Kiss Mark and Tattoo (One Shot)

1.6K 60 50
                                    

AN: Hello po! Eto nanaman ako sa one-shot! xD Naisip ko lang tong concept na to nung nagluluto ako ng pancakes. AHAHAHA. Uy!!! Pero walang konek ang pancakes sa story ha. Ang weird ng pag-iisip ko. >__< Sorry di po to na-proof read. HAHA

Dedicated sakanya! As promised, eto na oh :3 Sorry for the long wait. ^O^v

P.S. Thanks kay ate Ricchan for the great cover. *U* So Awesome! Aminin?

Vote | Comment | Share

Enjoy reading <3

====================

"Go pare! Kaya mo yan!" Sigaw ni Murphy, kabarkada ko.

"Last na yan oh! Makakaligtas ka na sa tattoo!" Dagdag ni Sean.

Heto ako ngayon nasa tapat ng isang babaeng naka-upo sa may counter ng bar. Siya na yung last na bibigyan ko ng kiss mark. Lintek naman kasing dare yan oh. Kailangan ko kasing lagyan ng kiss mark ang tatlong random na babae rito sa bar nang hindi sila pumapalag, at siya na yung huling napili ng mga kabarkada ko. Pag may pumalag, kailangan kong magpa-tattoo.

Lumapit ako sa tabi nung babae na kasalukuyang umiinom. Maganda naman yung babae. Mukhang sobrang inosente naman niya. Mas lalo akong lumapit. Hindi niya pa rin ako nililingon. Haaay... Matapos na nga tong dare na to...

"Hi miss. Pahiram ng kamay mo ha." Sabi ko sabay hawak sa right hand niya at saka ko hinalikan.

*Chuuuuu---

"Aray! Shit!" Sigaw ko.

Agad naman kasing sinupalpal nung babae yung mukha ko gamit yung left hand niya habang hinablot yung hinahalikan kong kamay niya. Lintek naman yan! Matatapos ko na sana yung dare eh. Bwiset!

Pinandilatan niya ako ng mata saka niya ako tinadyakan sa paa.

"Aray!" Sigaw ko ulit. Letse naman oh! May lahi bang kabayo tong babaeng to? Urrggh!

"Stupid." Kalmadong sabi niya sabay kuha sa bag niya at tuluyan ng umalis.

Urrgh! Bwiset na babae yun! Sinusumpa ko siya! Haist! Lintek talaga. Talo na nga ako sa dare, ang sakit pa ng paa ko. Sisingilin ko talaga yung babaeng yun balang araw.

"Hoooo! Ang isang Dominic Calara na gwapo, madiskarte, mayaman at habulin ng chicks ay natalo sa dare?! Sobrang bago to!" Sigaw ni Murphy habang papalapit sakin.

"Hindi rin masamang sumubok ng bago." Pa-cool na sagot ko. Tch.

"Haha. Palusot mo pre. Masakit ba?" Sabi naman ni Zeo, barkada ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at bumalik na kami dun sa table namin. Umupo ako dun sa may dulo malapit sa pader. Agad akong uminom. Haaay... Nakaka-bwiset talaga.

"Hey guys! Haha. That scene a while back was epic. Right Dominic?" Sabi nung babae.

Tinignan ko siya ng masama tapos umupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo rito Zea?" Tanong ko. Oo tama kayo ng nababasa. Zea ang pangalan niya. Kambal siya ni Zeo.

Ngumiti siya at sinabi, "You know Dominic, sobrang mali talaga yung babaeng nilapitan mo eh. Yung moment pa lang na hinawakan mo yung right hand niya, pumirma ka na sa entrance papuntang impyerno."

"Bakit naman? Ano bang meron dun sa babaeng yun?" Tanong ni Sean.

"Oo nga ano bang inaarte niya eh pumunta siya sa bar, edi malamang mag-expect siya na may mga ganung bagay." Dagdag ni Zeo.

Kiss Mark and Tattoo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon