Tip #1 Make him Notice you

34 0 0
                                    

Meng~

Hayyy. Nakakapagod yung mga subjects lalo na yung Physics. Kainis talaga dapat di Nalang Pinag aaralan yang Math na yan! I mean pwede naman yung Minor Math lang. Eh jusko sasabog na utak ko. Hindi naman yan lagi ginagamit sa pang araw araw na buhay natin diba? Tsk.

Ayoko na nga. Intindihin ko muna yung Tip #1. Hm.

Tip #1 Make him notice you.

Teka, eh diba napansin na naman nya ko kahapon? Kaya nga lang in a Nakakahiyang way. Ano bang gagawin ko? Kitang kita ko mula dito sa paborito kong bench sina Alden, Hay. As ever ayun nanaman sila ng mga tropa nya, Making fun with girls.

Kung tutuusin dapat maturn off ako sa kanya kasi naman masyado syang mean saka Malandi. Y'know, flirting with girls as always? Wala namang bago dun.

Marami namang nagkakagusto sakin pero ano magagawa ko. Sya lang naman kase gusto nito. Nitong puso ko.

Since Elementary crush ko na sya. Pero di nya ko pinapansin, alam mo naman pag famous. Snob. Kailan nya kaya ko mapapansin? Hm.

"NicoMaineee! Bebe ko. Anong ginagawa mo dito? Wae alone?" Biglang sumulpot si Gio. Hayys. Ang Childish na to. Lagi nalang sumusulpot sa buhay ko.

"Gio, ikaw nanaman? Wala nagpapahinga lang ako kase nakakapagod rin kase maghintay sa taong hindi naman alam na hinihintay mo." As if maiintindihan nya ko. 17 na ko. Sya 16 pa lang.

"NicoMaine ano ba? Humuhugot ka nanaman babymeng wag mo na kase pangarapin yan si Alden di ka naman mapapansin non."

"Loko ka ah! Sinong nagsabi sayo? Mapapansin rin ako nun at magiging kami pa! Watch and Learn!"

"Pero bibi kuu. Andito naman ako alam mo namang love na love kita eh. Pakishhh" Ano ba yan? Lagi nalang nya sinasabi yan e syempre hindi naman ako naniniwala kase lilbro lang talaga tingin ko sa kanya. At siguro naman hindi sya seryoso sa mga Pinagsasabi nya.

"Tigilan mo kong bata ka ah. Ang kulit kulit mo talaga :) " ginulo gulo ko yung Buhok nya. HAHAHAHA Ang saya talaga kasama nito.

Para maiba naman, hindi ko parin pala alam yung gagawin ko sa Tip #1 Matanong kaya sya? Hm. Sige nga try ko.

"Gio, baby pwedeng favor. Suggest ka naman ng Pwede kong gawin para mapansin ako ni Alden in a good and unforgettable way"

Gio's POV

Hay. Ang saya saya ko talaga pag kasama ko sya, Kung iniisip ko na crush ko ba si Maine, oo tama kayo. Pero sa tingin ko kase Nakabanatang kapatid lang talaga yung tingin nya saken.

Ilang beses na rin ako nag confess ng feelings ko sa kanya pero Akala nya Joke lang. Nakakainis kase e. Dapat naging mas matanda nalang ako sa kanya *pout*

Sabi nya isip bata ako, pero yun lang akala nya kase naman sa ganung paraan hindi sya naiiilang sakin. Kaysa pag mature ako baka iwasan nya ko.

Sabi nya pogi naman daw ako pero ayaw nya parin sakin.

Bigla syang nagtanong kaya nagulat ako.

Anudaw? Paraan para mapansin sya ni Kuya Alden? Pinsan ko yun r di ko lang sinasabi sa kanya. Kahit ayoko at naiinis ako, tutulungan ko pa rin sya.

Ang hirap talaga mag mahal no? Kahit nasasaktan ka na, gagawin mo pa rin lahat lahat para sa kanya..

"Alam mo, Balita ko may gig sila mamaya sa Trushkin Bar e. 8pm. Sabi sakin nung mga ka group nya kailangan daw nila ng Vocalist kase daw Napaos yung Si Kristoffer eh. Kung gusto mo, Ikaw nalang mag volunteer. "

" Pero, Alam mo namang di ako masyadong marunong kumanta e. Atsaka baka di nila ko tanggapin :3" sabi nya. Sana nga wag nalang, baka kase mapansin ka pa nya tapos mahalin ka pa. Paano nalang ako?

"Sige. Ikaw din, Ikaw rin  baka may mahanap pa silang ibang vocalist, Saka I know you can sing. Kung di ako nagkakamali, diba tinutuan ka dati nung kapati--" di ko na natuloy yung sasabihin ko. Oo nga pala. Masyado pa syang affected dun sa Kapatid nya.

"Ano ka ba? For how many times do I have to tell you this. That, DON'T MENTION HIM AGAIN" Medyo naiiyak na sya. Kainis kasalanan ko. Aishh.

"Sorrryy." Tumango nalang sya at para maiba yung topic nagsalita sya.

"Anyways Oo nga ako nalang. Sigr bye, maiwan na kita dito Gio bebs puntahan ko na sila. :*" Kiniss nya  ko sa Noo? Ang gay pero kinilig ako. Syempre pasimple lang.

"Ge bye, ingat ka :)"

15 Ways on How to get your Crush :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon