Naniniwala ba kayo sa kasabihang “The More You Hate, The More You Love” ?
Ako kasi hindi eh, bat naman ako maniniwala dyan, di ko kayang mahalin ang taong kaaway ko, yung taong laging nagpapa-iyak sakin … ano sya swerte …
Yan ang laging nakatatak sa utak ko, pero ang tanga ko, sa mundong toh wala nga palang imposible …
Yung akala kong imposibleng mangyari … yun pa pala ang posible … sana man lang binigyan nila ako ng signal na pwede akong mahulog, tulad pagnaba-banned, binibigyan ako ng mensahe na iniinform ako na di ako pwedeng magtext, di yung tulad nito … grabe eh … nakakagulat sya … di ako na-inform na mamahalin ko pala ang tulad nya … na mamahalin ko ang isang taong kinamumuhian ko … T__T
“Hoi panget … bat ganyan ang pagmumukha mo ? pangit ka na, lalo ka pang pumapangit, WAHAHAHA”- Jam, ou Jam ang name ng lalaking minamahal ko … nakaka-lechugas naman oh … gusto ko ng umiwas pero lechugas lapit naman sya ng lapit, minsan nga may kumalat na isyu na malandi daw ako kasi nga pinapatulan ko ang pang-aasar nya, pero lechugas ang nagpakalat nun eh, di ko naman nilalandi tong si Jam eh, gumaganti lang ako, pero lechugas ang charm nya … nahulog ang walang kamuwang muwang na puso ko T___T
“Hoi panget … ano bang itsura yan ha ? paiyak ka na, wag mong sabihin na balik ka sa dati na mabilis na mapikon ! ang weak mo naman …”-Jam
“Jam pwede bang layuan mo na ko”-me, kailangan na nyang lumayo, baka lalo akong mahulog …ako lang din ang masasaktan kaya kailangang mapigilan ko na toh.
“Eh bat kita lalayuan ? eh natutuwa ako sayo eh, pikon ka kasi “-Jam, di pa ba sya nakontento, 3 taon na nya ko pinagti-tripan … 4th year na kami ngaun eh …
“ di ka ba natatakot o nahihiya, baka matsimis ka na naman sakin …”-me, totoo naman eh … kahihiyan ang ma-link sakin … di naman ako maganda eh … pero maganda ako, sa paningin nga lang ng nanay ko … pero sa mga classmates ko at sa mga taong nakapaligid sakin … sabi nila pangit talaga ako.
“ah yun ang pinoproblema mo … grabe di ka pa ba nasanay ha ? lagi namang may issue eh … at last year pa yung issue na malandi ka”-Jam
“yun na nga eh, last year pa, pero bumabalik balik ung issue na yun. Umiiwas na ko di ba, hindi ko na pinapatulan yung pang-aasar mo … kaya iwasan mo na rin ako… ou na ina-admit ko na, pangit ako …kung gusto mong ipamukha sakin na ang pangit pangit ko, matagal ko nang naramdaman at nalaman yun .. 3 taon mo ng ginagawa sakin toh eh … hayaan mo namang maging masaya ang taon na toh para sakin oh”-me, mahirap man sabihin sa kanya yun … pero di ko na kasi kayang hintayin na mahulog na ko ng lubusan, asa naman kasing mahalin ako ni Jam eh .. ang gwapo nya, mayaman at matalino … samantalang ako, pangit, mahirap at ou na ina-admit ko na, di ako matalino … tulad ng sinasabi nung mga mean girls, bobo ako … bobo na sa studies … bobo pa sa pag-ibig L
“Yun ba talaga ang gusto mo? Ang layuan kita … bakit di mo man lang sinabi na nahihirapan ka na talaga? Bakit kasi pinakita mo na nae-enjoy mo na yung pang-aasar ko? “-Jam.,
“bakit nga ba? Nag-umpisang tanggapin ko ang lahat ng pang-aasar mo noong 3rd year tayo … sinasabayan ko na, pero alam mo ang daming nangyayari eh … una yung issue na malandi ako, paano maglalandi ang isang tulad ko ? pangit … walang kaganda ganda … ni manliligaw nga wala eh, tapos ang lakas pa ng loob kong lumandi … ang sakit nun … sobrang sakit ng mga sinasabi nila … at ikaw ang dahilan kung bat nila ako hinuhusgahan … akala mo tanggap ko lahat ng pinagsasabi nyo ? di ko tanggap yun pero sa mundong toh dapat masanay na ko … kaya sinabi ko sa sarili ko na dapat matapang na ko … kaso lechugas naman eh, nanghihina pa rin ako … masakit pa rin L lalo na’t bumabalik balik lahat … kaya ngayon ang hiling ko lang eh maging masaya man lang kahit ngayong taon lang … sabi kasi nila masaya maging high school, pero bakit para sakin hindi naman masaya L kaya yun lang ang hinihiling ko, layuan mo ko …”-me, ang haba ng sinabi ko … parang ang tanga tanga ko … di naman ako importante dun eh…