CHAPTER TWO

532 13 1
                                    

LAHAT ng mga estudyante ng St. Bernard ay may kanya-kanyang locker. Paraan iyon para hindi na nila kailangang bitbitin pa ang mga gamit pauwi. Kanya-kanya ang puwesto ng locker, depende sa year level. Ang sa fourth year ay nasa dulong bahagi ng locker room. Bihira lang ang mga nagpupunta roon dahil nasa tagong banda na iyon.

Kasalukuyang binubuksan ni Dennisse ang locker nang may mahagip ang kanyang mga mata na maliit na papel na nakaipit doon. Kinuha niya ang sulat at binasa ang laman.

Dennisse, are you an interior decorator?

Because when I saw you, the entire room became beautiful.

Napakunot-noo siya mataposmabasa ang sulat. It was some pick-up lines. Luminga siya sa paligid upang alamin kung sino ang posibleng naglagay niyon sa locker niya pero maliban sa kanya ay wala nang ibang tao roon.

Nang sumunod na araw ay may nakita na naman siyang papel na nakaipit.

Dennisse, I thought happiness starts with an H. Why does mine start with U?

Nagpatuloy ang ganoong pangyayari kay Dennisse. Unti-unti na siyang nasasanay na may natatanggap na sulat mula sa kung sino. Walang inilalagay na pangalan ang sender kaya wala siyang idea kung sino ang may gawa niyon. Basta kada araw ay may nakukuha siyang note at kada araw ay napapangiti siya.

Dennisse, if I were a stoplight, I'd turn red every time you pass by, just so I could stare at you a bit longer.

Gustong-gusto na niyang malaman kung sino ang nasa likod ng mga sulat. Ngunit talagang magaling magtago ang may gawa niyon.

Dennisse, for a moment I thought I had died and gone to heaven. Now I see that I am very much alive, and heaven has been brought to me.

Napangiti si Dennisse habang maayos na itinutupi ang sulat. Napaigtad siya nang isang tao ang biglang lumapit sa kanya.

"Hi," masayang bati ni Nico nang lumingon siya.

"H-hi rin."

"Mukhang masaya ka, ah," puna nito.

"Palagi naman akong masaya."

"Hindi kaya. Palagi mo nga akong sinusupladahan, eh."

Itinuro ni Dennisse ang sarili. "Ako? Parang wala naman akong matandaang pinagsupladahan kita."

"Never mind. Ang mahalaga ay nginitian mo na ako. Come to think of it, ngayon ka lang ngumiti habang magkausap tayo. Madalas kasi ay seryoso ka."

"Nagkakausap lang naman tayo kapag may meeting sa club,'di ba? Walang rason para magngitian tayo."

"So, kapag nasa labas ng meeting,puwede tayong magngitian gano'n?"

Nagkibit-balikat lang si Dennisse. Bahala na si Nico na mag-isip ng ibig sabihin niyon.

"Mukhang may secret admirer ka, ah?"

Nagtatanong ang mga matang napalingon siya sa katabi.

"Palagi ko kasing napapansin na may nakaipit na sulat sa locker mo. Naisip kong baka galing 'yon sa secret admirer mo," paliwanag ni Nico. "Magkatabi lang kasi ang mga locker natin," dugtong pa nito.

"Locker mo ito?" Itinuro niya ang locker.Nagtaka siya dahil ang pagkakaalam niya ay si Bea ang umookupa ng katabi ng locker niya.

Nakangiting tumango ang binata. Mukha itong guilty wala pa man siyang sinasabi. His eyes surveyed her face in a leisurely way. Nailang naman siya sa ginawa nito.

"Ahm, mauna na ako sa 'yo." Dinampot ni Dennisse ang bag sa sahig at isinukbit sa balikat.

"Actually, nakipagpalit ako ng locker kay Bea. May hihingiinkasi sana ako sa 'yong pabor," wika ni Nico na nagpatigil sa kanya.Si Nico Santos hihingi ng pabor sa kanya? Bakit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pick-up Line Na PumickUp Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon