Chapter 7 : [ Mainit na Goodbye ]

93 5 4
                                    

Jam's POV

"Hoy Babae! Kakain ka ba o hindi?!" sigaw saakin ni Nathan.

Haaay nakoooo. BV parin kasi ako hanggang ngayon, si Cheska naman kasi eh.. Akalain mo yun? 3 subject na ang lumipas dinadaldal,iniinis at hinuhusga ako. Hindi matikom yung bibig eh. Kwento siya ng kwento tungkol sakanila ni Adrian,tapos sasabihin niya "ikaw naman" , "alam mo ba?" , "bakit ka ba ganyan?" dada ng dada si Cheska. Sinabi ko kay Nathan ang nangyari saakin kaninang umaga, sabi naman niya mas nakakaBV daw yung umaga niya. Hindi na niya sinabi kung bakit. Siguro dahil sa 35 missed calls. >.<

"Hindi ko pa feel kumain eh." sabi ko kay Nathan.

"Haay, bahala ka diyan." tapos kinagat niya ulit ang hamburger niya.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kinuha ko na yung hamburger na binili ni Nathan at nagtake ako ng malaking kagat.

"Hoy! Hinay hinay lang! kanina ayaw mo kumain , ngayon lamon na! " sabi ni Nathan habang ngumunguya ng hamburger.

"Tss. Uhhmm Nathan, Pasensya nga pala dun sa. . . . . . . ." nag-pause ako. Bakit?

BAKIT KO SINABI SAKANYA ITO?!!?!?! HINDI PA NGA AKO READY MAGEXPLAIN EH!! BOBO MO TALAGA JAMILLA!!

'

"35 missed calls? Jam, wag na natin yun pagusapan. Alam ko namang tulog ka lang nun eh. diba?" nagulat ako sa sinabi ni Nathan. Siya na ang gumawa ng hindi totoong excuse? Go with the flow na nga lang ako.. -_-"

"Ahhh. ahh. Ahh- oo ! Tulog ako nun! Napagod kasi ako kahapon eh!" sabi ko.

"Haha. Ok." tapos inubos na niya ang kinakaing hamburger.

Habang kinakain ko yung hamburger ko ng todo-todo.May nakita akong hindi kanais-nais na view. Si Cheska.Naririnig ko pa siya pati yung mga kausap niya, sila Anne -_-

"So sino ba sa inyo yung sweetheart dito sa campus?" tanong ni Cheska kela Anne.

"haha!"tawa g buong grupo ni Anne.

"HAHAHA! Cheska naman eh! Wag kang mambola! Pero wala saamin ang sweetheart ng campus eh.."sabi ni Anne.

"so sino?" tanong ulit ni Cheska.

"Si Ella"  sabay sabay na sinabi ng grupo ni Anne.

Nagulat ako sa sinabi nila, kaya yumuko ako. "Masakit tiyan mo?" tanong ni Nathan. Umiling ako.Tinalasan ko ang pandinig ko at pinakinggan ko ulit sila Cheska.

"Sino si Ella?"tanong ni Cheska.

"Si Jamilla LaBelle." sabi ni Dannielle.

"Ahh." sabi ni Cheska.

"Hoy! Jam! masakit ba tiyan mo o natatae ka lang?! Tara dalhi kita sa clinic o kaya sa CR ng girls??" pangungulit ni Nathan saakin.

 "Hindi nga eh! Tara na nga! Pumunta na nga lang tayo sa library." tapos kinuha ko ang kamay ni Nathan at hinala ko siya papuntang library.

~

Librabry [ilang minuto nalang magtatime na ]

 "Yes! Nasa library tayo!" sabi ni Nathan.

"SHHHH!!!" sabi ng masungit na librarian.

"Hehe. Sorry." sabi ni Nathan at naghanap ng libro ng mababasa. 

Ako naman nag-ikot-ikot sa library dahil tinatamad akong magbasa ngayon.Tapos may napuntahan ako sulok at may isang lalaki na natutulog... Nakatakip yung mukha ng isang math book. Sira ulo toh ah? Natutulog sa library.. Hmmp! Malas siya nahuli siya ng president..

I Fell Inlove(d) With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon