Chapter 1 - Oops!!

31 2 0
                                    

Chapter 1

******

"Hoy!! Bili mo nga akong pagkain sa canteen."

Hay na'ko may paa naman sya hindi sya ang bumili. Ang tamad talaga ng lalaking ito. Ano akala nya sa akin katulong nya. Hay!!!

"Ano nanaman? ano tingin mo sa akin katulong?"

"Ahhmmm pwede na. Bakit gusto mo mag-apply?" lakas talaga ng hangin nito.

"FYI! Hindi ko gusto maging isang alalay mo. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kesa maging alalay mo noh?"

"Basta bili mo ako" binato nya sa akin 'yung 10 pesos coin.

"Excuse me!! Ano mabibili ko sa 10 pesos mo??" kapal talaga ng pagmumukha ng Neil Hendrick Lim na ito.

"Bahala ka na, dagdagan mo kung gusto mo" sabay lagay ng headphone nyang malaki sa tenga nya.

"ARRRRGGGHHH" umalis na ako bago ko pa na tadyakan ang pagmumukha ng gagong 'yun.

So, papakilala muna ako. Ako nga pala si Wynxzelle Flare Marasigan. Grade 10 na sa Myung Woo University. Ulila na ako sa buhay, lungkot noh?? Pero may mga kamag-anak ako na nasa malalayong lugar. Nakatira ako sa lansangan.. Hahaha joke lang. Syempre mabait parin naman yung mga magulang ko dahil iniwanan nila sa akin ang aming mansyon. Kaso yun lang ang natira simula nung nabankrupt yung kumpanya namin. Kaya nagpapartime-job na lang ako. Sya tama na ang nobela, ibibili ko pa ng pagkain yung unggoy na 'yun.

Seriously ano mabibili na pagkain sa halagang 10 PESOS dito sa school. Mga presyo ng pagkain dito 50 pesos na yung mababa.

Aish! bahala na nga sabi lang naman nya basta pagkain.

Pumasok na ako sa canteen....

"Ate dalawang kendi nga po" 5 pesos isang kendi, pangmayaman talaga ang mga presyo dito sa school.

Bumalik na ako sa room. Buti na lang wala pa yung next teacher namin kung hindi patay ako nito.

"OH ITO NA PAGKAIN MO ENJOY!!!"

sabi ko ng pasigaw para marinig nya tapos binato ko sa harap nya yung dalawang kendi.

Pumunta na ako sa upuan ko at doon umubob. Wala pa talaga akong tulog, nag- overtime kasi ako kagabi, hinintay ko pa yung ka shift ko. Nagkaroon daw sya ng emergency, so 2:00 am na ako naka uwi tapos gumawa pa ako ng projects and assignments ko. Halos inabot na ng 4:30 ang tapos ko.

So wala na akong time na makatulog pa.

.

.

.

.

.

.

.

.

"MABUBUSOG BA AKO SA DALAWANG KENDI NA ITO?"

Aish! Ano na naman bang problema nitong lalaking ito!! Antok na talaga ako.

"Hoy pasalamat ka pa nga at ibinili kita ng makakain mo!" sarcastic kong sabi.

"ANONG PASALAMAT?? MABUUSOG BA AKO NYAN?" galit niyang sabi. Kung nakasigaw naman 'to parang walang bukas. Pinagtitinginan tuloy kami.

"Try mo! Baka nga mabusog ka" kalmado kong sabi, wala ako sa mood makipagsigawan ngayon.. Umubob na lang ulit ako sa desk ko.. Bahala sya magsisigaw magisa.

.

.

.

.

.

.

.

Maya maya ay may napakinggan akong parang click ng cellphone.

-___________-

o___________-

-____________o

O___________O

"Walang hiya ka. Delete mo yan... Lagot ka sa akin kapag nahuli kita."

"Bleh!! Hindi mo ito makukuha!! Ipopost ko to sa FB, Twitter at Insta" mahuli huli lang kitang lalaki ka lagot ka sa akin..

Malapit na...

Malapit na......

Malapit na..........

*BOOOGSHHH*

Dream Man (GOT7 FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon