Deianira’s P.O.V
It’s Monday ! kinakabahan ako kasi sa Wednesday na yung convention . all is set na naman ih. Kumain ako ng madami Sa Cafeteria then pasok na sa room namin. Nakita ko si Mr.kapal kilay na hinaharot yung kapatid nya . umupo na ako sa upuan ko biglang nagsmirk si Mr.kapal kilay. Hinde ko na pinansin kasi Red tide ako since Sunday.
“hi Dee ! want mo ng Brownies ko ?”sabi ni Louis
“Sigeee ! thank you Lou !” sabi ko
Pumasok na ang teacher naming sa Social Studies at nag start na ang Klase namin.
Hindi na ako nag recess , nang buraot na lang ako sa pagkain ni best . tinamad akong bumaba ih
……………….
Andito ako ngayon sa Room 401 yung workplace naming. Inaayos ko na yung mga papers para sa Wednesday nang biglang
“Deianira …” sabi ni Mr.Kapal Kilay
“bakit ?!” sagot ko
“ahhhhmmmm…. Magkano ang isang plastic ng Napkin ?”tanong nya
Biglang nagpantig ang tenga ko
“Ano ?! ewan ko !” sagot ko
“ha ? Hindi mo alam ? eh nakita ko nga sa bag mo meron ka eh ! isang plastic tapos nakalagay cottony Soft “sagot nya
Anooo ?! bat nya alam na meron ako
“eh pake mo ?!” sagot ko
“kasi tingin ko need mo ng mga isang bag nun kasi palaging mainit ulo mo ih”sagot nya
“letche ka ! nangingialam ka ng may bag nang may bag !” sabi ko sabay bato ng pencil case
Nakaiwas sya .
“hahaha ! you missed !” sabi nya habang nag mamake face
“I hate you !”sigaw ko sabay bato ng Libro pero na salo nya
“ano bang masama dun !”sagot nya habang nilalapag yung libro
“malaki !”sagot ko sabay bato ng isang pack ng Tempura yung chitchirya
Pumasok Louis
“hala ! saying yung pagkain ! favorite ko pa naman yan !”sabi nya pero hindi ko pinansin
“Pakialamero !”sigaw ko sabay bato ng baunan ko
“hahhahahah !” ang lakas pa ng tawa nya
“he !”sigaw ko sabay bato nung stress ball . tinamaan yung book shelves at nagsibasagan yung mga libro
Bato ako ng bato ng kahit anong mahawakan ko nung wala na akong maibato , kinuha ko na yung upuan ko
“nako , Deianira ! masakit yan ! Louis ! awatin mo toh !” sabi nya sabay lakad lakad para hindi ko matamaan
“eh ! kaya mo nay an kuya , kumakain ako” sagot ni Louis
Biglang dumating sina Al , Luke, Aids , Viniel at si Best at inawat kaming dalawa.inupo kaming dalawa habang tumatawa.si best pinulot lahat ng mga gamit na nakakalat.
“kayong dalawa talaga oh ! Buti na lang palagi kaming andito para awatin kayong dalawa kung hindi nagpatayan na kayo”sabi ni Al
“letche kasi yang lalaki na yan ! “ sabi ko sabay Tiger look
“iwan na naming kayong dalawa ah ? madami din kaming ginagawa behave !”sabi ni Aids
“hoy baboy ! tumayo ka na nga dyan ! sarap pa ng upo mo dyan” sabi ni Luke