Chapter 14 "Past"

539 8 1
                                    

Chapter 14 "Past"

Nhic's POV

"What! ! !" sigaw ni jess sa kabilang linya.

"Aray ko naman! nabingi naman ako sa sigaw mo! Ou tama yung narinig mo si Edward na pinsan ni mark at si Edz na impakto! Ay Iisa! " paliwanag ko kay jess

"So anu nang plano mo?? tapos kasama papala natin sya sa Mindoro?!"

"Naku! ewan hindi ko alam! bahala na basta past is past! tapos!"

"Ganda nito oh! ! alam mo pang pilikula yang buhay mo! oh sige na mag iimpake na rin ako. goodnight na" sabi ni jess at binaba nya na ang phone nya

haizt! napapabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari, naku basta Nhic ang isipin mo walang ilangan! cool ka lang, chill!

Doorbell*

agad akong bumaba para buksan ang pinto.

" ang aga naman nila mommy? 8:00pm palang ah??"

pagkabukas ko hindi sila mom ang nasa pinto kundi si edz! !

" hi! pwede bang pumasok?" sabi ni edz

hindi na ako nag salita, pinapasok ko nalang sya at pina-upo sa sofa.

" wait kukuha lang ako ng juice" sabi ko

" wag na ok lang ako, kaya ako pumunta dito eh may sasabihin sana ako" si edz

umupo ako sa harap ni edz, sa totoo lang hindi ko maintindihan kung anu ang nararamdaman ko nun. Galit,inis at nininerbyos ang nadadama ko.

"anu yun? bilisan mo at inaantok na ako!" matigas na sabi ko kay edz

" inaantok? alas otso palang?' alam kong hindi kapa inaantok dahil mag checheck ka pa ng fb mo!" sabi ni edz

" wow! bilib din ako sayo eh, kilalang kilala mo pa ako??! anu ba kasi sasabihin mo?"

" ahm gusto ko lang sana mag sorry" sabi ni edz

" hahaha! Mag Sorry?? matapos ang lahat edz? sorry?"

" hindi ko ginusto yon!"

" anu? hindi mo ginustong saktan ako edz?? nababaliw ka ba?"

" ou hindi! dahil mahal kita kaya hindi ko kayang gawin sayo yun!"

"Mahal? mahal ba yung iwan ka sa ere! !"

" hindi ko intensyon yon! sana na naisip mo rin na nahihirapan ako nung mga panahon na yun! dahil nahihirapan akong tanggapin sa sarili ko na nainlove ako sayo at natatakot ako sa sasabihin ng pamilya ko sa akin! kaya pinilit kung ilayo ang sarili ko sayo! ......pero walang nangyari! araw gabi naiisip kita! kaya nung makita kita sa mall kanina tuwang tuwa ako!"

napayuko na lang ako, at sunod sunod na pumatak ang aking luha. ang hirap isipin ng mga nangyayari ngayon?, hindi ko alam ang gagawin ko? parang gusto kong magwala!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"tapos kana? (sniff)" ang tanging nasabi ko kay edz

Prince meet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon