TRISHA'S POV
Ang drama ko ano? Sorry na po. So ayun ako nga pala si Trisha Beatrice Vicencio (Trish, Ish, Ishang). 16 years old. Incoming 4th year highschool. Class valedictorian and school council president.
Araw ng pasukan namin ngayon. Kanina pa ako nakaayos ng sarili ko pati na rin ng gamit ko.
Pumunta na rin ako kila Keith.
Keith? Keith Trajena. Siya yung bestfriend ko. Tatag kaya namin since kinder mag kaibigan na kame nyan. Oh diba? WALANG TITIBAG! Mommy at daddy ang tawag ko sa magulang nya ganun din naman sya saken. Petmalu! Ayun nagsimula kame sa simpleng asaran hanggang sa ayun SINAPOK KO NA! Hahaha.
"Hi manong! Good morning!" Masayang bati ko doon sa guard nila.
"Oh? Ma'am Trisha! Good morning din po. Aga niyo po ata ngayon?"
"Gusto nyo pong malaman kung bakit? Ay secret lang po kase yun, walang clue! Ay joke lang!"
Naghanap ako ng bagay na pwedeng panggising kay Keith. Nagamit ko na kasi yung kaldero, kawali at yung tambol nila.
Ahh alam ko na!
"Manoooong, pwede po bang pahiram nyang baril nyo? Nagana naman po yan diba?"
Pinagsalikop ko pa yung mga kamay ko.
"Hala ma'am? Bawal po sa inyo ito. Baka po makapatay kayo e."
OA naman ni manong! Hmmmn, ano pa kayang pwede. Ah alam ko na ulet.
"Manong nako! Yan na lang na megaphone nyo! Thaaaaank you!"
Hinablot ko mula sa kaniya yung megaphone na bitbit nya! Sabay takbo papuntang kusina. Effective naman kaya itong megaphone?
"Hi mommy! Good morning!"
Bati ko dun sa mommy ni keith sabay beso ko sa kanya.
"Oh Ishang, Good morning din. Oh bakit ganyan yang itsura mo? Mukha kang galing sa pagtakbo."
Pinakita ko lang sa kaniya yung megaphone na bitbit ko.
"Ikaw talagang bata ka, oh siya sige puntahan mo na lang si Keith dun"
Tinakbo ko ang napakataas nilang hagdan, ng bitbit yung megaphone at yung napakabigat kong bag.
Di na ko kumatok sa kwarto nya. Dere deretso lang ako sa pagpasok.
Aba teka ano itong nakikita ko? Hubad na poste ba ito? Oh hubad na ano?