"Ano ba naman to, wala nanaman si tita. Alas dyes ng gabi may lakad pa? Hmmp! Ako nanaman ang bantay ng lintik na tindahan niya, ni hindi nagpasabi kung anong oras darating! Hayyyyssssssssss!!!"
Bulong bulong ko sa sarili ko habang nag-lalagay sa ref ng mga softdrinks na palalamigin. Naknang.
Nang...
"Pabili poooooooooo!!!!!!!!!! Pabileeeeeeeee!! Pabili!!!! Yuuuhuuuuuuu!!! May tao ba dito??/!!!!!!!"
Grabe naman kung maka-sigaw yung taong yun! Lumabas na ako at hinarap ang gagong 'yon.
"Hoy! Ano sa akala mo ginagawa mo?! Dis oras na ng gabi nagsisisigaw ka dyan!! Nakakabulahaw ka ng mga kapitbahay dito!!" inis na inis kong sinabi sa lalaking hmm, oo gwapo pero mukang naka shabu.
"Eh kasi naman miss, ang tagal tagal mong lumabas dyan. Tindera ka diba? Dapat nandyan ka lang hindi ka pumapasok sa loob! Tsss.."
"Wow ha?! Hindi naman ako nakatunganga lang sa loob, may ginagawa ako d'on! At ano bang bibilhin mo?! Siguraduhin mong hindi tag-piso o yosi lang yan ah! Maka-sigaw ka dyan! Hmmp!" Inismiran ko ng bongga ang lalaking yun, sabay taas ng kilay.
"Ok. Eto bibilhin ko, hmm.. tas eto pa, tsaka mayroon kayong ano, tas isa nyan, yan, eto, yun.. dkjfasgfuiaohlkjvfgjhtg.ljbh........eaghuig........... ayan! Magkano lahat? Tsaka samahan mo na din ng tatlong yelo."
Aba't iinisin talaga 'ko ng lalaking 'to ah.. Hmmmmm..
"280 pesos lahat, walang yelo. Hindi pa malamig." asar kong sagot. bwiset.
"Ang mahal naman!" reklamo niya habang sinusuri ang mga binili na nasa harapan niya.
"Hindi ko na lang bibilhin, sa kabilang tindahan na lang ako bibili! Ang mahal dito, ang laki ng tubo!"
PUSANGAMAAAAAAAA!!!!! PLEASE KUNG PWEDE NA SIYANG LAMUNIN NG LUPA NGAYON, PAKILAMON NAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! >________<
"Hoy!!! Bumalik ka dito! Pagkatapos mong ipababa sakin lahat ng to hindi mo bibilin! Aba sinusubukan mo talaga ko ha!!!"
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!
"Araayy!! Ano ba??!" habang hinihimas himas ang likod ng hita nyang sinipa ko.
"Ang sama ng ugali mong lalaki ka! Hindi ka marunong sa buhay!"
Sabay talikod at napansin kong mangilan ngilang kapitbahay ay naka dungaw sa kani-kanilang gate.
"Mga ate, kuya pasensya na po sa ingay. Hehe meron lang hong taong an----
"LQ lang po namin! Hehe, wag po kayong mag-alala, ok na po kami! Hehehe"
Biglang sumabat ang lalaki at aba?! Ano daw? LQ???? Talagang nakakarami na ito ah!!
"Hoy! Bakit sinabi mong LQ?? Ha??? Ni hindi naman kita kilala!"
"Hoy miss, pasalamat ka nga nagsi-pasukan na yung mga usi eh! Tapos nagagalit ka pa dyan! Lugi ka paaaaaa???"
Grabe talaga tong lalaking to. Nangibabaw na ang kapreskuhan sa katawan! SOLIDO!
"Hmm,, hehehe sorry naman ha? Tsaka SALAMAT sa IYO!" I said sarcastically. grabe naman kasi ang ugali. haayyys!
"Yan, good!" ngumiti siya ng nakakaloko sabay talikod sa'kin at lumakad na palayo.
Ang gwapo niya, ay este! sana madapa siya.
*****
kinabukasan...
At as usual, bantay nanaman ako ng tindahan ni aling Nena, ay este ni tita Belle pala. Pero hapon naman ngayon, hindi na gabi.
Nandito lang ako nakaupo sa tumba-tumba at nanonood ng T.V, palabas sa Ch2 ang paboritokong To The Beautiful You. Hihihi!
"Pabili nga, asukal wamport."
"Eto, 17 ang isa. Salamat."
Bumalik na ako sa pagkakasandal nang may bumili nanaman.
"Ano ba yan istorbo, tapos na commercial eh. Hays" bulong ko habang papalapit.
"Ano 'yon?"
"Yung tindera nga, huwag mo na ibalot ah."
Anak ng tokwa. Yung lalaki nanaman na nakasagupa ko kagabi. Ano nanaman kayang problema neto. Susubukan kong kumalma para sa ikabubuti ng street na 'to.
"Ay pasensya na.. hindi ipinagbibili eh?" sabay ngiti ko sa kanya na nakakapampabuo ng araw. ^__^
"Ganon ba? Hmm.. eh yung number niya? Magkano?"
"Hindi din ipinagbibili eh. Mawawalan kasi ng gagamitin." aba, dumadamubs ba ang poging 'to? ay este ang mokong na 'to? Hmm..
"Ah.. pero wala naman sigurong bayad ang friendship?" nakangiti siya habang iniabot ang kamay a sign to shake hands.
"Marami na din kaibigan ang tindera. Wala ng space para sa mga new comers." Mwehehehe! Manigas ka dyan! (kahit medyo kinikilig na ako) *__*
"Haha! Ganon ba? Osige, babalik na lang ako pag nabawasan." tumalikod na siya at umalis. Mukhang nangawit na kaya umuwi na lang.
Taga-saan kaya iyon? Bagong mukha lang kasi. Ngayon ko lang siya nakita. Hmmm
****
Makalipas ang isang linggo...
"Seirin, maglinis ka dito sa loob ng bahay, may darating akong bisita. A-at, mag-ayos ka na din ng s-sarili mo. Wag ka nang magtanong." sabay alis si tita.
Mag-ayos ng sarili? Bakit? Magulo ba ako? Anong ibig sabihin nun..
Nang matapos kong maglinis ng bahay, at magluto ng meryenda.. (oo, marunong akong magluto) naligo na ako at nanood ng T.V. Mag-aala sais na ng gabi at wala pa din si tita..
Nang biglang may pumasok sa pinto at si tita na nga iyon, pero kasama na niya ang bisita niya.. and what the???!! >___<
Bakit kasama ni tita yung lalaking 'yon?! Haluuuh. -____-
"Hmm. Seirin, this is my friend Liza, say hi to her...
and that's her son, It's Jarred. Hijo, this is Seirin.. my pretty niece."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. O___O
"Hi, Seirin.. " --> ^___^
Seirin: O___o
♥
Thank you for reading! :)
BINABASA MO ANG
Pabili po!! (oneshot)
HumorShort story lang po na pwedeng maging on-going depende po sa inyong mga magiging reaction. Please support! Kwentong tindahan. Asaran. at... basahin niyo na lang po! Salamat!