! Tsk!" siya yan
"ay gago!! Ulitin mo nalang kasi!! Dami mo pang sinasabi eh!" ako yan hahaha masyado bang demanding? Pasensya naman! Atat lang eh! Haha
"Sabi ko ang tanga mo Liezel, tumatawid ka nalang nga sa utak ko, nahulog kapa sa puso ko"siya yan, haha ang kyuutt ni Carlo pulang-pula na kasi yung pisngi niya! Sarap kurutin! Haha
"whoho!! Sa wakas tol napagtapat mo na!" barkada niya
"kyyaaahhh! Nakakakilig sila" mga estudyante yan "ang mais tuhod mo naman Carlo ayyiiieee"
"oh ano naiintindihan mo na Liezel?" tanong niya saakin
"haha Oo, naiintindihan ko na" ako yan habang kinikilig ng bongga haha
"so pano bayan, pwede ba kitang ligawan Ms. Liezel Ann Yap? Siya ulit yan
"ang tanga mo Carlo!"ako yan
"huh? Bakit naman ako naging tanga ha?"nagtataka niyang tanong
"alam mo naman kung ano ang isasagot ko eh! Nagtatanong kapa!" sabi ko ng nakangiti
"so pwede kitang ligawan?"panigurado niyang tanong
"oo Carlo pwedeng-pwede" sabi ko ng nakangiti.
-----------------------------------------------------------END------------------------------------------------------------------