Total Care

4.8K 97 28
                                        

"OH. MY. God. Diyos ko Lord, please sabihin nyo po sakin na hindi panaginip lahat ng yon, please please please!" kakamulat lang ng mata ni Maine ay naalala nya agad ang mga nangyari sa kanila ni Alden sa swimming pool kagabi. How they make out and especially how Alden told her he likes her. Tinapik tapik ni Maine ang kanyang mga pisngi gamit and dalawang kamay para gisingin ang sarili. Kinakabahan sya at hindi nya alam kung pano nya ngayon haharapin si Alden. Tumayo na sya sa kama at madaling nagpunta sa aparador para ihanda ang susuotin nya ngayong araw. She and her bestfriend, which is unfortunately for her, Alden's sister, planned yesterday to watch a movie. Both of them love horror movies kaya naman papanoorin nila ngayon ang "The Visit". Ang napili nyang suotin for today ay camouflage colored polo shirt na 3/4 sleeves at faded shorts na super ikli. Tinernuhan nya ang outfit with her black CAT boots.

"It's summer so might as well show off my long legs." bulong nya sa sarili. Gusto nya rin magshorts para makita ni Alden kung gaano sya kasexy. After she prepare her stuffs, she went to the bathroom. She only took an hour to get dress. Exactly 1030 am ay lumabas sya ng kwarto at bumaba sa dining room to eat breakfast with Alden and Alden's sister.

"Good morning my hany!" asar ni Alden sa kanya habang nagpapa-bebe wave. Inirapan lang ito ni Maine at dumirecho sa kanyang uupuan which is sadly in front of the smirking jerk. Gusto nya si Alden pero ayaw nyang magpa-easy to get so she acts like she's not affected with his charm. Napansin ni Maine na nakabihis din ito na parang may pupuntahan. She also noticed that her best friend wasn't around.

"Where's your sister? May plano kaming manood ng sine ngayon." tanong nya kay Alden habang kumakain. Hindi tumingin si Maine sa lalaki dahil alam nyang kikiligin sya sa kagwapuhan neto.

"May sakit sya ngayon so she has to stay home. Kaya ako ang sasama sayong manood ng sine." sabi ni Alden na tuloy-tuloy lang sa pagkain. Nagulat si Maine sa sinabi ng binata kaya naman nabulunan sya sa kinakain nyang sinangag at itlog. "And don't even try to say no. She told me to come with you because you've been wanting to watch a movie since you come here for your vacation. Okay, my hany?" kumindat pa ang binata after nitong magsalita sabay subo ng kinakain nitong hotdog.

"But...! but... she wants to watch it too so I'll just watch it with her some other time," rason naman ni Maine. She was blushing from thinking that she and Alden will go out on a date. Lumalabas sila with a group before but this is gonna be the first time that they will go out with just the two of them.

"Nope. Not a chance. Nakabihis na ko, you see? So tuloy tayo whatever you say." sagot ni Alden habang nakatitig ito sa kanya. Matagal silang nagtitigan at as usual si Maine ang naunang umiwas ng tingin. 

"Okay fine. The movie is just less than 2 hours anyway." sagot nalang ni Maine. Nag smirk lang si Alden sa kanya at tumayo sa kinauupuan neto. "I'm done eating so we should go. I'll wait for you in the car... my hany. Bwahahaha." sabi ni Alden sabay marcha papuntang bathroom para magtoothbrush. Maine continued eating. She can feel butterflies flying inside her stomach. 

Alden was waiting for Maine outside the car. HOLY SHIT. He's sooo freaking hot. Maine couldn't stop staring at him dahil sa sobrang kagwapuhan neto. Nakasuot ang lalaki ng dark blue polo shirt at jogger pants, at sinabayan pa ng black and white Nike airmax. "Ang galing din pala pumorma ng mokong nato. Kung hindi ka lang sutil at tsansingero perfect ka na sana." isip isip ni Maine.

"Hey. Yung laway mo. Tumutulo na. You like what you're seeing don't you?" sabi ni Alden sa kanya. Binuksan nito ang pinto ng kotse at hinala papasok si Maine. Hinawakan ng lalaki ang likuran ng dalaga ng papasok na sya ng kotse. Maine couldn't contain the kilig she's feeling from the simple gesture Alden just did. "Hmmm... gentleman din pala ang ungas." she thought to herself, waiting for him to get inside the car. 

"You look stunning today." bungad sa kanya ni Alden ng makapasok na ito sa loob ng kotse. Napakagat ng labi at napangiti si Maine sa sinabi ng lalaki. Alden started the car and move closer to Maine like he's hovering her. Maine can smell his very familiar masculine scent. Ang bango bango nya. Maine thought he's gonna kiss her so she close her eyes and wait for the kiss. Naramdaman nya ang very fresh breath ni Alden but then she opened her eyes when she felt the seat belt across her chest. Natawa ang lalaki sa reaksyon ng dalaga kaya naman umiwas si Maine ng tingin dito.

"Akala mo hahalikan kita no?" sabi ni Alden sa kanya habang tumatawa. Bumalik na ito sa tamang pwesto at nagsimulang magdrive. "Next time learn how to put your own seatbelt."

Almost 11:30 na sila nakarating sa sinehan which is just perfect because the movie will start at 11:45. Pansin ni Maine na halos lahat ng babae ay tumitingin at nagpapacute kay Alden. Meron pang isang babae na bahagyang binunggo si Alden at halatang nagpapa-cute. Alden didn't even notice it and just continue walking with Maine. Hindi na natiis ni Maine ang pagseselos kahit alam naman nyang hindi naman sila kaya nagsalita na sya kay Alden. "Ang daming babaeng tumitingin sayo. Grabe. I bet you like the attention." irap nya kay Alden.

"Meh. I really don't care. All that matters is you're here with me right now." seryosong sagot sa kanya ni Alden. Nagulat si Maine ng hawakan ni Alden ang kamay nya at ipag-intertwined ang kanilang mga daliri. Tumingin si Maine kay Alden, then he said "so everybody will know we're not just friends."

"Are we more than friends?" tanong ni Maine.

"Well yeah. I told you last night that I like you. Wag mong sabihing nakalimutan mo na yun?" direchang sagot ni Alden sa kanya. Naramdaman nyang hinigpitan pa neto ang kapit sa kamay nya na para bang pinaparamdam neto na he was hurt from not remembering what he said last night. Hindi nakasagot ang dalaga sa sobrang kilig. 

Nasa sinehan na sila ng bitawan ni Alden ang kamay ni Maine. Pumila ito para bumili ng tickets at popcorn for both of them. Pumasok na sila ng sinehan at pwumesto sa pinakalikuran. It was still early for most of movie watchers kaya naman bilang lang sa daliri ang tao sa loob ng sinehan. Natuwa si Maine dahil mas maganda ang magiging panood nya ng movie pag unti ang tao. Walang mag-iingay at makakadistract sa panonood nya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlDub Summer GetawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon