one sided like

18 3 2
                                    

Kakatapos lang ng christmas break namin. Eto na naman ako papuntang paaralan. First school day of the year. Ako nga pala si crissa. 2nd year highschool at nbsb. Wala pa naman kasi sa utak ko yang love na yan ehh.

Break time namin ngayon wala akong magawa kaya nag babasa nalang ako ng "in his step" yun yung libro na may daily gospel tapos may sharings rin about sa gospel. Basta, yun na yun. Habang nagbabasa ako ay may lumapit sa akin.

"Crissa, ano yang binabasa mo ?"- bj

"In his step" ako

"Ahh."- bj

Umalis na agad siya pagkatapos niyang sabihin yun. Nagulat nga ako at kasi kinakausap niya ako. Noon kasi, di kami masyadong close. Usap about sa lessons lang.

After rin nung pag uusap namin. Bigla siyang nag iba. Ewan ko anong nangyari. Lagi niya akong inaasar tapos nung may oral recitation kami napa tingin ako sa may gawi niya at bigla ba namang tinuro sa akin ang sagot kahit alam ko naman ang sagot sa tanong.

Ngayon third year na kami. Wag kayong magulat kung masyadong mabilis ang mga pangyayari dito sa story ko. Hihihi

Third year na nga kami at this year ay mas lalo kaming nagkakalapit. Yung super close na. Crush ko na nga siya ehh. Pero syempre di ko yun sinabi sa kanya baka ma ilang siya at iwasan pa niya ako.

Ka text ko rin siya lagi. Kasi simula nung nag third year kami nag cellphone na siya. Lagi ko na rin siyang ka text.

Siya lang kasi sa lahat ng kakilala ko ang nag tetext ng "crissa" mostly kasi hi at hello ang text nga mga classmates ko. Oh diba. Siya lang ang namumukud tangi.

Tapos ang nakaka gulat ay inamin niya sa akin na crush niya ako. Sheveer lungs. Kinilig talaga ako nun. Sinave ko pa nga message niya ehh. Tinago ko nga lang para walang ibang makabasa. Syempre hindi naman ako yung tipong pakipot masyado kaya inamin ko na rin na crush ko rin siya.

Akala ko nga magbabago ang pakiki tungo niya sa akin ehh. Pero di pala. Kagaya parin ng dati lagi niya parin akong inaasar at lagi parin kaming magkasama.

Uso rin pala sa amin noon yung text na parin slumbook. Yung ang tanong ay ganito.

"Ano ako para sayo?"

"Anong nagustuhan mo sa akin ?"

Mga ganon. Kaya nakiki uso, ayun forward ko sa kanya ang message. Sinagutan naman niya.

Ano ako para sayo: special someone

Anong nagustuhan mo sa akin: Godly

Oh diba?? Honglandee lang. Sino namang di kikiligin na galing sa crush mo na special someone ang tingin sayo.

Akala ko nga ehh. May patutunguhan to. Pero di pala. Sana di nalang ako nag assume. Kasi assuming leads to disappointment.

Kasi after nung sem break namin. May iba na siyang gusto. Ang sweet nga nila ehh. Nagpalitan pa ng artworks. Ang pinaka masakit sa lahat ay yung artworks ni shine ay pinadikit talaga niya sa upuan sa may harap niya para lagi daw niyang makita at ma inspired siya. Ang sakit lang sa bangs at sa puso ehh :'(

Pero kahit ganon. Kaibigan parin ang tingin ko sa kanya. Di naman yun nagbago ehh. Dahil ako raw ang pinaka close friend niya sa akin niya sinasabi lahat. Na gusto niya si shine at yung time na makipag kita siya kay shine kasi tuturuan niya ng chess. Kaso di siya sinipot. Nag hintay pa naman siya ng matagal.

Kahit ako nasaktan rin para sa kanya. Wala naman akong magagawa ehh. Gusto niya yung tao. Ako friend lang ang tingin or close friend.

Kaya ayun napag disiyunan ko na ibaling nalang sa iba yung feelings ko. Kesa masaktan ako sa kanya. Kaya nag hanap ako nang bagong crush. Ang dami ko ngang naging crush noon ehh. Ang dami rin naman kasing gwapo sa school namin :)

Pero kahit ganon ayy hindi ko parin siya nakakalimutan. Dikit rin naman kasi ng dikit sa akin. Minsan habang nagbabasa ako bigla nalang sumusulpot sa tabi ko. Di ko naman pinapansin kasi nag babasa nga ako.

Tapos nung nagpa gawa kami ng tarpauline sa room para sa profile thingy namin ay sabi niya sa akin na "ang ganda mo" ito naman ako kinilig naman at umasa ulit.

May maliit akong notebook noon tapos bigla ba namang kinuha at sinulatan niya ng diary niya. Natatawa nalang ako. Tapos hiniram niya yung notebook ko sa math tapos nagulat nalang ako pag sauli niya puno na ng vandal sa likod. Puro mga favorite sayings niya at yung picaso drawings.

May isang araw rin na sabi niya pahiram ng kamay mo. Ako naman nag taka. Binigay ko rin. Tapos ayun hinawakan niya yun kamay ko at ginuhitan niya ng picaso drawings uli. Tinukso nga kami ng mga classmates namin. Pinucturan pa talaga nila. Syempre kunyari gusto ko yung ipa bura pero sa totoo gusto kong humingi ng kopya at ipapa frame. Oh diba ?? Honglandee lang. Haha

Mapeh time namin ngayon at gumagawa kami ng drawings tungkol sa ginawa naming kwento. Ako gumawa ng kawayan tree habang itong katabi ko si bj at gumuguhit ng babae. Sabi pa nga niya side view daw ako kasi ako daw yung iguguhit niya. Natatawa nalang ako. As if naman marunung siyang gumuhit.

Isa sa pinaka diko malilimutang nangyari ehh nong pagkatapos ng dspc nila. Dspc means divison school press conference. Kasali kasi siya dun. Ako nasa computer lab namin nag oonline lang nang bigla siyang dumating at nagpapasama sa canteen kasi daw gutom na gutom siya. Ako naman itong tamad humindi pero pinilit niya ako at sinabing ililibre daw niya ako. So hindi ko naman hihindi.an ang libre so sumama nalang ako. Umuulan pa nga noon ng malakas. Kaya patakbo kaming pumunta sa canteen. Pag dating namin ni libre niya talaga ako ng banana cake. Deep inside sabi ko di ko to kakainin. Haha. Tinago ko nalang muna siya, sa bahay ko nalang balak kainin para manamnam talaga ang sarap. Honglandee lang talaga :')

Tapos patakbo na naman kaming pumunta sa room dahil malayo layo yung room namin ay nabasa na talaga ako ng tuluyan kaya dina ako tumakbo nag lakad nalang ako. Nagulat nalang ako at tumigil rin siya. Balak ba niyang magpa ulan ? Ang layo pa kaya ng bahay nila. So ayun, pareho na kaming basa. Ewan ko ba. Natutuwa ako kasi para kaming bata na naliligo sa ulan at pinaka masaya pa ay siya ang kasama ko.

Nang sumakay kami ng trike ay akala ko mag baback ride siya yun pala ay tumabi siya sa akin. Kinilig naman ang ako. Syempre crush ko naman parin siya. Tapos may sinabi siya na nagpa bago ng mood ko. Sabi niya birthday daw ni shine ngayon at kinuha siya ng mga classmate ni shine para isorpresa siya sa birthday niya. Okay, syempre nag papanggap ako na kinikilig sa kanila kahit nasasaktan na ako.

Pagka uwi ko kinain ko agad yung banana cake habang nag eemo. Nakaka lungkot ehh. Kaya pagkatapos kung kainin yun ay kumain na naman ako ng madaming kanin. BH ako ehh. Wala rin akong paki kung tataba man ako. Basta gusto ko lang mawala ang lungkot na nadarama ko.

Kinabukasan. Balik ulit sa dati. Kulitan parin kami at close friends parin. Pinilit ko paring pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya para di na ako masyadong nasasaktan.

Hanggang sa malapit na kaming grumaduate at ngayon ay nagpapractice kami. Balak ko na sanang sabihin sa kanya yung naramdaman ko na gusto ko siya, pero nahihiya talaga ako at di ko na nasabi.

Hanggang sa grumaduate kami nang hindi ko sinasabi sa kanya yung nararamdaman ko. M.U narin sila ni shine ehh. So wala akong magagawa don. Kaibigan lang naman talaga ako.

Hanggang sa nag college na kami. Magka ibang bayan kasi ang university na pinasukan namin at madalang nalang magkita at mag text kasi busy rin sa study.

----------

Dito na rin siguro matatapos ang storya ko. Siguro di talaga kami para sa isa't isa. Pasensya medyo boring. Based on real life kasi siya. Love story ko talaga to ehh. At yung nan jan real name rin yan nga mga taong involve :)

Para kay bj,

Kung mababasa mo man to balang araw siguro huli na talaga ang lahat. Basta ang importante minsan kitang nagustuhan or let's just say na minahal. So sana maging masaya ka. Nandito parin ako ang close friend mo :)

Note: Kayo, kung may pagkakataon man sabihin niyo sa mahal o gusto niyo yung nararamdaman niyo. Wag kayong tumulad sa akin na duwag at tinatago tago nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

one sided likeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon