MY LOVING MOTHER
Unang kita ko palang sa batang ito ay May kung anung kaba at saya ang naramdaman ko sa puso ko..
Naramdaman ko ito ng una Kong nasilayan ang kanyang maliit at bilugang mga Mata habang nakatingin sa akin. Ang kanyang maliit at matangos ang ilong at ang kanyang mapupulang labi na animoy isang smooth candy..
Ang batang ito ay mukhang anghel mula sa langit..ibinigay ito ng diyos sa akin para kumpletuhin ang kung anu mang kulang sa buhay ko.
Hindi ako nagkakamali sya ang anak ko..Hindi man sya lumabas mula sa akin ay nararamdaman ng puso Ko na anak ko nga sya..
Oo..ang batang ito ay mula sa basurahan na aking nakita noong ako'y papauwi galing sa eskwela..nung una ko syang Makita ay May pag-aalinlangan pa akong nararamdaman, natatakotakong baka May kung anung mangyari sa akin kung ito ay kukunin ko.Nakakalkula ko na ang mga sasabihin ng mga kapit-bahay ko kung ito man ay aampunin ko.
Pero ng makita at masilayan ko ang mga ngiti sa mga labi nito ay para akong nasabik na mahawakan ito ng mga braso ko. Hindi nga ako nagkamali.. Ang mukha ng bata ay parang isang anghel sa langit at ibinaba ito ng diyos at ibinigay sa akin para punuin ang pagkukulang sa buhay ko..para kumpletuhin ang buhay ko na ni minsan ay Hindi nakadama ng pagmamahal mula sa isang ina at ama na sanay ito ang gagabay ay magtuturo mula sa ating pagkabata..
Lumaki ako sa isang pamilya na puno ng inggit, galit at pagiging sakim..bata palang ako ay ulila na ako ng lubusan..namaTay ang aking ina nung ako'y kanyang iluwal at ang Ama ko naman ay namatay sa isang aksidente kaya Kinuha nalang ako ng isa naming malayong kamag-anak mula sa ama ko..
Akala ko ay mapapabuti ako pero inalipin nila ako sa loob ng maraming taon..pinag-Aral ko ang sarili ko mula sa pagtitinda ng kung ano sa eskwela at sa pagtitinda ng kung anung bagay sa palengke..
Hindi ako nakadama ng pagmamahal mula sa pamilya kundi pagmamaltrato lang sa akin ng kinikilala kung pamilya..
Nasa elementarya pa Lang ako nun pero natutu na akong kumayod para sa pag-aaral ko at gastusin ko sa aking sarili..nakakatulong din ako sa pamilya na umaruga sa akin. kahit naman ganun ang trato nila sa akin ay napamahal na sila sa akin. Kinupkup nila ako sa kabila ng pagiging bata at ulila ko..
Hanggang sa dumating ang oras na kelangan na nila akong ipamigay sa kadahilanang buwag narin ang pamilya na aking kinilala..binigay nila ako sa pamilya na walang ginawa kundi ang magsugal at uminom at mag-away..
Akala ko ay sa kanila na ako makakadama ng pagmamahal mula sa isang ina at ama na aking pinangarap simula ng ako'y magka isip..
Ngunit sadyang malupit talaga ang tadhana sa akin dahil Hindi isang bata ang Turing nila sa akin kundi isang punching bag na kung May mag away man o walang pera ay ako ang pinapahanap ng pera para sa kanilang bisyo. Kung Hindi man ako pumayag ay sinasaktan nila ako ng lubusan..
Hindi ko nadama sa kanila ang pagmamahal ng isang magulang..ang pagmamahal na aking pinangarap na madama mula ng ako'y musmus pa lamang..mula ng makita ko ang aking mga kaibigan at klasmet na subra silang iniingatan at minahal ng kanilang ina at ama..
Hindi ko nalang namalayan na nababasa na ng mga luha ang aking pisngi sa subrang inggit at kalungkutan na nararamdaman ng aking puso..
Bakit ganun? Ang simple Lang ng pangarap ko..ang May magmahal sa akin ng isang ina tulad ng mga batang nakikita ko sa paligid.
Hanggang sa dumating sa punto na ako'y nagpalipat lipat sa kahit sinong pamilya na ang kumukupkup sa akin..dumating pa sa punto na kelangan ko na ng tumigil sa pag aaral sa kadahilanang Hindi ko na kayang tustusan ang aking sarili at dahil na rin sa aking paglilipat ng Lugar at pamilya..
BINABASA MO ANG
MY LOVING MOTHER
Short StoryI was inspired by the pictures I've seen awhile ago..It was a cute little boy threw in the garbage and dunno who's the parents..but now He is so cute, healthy and yet so naughty little kiddo.. I hope at some point may mapupulutan kayong Aral sa kwen...