The day where it all started

30 1 0
                                    

Ughhh. Ganda na ng panaginip ko eh. Nagising pa ako sa ingay ng kapatid kong si Claire. Tsss. Magpatugtog daw ba naman ng Rock’n Roll sa speakers… TT.TT Ayos lang sana kung maibabalik niya yun panaginip ko.

*PANAGINIP*

Nakaupo kami sa labas ng classroom. Yun seating arrangement naming parang pang exam. Ewan ko basta ganun. Tapos nasa likod ko siya. Tapos kausap niya yun classmate naming dun sa loob , bale sa bintana lang sila naguusap. Nagtatawanan lang kami dun. Tapos uwian na namain. Hinila niya ako sa CR. Tapos pumasok siya sa isang cubicle, tinanong ko kung ano gagawin niya dun eh may bag sa loob. Sabi lang niya magpapalit ako. Tapos pinalitan niya yun ID niya. Strap ng 4th year yun suot niya kanina. Pinalitan niya ng pang third year. At nagising na ako. Nakakainis talagaaaaa.

“CLAAAAIRRRREEEEE! Hinaan mo nga yan. Sakit sa tenga.” Sabay pisil sa psingi niya. 

“Ginigising lang kita ate! Kakain na.” Aysus. =.=’

“Ganda na ng panaginip ko eh. Kainiiiissss!!!” Sana kase narerecord ang panaginip o kaya naman ilagay sa CD para paulit-ulitin na lang.

“Oo na! Sorry naaaa!” Sigaw ni Claire.

Ako nga pala si Chari Therese de Jesus. Chrese for short. Maliit lang ako, for a 3rd year student. 5” lang ako. =.=’ Sorry naman, di ako napaulanan ng katangkaran at kagandahan. Hindi ako yun tipong ‘HOT’. Maganda lang sakin ang buhok ko at eyelashes. Pramis. Madaming kaibigan, di nga lang lahat totoo. Well, ganyan ang buhay. Parang environment natin. DAENG PLASTIK, KAYA NASISIRA SI Mother Earth. Dibaaa? Madaming lalaking barkada. Di naman totally barkada na magkakasama lagi. Kaclose lang talaga. Tatlo kaming magkakapatid, Kuya Chelo (Christian Angelo), at Claire. Single. Malamang, wala akong twin. Joke yon. Okay. Back to the story.

“Ate! Bilisan mo sa CR!!!!” sigaw ni Claire. Sorry ha, ginawa ko pa kase yun mga seremonyas ko sa CR.

“Palabas naaaa!” 6:30 na, wth? 7:00 start ng klase. Ughhh. Mapapatay ako ng adviser namin eh. Lumabas na ako ng cr, tumakbo na ako papalabas, wala nang kain kain. Keri ko naman eh. Lagi naman, di din ako kumakain sa Recess. Lunch lang talaga saka Dinner.

“Kuyaaaa! Alis na ako, bahala ka na kay Claire ah? Ge bye!!” Tumakbo na ako papalabas ng bahay. Yun pa namana ang pinaka-ayaw ng adviser namin. Sana absent!! Wooo!!!

Sumakay na ako ng tricycle. Malapit lang naman kase eh. Naka-bun ako overnight. Para walang hassle kinabukasan magkulot. Trip ko lang. =))))) Pero sobrang straight ng buhok ko. Sa tricycle na ako nag ayos ng necktie ko. Aysus, yun uniform kase namin parang pangJapan. Plaid Skirt + White Polo + Necktie + Knee High Socks + Black Shoes + Coat = SCHOOL GIRL. Pagtingin ko sa relo ko, 6:45 na. Woo!! Takbo ako dire-direcho sa dulo ng first floor. Dun kase yun mga classrooms ng mga 3rd year. Anlayo. Nakakainis. Pagdatin tuloy sa classroom sobrang haggard ko. Kaya dumiretso muna ako ng CR saka nag ayos. Tinaggal ko na sa pagkakabun yun buhok ko, di ako nagmamake up. Pulbos lang, eh pano naman kase, pinagpapawisan na ako. Inayos ko yun palda ko saka dumeretso sa classroom.

“Chreeessseeeee!!” Sigaw ni Jade sa hallway. Bulgaran much?

“Makasigaw ka naman Jade, sakit sa tenga pramis!!” Seryoso. Sira na nga ata ang tenga naming magkakaibigan eh. Haha.

“Sorry!”

“Osige, ano bay un at mukhang saya saya mo?” Eh ganyan kase yan kapag kinikilig o excited.

“Si Eriiiicccckk~!” Okaaay, Erick is her childhood crush. Ever since! Hindi siya nagsasawang i-istalk yung mokong na yun. Kapitbahay ko siya actually.

“Oh ano meron sa kapitbahay kong mokong?”

“He asked me on a date!!” O.O

“Seryoso? Hmm. Baka naman pinagttripan ka lang niya ah?” Malakas ang trip ng boys samin eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Dreamboy [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon