TSDNO : Part 31 - Jealousy

12.5K 297 13
                                    

Nick POV :





"Time is running. Start the screening now!" sigaw ko sa mga staff ko. Napansin ko ang pagkataranta bigla ni Belle. "Spill it out, Belle. What do you want to say?" tanong ko.





"Sir, Ms. Madison hasn't yet arrived. She's one of the panel so, we have to wait for her."





"Is she informed about this? Baka naman mamaya naghihintay lang tayo sa wala."





"Yes, sir! She said she'll come."





Tumahimik na ako. Inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa sa information sheet na tungkol sa mga modelong kinuha. Almost thirty candidates ang pagpipilian namin. At lahat sila, talagang forte na ang pagmomodelo. Yong iba nga nakikita ko na sa mga billboard along Edsa, yong iba naman baguhan palang ata. Muli kong itiniklop yong folder.



"Hi everyone! I'm sorry I'm late....Let's start na!" Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na yon. "Shit! Dammit! " mahina kong mura nong mapansin ko yong suot niya. Why is she wearing clothes like that? Tss. This woman really gives me a hard boner. Bigla siyang lumingon sakin kaya nagkatitigan kami. Agad siyang umiwas. She's looking for her assigned chair. Wala namang ibang bakante kundi yong nasa kanan at kaliwa ko lang. Kahit san pwede siyang umupo dun. Hinila niya yong bakanteng upuan sa kaliwa ko at agad na umupo. Biglang nag-init yong pakiramdam ko ng di sinasadyang magdikit ang aming mga braso.



Napasinghap ako bago nagsalita. "Start the screening!" utos ko sa kanila.





Tahimik lang kami habang hinihintay ang isa-isang paglabas ng mga modelo. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya nong makita niyang nasa line-up din si Tricia. She's with me, actually. Labag man sa kalooban ko na pasalihin siya, wala naman akong magawa. Ayaw ko kasing sumama yong loob niya sakin dahil maapektuhan ang bata sa sinapupunan niya. Sinabihan kasi ako ng doctor na nasa sensitive stage ngayon si Tricia. Dapat sundin ko daw lahat ng gusto niya dahil buntis siya.



"Ms. Valderama, you're pregnant, right? tahasang tanong dito ni Ehm. Tricia nodded. "Then, get off the line and just sit down beside your boyfriend. I'm not including you as one of the candidates. And please lang...stop wearing those killer heels of yours, it can lead you to joint instability and muscle strain."



Tumingin sakin si Tricia na tila ba humihingi ng saklolo. Napabuntong hininga ako. Eto na naman, naiipit na naman ako sa sitwasyon. Alam kong concern lang si Ehm kaya ayaw niya itong pasalihin, pero nag-aalala din ako na baka sumama na naman yong loob ni Tricia at mapektuhan pa yong baby sa tiyan niya. Napahawak nalang ako sa batok ko. "Let her join." i just said. Narinig ko ang pagbagsak ng ballpen sa may paanan ko. Alam kong sinadya yong gawin ni Ehm. She's mad. Napapailing akong yumukod at pinulot ito. Inabot ko sa kanya. Her eyes are burning in flames. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya sa sitwasyong ganito kaya naman umiwas ako at inabala nalang ang aking sarili sa pagtingin sa mga candidates.



The screening started. Inuna namin ang mga babae. They are all beautiful...and sexy. I really don't know how they managed to walked gracefully with those killer heels. Ilang inches ba yong mga suot nila, ang tataas eh. Di ba sumasakit mga binti nila? Pasimple kong tinignan yong suot ni Ehm. Tangna, mas mataas pa ata tong suot niya kaysa sa mga modelong nasa harapan namin ngayon. Iniwas ko na agad yong mga mata ko, baka san pa umabot eh, kakasilaw kasi yong binti at legs niya. Sarap kagatin. Hay, ano bang iniisip ko, pinapahirapan ko na naman tong sarili ko...Letche lang.



Out of fifteen, six lang yong napili namin. At kasama dun si Tricia. Well, may ibubuga naman talaga siya compared sa iba at isa siya sa sikat na modelo ngayon sa bansa. Sa girls pa lang, umabot na kami ng lunch. Yong mga guys naman, mamaya naman daw.



I looked at my left side. Ehm is busy on her phone. Pasimple kong sinilip. Langya, naglalaro lang pala ng candy crush. Eh kanina pa siya nakakatutok sa phone niya, ibig sabihin lang non, sa loob ng tatlong oras, naglalaro lang siya dito. Ibig sabihin hindi siya seryoso sa pagpili ng modelo. Tsss, kung dalawa lang kami dito, lagot to sakin.



"Babe, Gutom na kami baby. Let's eat na, pleaasee.." Napalingon ako kay Tricia, bigla bigla nalang kasing sumusulpot. Andito na pala siya sa tabi ko, diko man lang naramdaman yong paglapit niya. Palibhasa wala na naman ako sa aking sarili.



Oo nga pala, madali nga palang magutom ang mga buntis. Madali ding mag-init ang ulo nila dahil sa pregnancy hormones. No wonder, nakasimangot na naman siya ng todo. Mali pala, hindi na bago sa kanya ang pagsimangot, lagi naman siyang ganyan mula noon.



"Okay." ani ko nalang. Tumayo na ako at inalalayan ko na rin siya sa pagtayo. Kumapit siya sa braso ko. Aalis na sana kami nong mapansin kung walang katinag-tinag si Ehm sa upuan niya. Samantalang nagsitayuan na din yong iba naming mga kasama. Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Do you want to dine with us?" i asked her. Hindi siya sumagot. Hihilahin ko sana siya sa kamay pero pinigilan ako ni Tricia.



"Ayaw niyang sumama kaya wag mo siyang pilitin. Tsaka ayaw ko siyang makasama, babe. Baka sumama lang ang pakiramdam ko." I sighed again. Gusto ko siyang makasama pero alam kong di rin siya sasama dahil galit siya sakin. Hanggang ngayon di pa niya ako kinakausap. Parang wala siyang nakikita.



Hinila na ako ni Tricia palabas ng function room kaya wala na arin akong nagawa.



Dinala ko nalang siya sa isang malapit na restaurant. Hindi kasi kami pwedeng magtagal lalo na at minamadali na namin ang pagpili ng modelo para sa darating na anibersaryo ng kompanya. Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. Halos umabot na kami ng dalawang oras at dipa rin tapos kumain tong kasama ko. Kaya nga di kami lumayo kasi gusto kong makabalik agad. Agad na akong tumayo nong mapansin kong nagpupunas na siya ng labi niya. Kabastusan mang tignan pero nagmamadali talaga ako. Hindi ko na siya hinintay, nauna na akong lumabas ng restaurant at tumungo sa opisina.



Pagdating sa function room, lalong nag-init yong ulo ko sa eksenang bumungad sakin. Eym is talking to someone quiet familiar to me. One of the models, i guessed. And he's getting into my nerves. Naglakad ako palapit sa kanila, enough to hear what they're talking to. Nakatalikod sakin si Ehm kaya di niya ako napansin.



"So, after all this years, you're still together pala. What a lucky bastard. I think he's really in love with you Ashele. He's not like that before, what do you think?" the guy asked her. And why Ashele? Why'd he call her that? Tss! I don't know why i feel so damned nervous waiting for her answer. I knew that I'm not the one this guy alluded.



"I don't know Dwaine. He's too good for me. If only time could change everything i'd choose him. But, i can't do that, yes, i loved him but...it's not that easy to fall. I don't want to hurt him, I owe him a lot." I can sense pain on her voice. She's in love with someone else and that's not me. Fuck! That hurts.



"Speaking of him, he's here. Your knight in shining armor." Agad lumingon si Ehm, nagulat pa siya nong makita ako sa likod niya. Saglit nagtama ang aming mga mata. Wala akong mabasa na kahit ano sa kanyang mga mata. She's numb. Naglakad siya papunta sa pinto. Napatiim bagang ako nong makita kong niyakap at hinalikan siya ni Dale. Yes, it's Dale. Siya yong lalaking pinag-uusapan nila kanina. Gusto ko silang paglayuin pero wala akong magawa. Seeing her happy with someone else truly breaks my heart. I'm so doomed.



Para akong sinasaksak sa nakikita ko ngayon. Masakit pero wala akong magawa. Alam kong may pagkakamali ako, tanggap ko yon. Kung sana nag-isip muna ako bago ko ginawa ang isang bagay sana hindi nangyayari to ngayon. Sana ako yong kasama niya, ako yong humahalik at yumayakap sa kanya. Pero dahil sa kagaguhan ko, nawala sakin ang lahat. Nawala sila sakin.



Pero gagawa ako ng paraan. I'll make sure ako parin ang pipiliin niya. Sakin lang sila ng mga anak ko.



**********************























My Sweet Desire : Nickolo OrtegaWhere stories live. Discover now