Kapitolo Tres (Unedited)

11.7K 343 18
                                    


NAKAPIKIT si Zarina habang patuloy sa pagdarasal. Takbo lang siya ng takbo at sinusundan ang yabag ng kanyang kasama. Hindi naman binibitawan ni Kenji ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa batis. Hinihingal sila pareho nang sabay na mapaupo sa malapad na bato sa gilid ng batis na may rumaragasang tubig buhat sa mataas na talón.

"Are you okay?" hinihingal pa ring tanong nito.

Tumango lamang siya. Nahihirapan siyang magsalita dahil sa labis na pagkahapo. Masyadong matulin ang tibok ng puso niya.

"We're safe here. Maingay ang talon at sa palagay ko'y nailigaw na natin ang ahas na iyon," anito.

"Anong klaseng ahas 'yon?" pagkuwa'y tanong niya nang mahimasmasan.

"Isang uri iyon ng python. Nabubuhay sila sa mga tagong gubat at malalamig. Masyado silang mapanganib para sa mga tao o kahit sa mga ibang hayop. Kaya siguro wala masyadong maliliit na hayop dito dahil sa ahas," anito.

"Paano kung matunton tayo rito ng ahas?"

"Posible 'yon. Kaya kailangan may gawin tayo para makahanap tayo ng rescue."

"Hindi tayo puwedeng mag-stay rito. Bumalik na lang tayo sa pampang ng dagat at mag-abang ng mga bangkang dadaan," suhesyon niya.

"That's a good idea. Pero ipabukas na natin, mukhang may paparating na bagyo dahil sa hangin at ang mga maliliit na insekto ay nagsisilikas."

Tinitigan niya nang mataman si Kenji. Hindi siya makapaniwala na marami rin itong alam sa kalikasan. Sa isang iglap ay nakalimutan niya ang inis niya rito. Kung tutuusin, iniligtas nito ang buhay niya mula sa halimaw na ahas na iyon. Wala naman siyang mapapala kung patuloy siyang magagalit. Dalawa lang sila ang naroroon at hindi niya kayang i-survive ang sarili na wala si Kenji.

"Saan ka pupunta?" tanong niya kay Kenji nang bigla itong tumayo.

"Titingnan ko lang ang ibang gamit natin sa yungib. Dito ka lang," anito saka lumusong sa tubig upang makatawid sa kabilang pampang.

Sinundan lamang niya ito ng tingin. Nang mawala na sa paningin niya si Kenji ay iginala niya ang paningin sa paligid. Kinakabahan siya sa isiping baka biglang susulpot sa likuran niya ang malaking ahas. Mamaya'y tumayo siya at lumapit sa malalaking bato na binabagsakan ng tubig. Napawi ang takot niya nang masilayan ang kabuoan ng napakagandang talon. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng sobrang taas na water falls.

Natukso siyang lumusong sa tubig. Nang mabasa na ang kalahati ng katawan niya ay hinubad niya ang kanyang damit. Tanging underwear lamang ang itinira niya. Malamig ang tubig ngunit hindi niya iyon ininda. Gusto niyang tumayo sa mismong bumabagsak na tubig. Mabuti na lamang at may bahaging mababaw kung saan maraming malalaking bato.

KINABAHAN si Kenji nang pagbalik niya sa batis ay wala na si Zarina. Ngunit ang kanyang pagkabahala ay nahalinhan ng hindi mawaring damdamin nang makita niya ang babae na naliligo habang nakasahod ang ulo sa bumabagsak na tubig. Hantad na hantad ang maalindog nitong pangangatawan. Hindi siya makapaniwala na minsan na niya iyong naangkin. Oh, hindi pala, katawan lamang niya ang umangkin rito dahil ang lapastangang diablo ang may pagnanasa sa babaeng ito.

"Huwag mong pigilan ang damdamin mo, Kenji," narinig niyang bulong ng tinig ng lalaki sa kanyang tabi.

"Bakit bumalik ka? Akala ko ba tapos na ang misyon mo kay Margarita? Maligaya na siya ngayon sa piling ni Zandro," aniya.

"Tapos na ang misyon ko sa kanila, sa iyo naman, Kenji."

Nagtagis ang mga bagang niya. "Bakit ako? Nawala ang babaeng mahal ko."

El Deseo del Diablo (El Diablo trilogy2) Preview OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon