A Pleasing Sacrifice...

194 9 8
                                    

"as a pleasing sacrifice... LORD I offer yiu my life..."

Halos hindi ko na iniisip ang liriko sa pagkanta ko nito. Kusang umaapaw ang mga salita mula sa puso ko palabas sa bibig ko. Taos puso ang pasasalamat ko sa Dyos sa pagbibigay sa akin ng lahat-lahat. Mapagmahal na magulang, mabubuting kaibigan,karangyaan at higit sa lahat... si Rica; ang babaeng mahal na mahal ko..

***

Mag iisang taon na  kami ni Rica next month..

Parang kasal na nga lang ang kulang eh. Hinihintay ko na lang na makapagtapos kami at yayayain ko na siyang magpakasal. 

Kilala na siya ng pamilya ko at ganon din ako sa parents niya... Accepted at supported naman nila kami. Nagulat nga sila kung paanong minahal namin ang isa't isa.

Napaka opposite kasi namin eh. She's confident, smart, talented, and exceptionally beautiful...

Ako? well I'm just average.. someone you can't expect to be her boyfriend...

pero hindi siya mapangmata tulad ng iba.. that's another surprising thing about this beautiful lady holding my hands right now...

siya lang ang babaeng naniwalang hindi ako pangit.. na i don't have to walk along the hallway with my head down..

siya lang ang babaeng naniwalang kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko basta't maniwala ako.. at manalig sa Kanya..

inilapit niya ako sa Maykapal...

kamangha-mangha ring she knew i would look real good with a suit...

 and then i was awarded as one of the faces of the night during our JS prom...

lahat ng ito na hindi man lang nagawang sabihin ng aking ina dahil maaga siyang nawala...

siguro kung nandito si mama, magkakasundo rin sila ni Rica..

siguro kung nabuhay pa si mama, hindi ako magiging mahiyain... maybe I'd been greater than I am today.. 

siguro mas naging karapat-dapat ako sa babaeng mahal ko...

pero ok na rin... tinanggap ako at minahal ni Rica sa kung sino ako...

yun naman ang mahalaga dba? 

alam ko yun... pero di ko rin naman maiwasang marinig ang mga sinasabi ng iba sa amin... lalo na sa kanya.. 

ok lang sana kung ako lang ang naiinvolve..

pero hindi eh... she even lost sa SSG election dahil tutol ang buong campus sa aming dalawa... knowing na almost 65% ng population ng school ay mga lalaki. Last year lang kasi to binuksan para sa girls..

ang babaw ng dahilan diba? Pero yun kasi ang basehan ng iba sa pagkalalaki.. ang pagiging over-powering...

hindi ako ganon..

kahit wala akong Maternal guidance, alam ko kung paano makitungo sa babae... 

kahit lumaki ako sa yaman, alam kong hindi mo makukuha ang lahat sa isang mando lang...

kaya siguro ako ang pinili ni Rica... :)

ok na sana ang lahat sa amin...

pero ayokong masira ang tagumpay niya..ayoko ring pakawalan siya..

naisip kong siguro dapat ko nang patunayan ang sarili ko sa lahat...

mukhang hindi na kasi sapat na nagmamahalan kami...

dapat ding patunayan naming karapatdapat kami sa isa't isa..

Si Rica... hindi na niya kailangang patunayan ang sarili niya..

A Pleasing SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon