Secosana's Pov
"Dalawang late sa isang araw? Should I praise you for that Ms. Nastalla? Be responsible enough!" Sigaw ng prefect.
Napayuko nalang ako sa sinabi ni maam. "Yes, maam"
"You may now leave , bago pa magbago ang isip ko!" Duh! Pake ko tss.
Lumabas kaagad ako at pumunta sa cafeteria, may 5 minutes break pa namang natitira.
Two strike in a row? Amazing.
Ano pa nga bang bago dun. Pag kasama ko yata yung lalakeng yun minamalas ako.Pagkatapos kong umorder agad akong naghanap ng mauupuan. Sakto naman na may bakante.
Kinuha ko yung siopao at nilagyan ng ketchup. Agad ko itong nilamon. Gutom na gutom na ako , kanina pa! Kung ano ano pa kasi yung sinas-- what the fvck!
*cough!* cough!*
Agad kong kinuha yung mineral water at nilagok yun. Punyeta ang anghang!
"Ang takaw mo kasi yan tuloy, tsk tsk"
Kahit di ko lingunin yung nagsalita alam ko na kung sino yun. Oh well, sino pa nga ba? Ang demonyo kong kaibigan.
"Ano bang nilagay mo diyan sa siopao mo?" Tinikman niya yung ketchup at tumawa ng malakas. " Pfffft! Bat hot sauce yung nilagay mo? Hahahaha!"
Tuwang tuwa pa siya sa nangyari. Di ko naman alam na hot sauce pala yung nailagay ko dun. Aba malay ko!
Napansin kong hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Kien. Sinamaan ko siya ng tingin at agad niya namang nakita yun at tumawa ng alanganin.
*smirk*
'Nadadaan naman pala to sa tinginan lang' sabi ko sa sarili ko.
"Ito naman di ma-joke!" Aakbay sana siya pero umiwas ako.
"May atraso ka pa pala sakin kaya wag mo akong kausapin o mahawakan man lang." matigas na sabi ko.
"Ito naman si Seille parang bata! Halika nga dito" lumapit siya sakin at hinala ako para yakapin ng mahigpit.
"Ano ba Kien! Bitawan mo nga ako, ugh!" Inis na sabi ko.
Di ko mapigilang singhutin yung polo niya, infairness ang bango niya. Okay na rin.
"Suss, gusto mo lang na nilalambing eh" sabi niya at ginulo yung buhok ko.
Ba't ba ganito yung mga lalaki, palaging ginugulo yung buhok namin. Seriously, insecure ba sila sa hair namin?
"Wag ka nga! Argh" Sigaw ko at kinagat yung braso niya para makaalis ako. Mabango nga siya pero papatayin ka naman sa sakal!
"Aray! Punyet-"
"What did you say?" taas kilay kong tanong sakanya. Ang ayoko sa lahat yung nagmumura. Basta naririndi ako kapag naririnig ko silang nagmumura. Okay lang kapag ako.
"Uh- si punyeto! Yung kapatid ni punyeta! ---Araaaay Seille!!" Hinila ko yung tenga niya nang malakas. Gumawa pa talaga ng rason eh ang sabaw naman. Tss
Binitawan ko agad yung tenga niya kasi namumula na. Syempre may awa naman ako. Bite size.
"Ang brutal mo talaga! Buti naman naawa ka sa kapogian ko"
*rolled eyes* "Srsly?" Tinalikuran ko sya at humakbang palayo sa mayabang nato.
"Pasalamat ka m--asdfghjkl!" May sinabi siya pero di ko na narinig kasi biglang nagbell. Mamaya ko nalang siguro itatanong sakanya yun.
Sana di na ako malate sa next class ko medyo strikto pa naman yung next prof, ugh Calculus!
***
Someone's Pov
"Kailan ka uuwi ng pilipinas?" Tanong ng babaeng nasa harap ko.
Napaisip din ako sa tanong niya. Hindi ko din alam kung kailan. Im waiting for the right time.
"I dont know" tipid na sagot ko.
"Are you sure about this?" sabi niya.
"Yes"
"Tell me if you decided already"
"I will"
Ngumiti siya at lumabas ng office. But when will be that right time?
Saktong paglabas niya ay tumunog yung cellphone ko. Sinagot ko agad yun.
"Yes"
[Still breathing?]
"Yes I am. Still alive and kicking"
[Good. Kailan ka babalik dito?]
"Soon"
I ended the call without waiting for his response. I am now excited what would be their expression if they saw me, again.
Shock? As always do.