Kimyat's PoV
"Bilisan mong maglakad Kimyat, ngayon ko na ipapakita sayo kung sino ang nagpapatibok ng patay kong puso. Bilis!!" Hila-hila ako ni Lady. Siya ang bestfriend ko. Ewan ko ba at bakit nagmamadali to! Ipapakita niya daw ang crush niya? Kamusta naman ako na, na stock up sa puso ni Roshi. Haysss! Ayokong pag-usapan.
Nakarating na kami sa Gym namin. Nasa School kasi kami at mayrong mga nag prapractice ng basketball. Napatingin ako sa paligid. Hmmmnn nandito si errr. Si Roshi nandito siya. Naka Jersey siya ng number 13. Hayss birthday number kasi niya ang 13 kaya yan lagi ang number sa lahat ng jersey niya.
"Kimyat!!!!! Hello to the World! Are you listening to me!??" Napatingin naman ako kay Lady na umuusok na ang ilong. Nginitian ko siya saka nagsalita. "Sorry naman Lady, may tiningnan lang naman ehh alam mo namang hanggang sa tingin lang ako diba?" Sabi ko. Ngumiti siya sakin. Buti naman at naiintindihan ako--- "Aray lady!! Makasapak ka diyan ha!" Binabawi ko na ang sinasabi ko na naiintindihan niya ako. Ughhh
"Alam mo naman palang tingin ka lang diba? But why did you keep on chasing him?" Lady asked. Tumingin lang ako sa naglalaro at sumagot
"You know how much I want him, you know how much I like him. 3 years na kaming nasa Getting to know each other! Ano dito nalang? I want answers!" Seryusong saad ko.
"Yeah. I know you like him damn much! Pero peste naman yang puso mo, may nagkakagusto sayo pero rinereject mo dahil sa kanya. Ohhh ano ka ngayon?" Sagot naman niya. Kilala nga ako ni Lady. Matagal na kasi kaming magkakaibigan.
"Yung mommy niya kasi ehh! Ayaw niya sakin! Tanggap ko naman na mahirap kami pero lintik lang haaa kailangan ba talagang ipamukha? Masakit ehh! Gusto ko nang sumuko!" Hindi ko alam na napaluha na pala ako kaya pinunasan ko ito agad sa kamay ko.
"Best friend kita kaya nirerespeto ko kung ano man ang gusto mo. If you want to surrender then do it, there's no harm in trying!" Sabi niya at hinagod ang likod ko. Napansin ko ang sakit ng binti ko kakatayo. Nagulat nalang ako ng lumundag si Lady at hinila-hila ang blouse na suot ko.