1

21 0 0
                                    

Her Side

"Mahal mo pa ba ako?" Alam ko kung ano yung dapat isagot ko pero natatakot akong saktan s'ya. Pero alam kong mas masasaktan s'ya kapag tinuloy pa namin 'to.

"I'm sorry. Masyado mo akong sinasakal sa relasyon na 'to kaya unti-unting nawala yung nararamdaman ko para sayo. Believe me, minahal kita. Pero wala na talaga akong nararamdaman para sayo. I'm sorry."

Biglang tumulo yung luha sa mga mata nya na halata namang kanina pa nya pinipigilan. I feel so freakin' guilty right now. Darn!

"I'm sorry kung nasasakal na pala kita. Mahal na mahal kita kaya ako nagkakaganito. Ayusin natin 'to. Please."

I'm so close to crying. Nagiguilty talaga ako. Kahit papano naman minahal ko 'tong lalaking 'to. Pero wala na talaga eh. Di ko na s'ya mahal.

"Di na maayos 'to Justine. Hindi na kita mahal."

"Meron ka na bang iba kaya nawala na yung pagmamahal mo sakin?"

"The heck! Ganyan ba tingin mo sakin? Wala akong iba. Masyado kang seloso, ayaw mo na nilalapitan ako ng mga classmates natin. Pati nga si Jealyn pinagseselosan mo! Masyado kang demanding, gusto mo sweet ako sayo at lahat ng oras ko nasayo. You're so immature, I'm sorry."

"Okay. Kung yan yung gusto mo. Papakawalan na kita." Then he walked away.

Sa wakas! Sinabi na din nya yung gusto kong sabihin nya.

Hindi sa masama ako, pero wala na din naman talagang mangyayari pag pinagpatuloy namin yung relationship namin.

Di nyo naman ako masisisi. I'm NOT the typical kind of girl na gusto ng sweet, romantic and caring na boyfriend.

Ayoko ng boyfriend na sweet. Masyadong nakakasawa pag matagal na. Syempre paulit ulit ka nalang kinikilig. Masasanay ka na at pag nagtagal, di ka na kikiligin sa mga sasabihin nya kasi nga paulit ulit nalang.

Ayoko nung todo effort. Yung tipong may mga nalalaman pang surprise chu chu na ang corny at baduy naman. Yung magugulat ka nalang na may magbibigay ng flowers sayo. Like duh, di naman ako puntod or tourist or altar para bigyan ng bulaklak. Mas okay pa nga ako sa sticky note na may nakasulat na "Ang pangit mo." Baka mas kiligin pa ako dun.

Ayoko ng demanding. Sino ba naman ang may gusto ng dinidiktahan sya, diba? Yung tipong dapat all the time nasa kanya atensyon at oras mo.

Ayoko ng seloso. Pinapakita lang nya na wala syang tiwala sakin. Yeah, may commitment nga kami, pero di nya ako property na dapat sakanya lang ako. Pano naman ang social life ko kung kada may makikipagusap sakin magseselos sya.

Ayoko ng lalaking pabaya sa studies nya. Nakakaturn off yung ganun diba? Tapos kapag nalaman ng parents nya na nadrop or failed yung mga grades nya, sinong sisisihin? Syempre ako kahit wala naman akong kinalaman dun. Sasabihin kesyo puro love life ang inaatupag. Tsk. =___="

At higit sa lahat...

Ayoko ng lalaking nagpaplan ng future nya na kasama ako. Di mo naman alam kung anong mangyayari bukas, sa susunod na araw and so on. So bakit ka magpaplan agad na makakasama mo sya for the rest of your life kung di mo naman alam ang pwedeng mangyari. Siguro kayo ngayon, the next day wala na kayo. O diba? Asang-asa ka tapos di naman mangyayari yun. Why not just live your life today for yourself and not for someone?

No, I'm not selfish. It's just that in the end of the day, meron at meron naman talagang darating sa buhay natin na makakasama natin for good. Di lang tayo sure kung sya na yun o meron pang iba.

Oo na! Masyado akong choosy. Sabi nga nung pinsan ko tatanda na akong dalaga dahil sa mga ayaw ko.

Wala eh, lahat naman tayo may ayaw. Marami lang talaga yung sakin at lahat ng ayaw ko, eh ideal ng iba. Hahaha :D

Ang dami ko ng pinagsasasabi dito pero hindi pa ako nagpapakilala. Hahaha

Ehem. Ehem. Keith Martinez. 16 years old palang ako. 1st year college na at maganda ako. Hahahahaha :D Bakit ba? Wala namang pangit pero may mababang uri ng kagandahan.

Yung kausap ko kanina, ex ko. (Halata naman, nakipaghiwalay nga diba?) Di naman kami matagal nun. 4 months lang kami.

Buti nalang talaga at magbabakasyon na kaya di ko na sya makikita at alam ko magshishift na sya. Hahahaha :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PersonalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon