Chapter 3 - Saviors

16 2 2
                                    

Chapter 3 - Saviors

*******

*rrriiiinnngg*

Inayos ko na yung mga gamit at lumabas na ng room..

*BLAAAG*

Aray ko.. Bakit ba lagi na lang akong nadadapa..

"HAHAHAHA buti nga sa'yo. Masyado kasing papansin kay Neil nararapat lang sa iyo yan" sabi ng mga maaarteng kaklase ko..

"Ano iiyak ka na?? Waaahhh such a cry baby" sabi nung isa.

"Okay ka lang?" sabay abot sa akin ng kamay nya.

Kinuha ko yung kamay nya at tinulungan nya akong tumayo.

"Salamat" hindi ko na tiningnan kung sino yun tumakkbo na ako papuntang rooftop.

"WAAAAHHH bakit ba kailangan ko pang madapa?" sigaw ko. Buti na lang hapon na wala na siguro mga stupidyante dito. Dito ko lagi nilalabas ang lahat ng galit ko. Parang tambayan ko na rin ito.

"Mommy, napapakinggan mo ba ako? nahihirapan na ako dito. Pwede bang sama mo na lang ako dyan? Para happy family na tayo nina Daddy dyan."

nanatili lang ako dun ng mga 10mins... Napaisip ako ng mga sandaling yun paano kaya kung may mga kaibigan ako. Mabubully pa rin kaya ako??

Ang tanong may gusto pa kayang makipagkaibigan sa akin, matapos yung nangyari kanina.

Kung wala edi wala ano magagawa ko, yun na ang kapalaran ko ang mabuhay mag-isa. Sana wag naman akong mamatay ng mag-isa.

"Balang araw magiging matapang din ako. Ililigtas ko ang aking sarili.. Ito ang sa inyo" sabay sipa at suntok ko sa hangin na parang may kaaway.

"What kind of martial art is that?"

"WAAAH! sino kayo? ano ginagawa nyo dito?" sabi ko sa apat na lalaki na bigla bigla na lang sumusulpot...

"Hindi mo kami nakikilala? Ako yung tumulong sa'yo kanina?"

"Hindi.. Kung sino man kayo? Umalis kayo dito! Lugar ko toh" sabay takbo ko pababa ng rooftop.

"Ang weird nila, bigla na lang nasulpot aish ewan ko bahala sila."

******

Umuwi na ako dahil mapunta pa ako sa restaurant ni mang greg. Dun ako nag papart-time job. Kahit na maliit lang kinikita ko napapagkasya ko naman sa gastusin ko.

Nagligo at nagbihis na ako para maaga akong makarating dun. Balak ko sanang mag overtime wala naman na akong gagawin mamaya. Dahil natapos ko na yung mga assignments ko kanina sa room.

Kumain muna ako ng sky flakes para di ako magutom mamaya.

Kinuha ko na yung side bag ko at umalis.

****

After 5 hours....

Hay!! Salamat makauwi na rin. Nakakapagod itong maghapong ito. Kung babalikan ko sobrang daming nangyari..

Napagdesisyonan ko na maglakad na lang pauwi tutal malapit lang naman sa kabilang kanto lang...



"Hi miss! Samahan mo naman kami dito oh?" sabi nung mga lasinggero. Mali pala desisyon ko, di ko pala naisip na baka may mga siraulo dito..

Aish paano na 'to? Kapag lumaban ako baka lalo nila akong saktan..

Tumakbo ako ng mabilis.. kaso

.

.

.

.

nahabol pa rin nila ako. Kinapitan ako nung matabang lalaki sa braso ko.

"Ano ba bitawan mo nga ako!!"

"Kiss muna!"

"Yak!!Mandiri ka nga!! Bitawan mo ako" habang patuloy pa rin ako sa pag-alis ng kamay nya sa akin..

"Sige na miss isa lang" ilalapit na nya sana yung ulo nya sa ulo ko kaso nilayo ko sarili ko sa kanya.

"Sabing isa lan----"

*booogsshh*

napapikit na lang ako. Pagmulat ko nakita ko na lang yung mga lalaking nakahiga na sa sahig..

"S-sino ka? Kung sino ka man.. Salamat" hindi sya nagsalita.. umalis na lang sya dala yung skateboard nya..Hindi ko masyadong makita yung mukha nya dahil nakahood sya tapos medyo dim lang yung light nung poste

Kung sino ka man.. Utang ko ang buhay ko sa'yo..

Dream Man (GOT7 FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon