"MY EVIL BOSS" (teaser )

283 3 6
                                    

"MY EVIL BOSS"

Written by : CoverMeQuick

*PROLOGUE *

"SILENCE! ANJAN NA SI MADAM! "

Nagsitahimik ang lahat sa sigaw or should I say "BABALA" ni MACMAC ang secretary ng "PMD" PRIMADONA MODELING AGENCY.

Agad agad namang nag sibalikan sa kanya kanyan nilang pwesto at nag mistulang mga anghel bigla ang mga empleyado sa paghahanda para sa pagdating ng kanilang...

NAPAKABAIT

MAINTINDIHIN

MATULUNGIN

MAASAHAN

AT NAPAKAGANDA

nilang amo .

actually yung dulo lang yung hindi sarcasm sa lahat ng sinabe ko.

"GOODMORNING MAAM ! "- macmac

Bati niya ng dumaan sa harapan nya ang boss nya dala dala ang itim nitong aura.

"what's good in this morning ? huh! See ? wala kang masagot ?"

Natahimik nalang sya sa malufet na sagot sa kanya ng boss nya.

Dumiretso na ito sa office nya,agad namang sumunod si Macmac at ang iba pang mga empleyado na may kailangan dito.

Pagkaupo na pagkaupo nito sa kanyang trono

"ANG INIT! LAKASAN MO YUNG AIRCON ! AT LUMABAS KAYO DITONG LAHAT! HINDI KAYO MAGANDA SA PANINGIN!!! "

Lumabas na lahat ng nasa office nya habang nagmadali namang tumakbo papalapit sa aircon si SOLINAH ang assistant secretary ng PMD.

"OKAY NA PO BA MADAM? "

"PWEDE BA, WAG MONG SABAYAN ANG KAINITAN ?!!! BWISET ! " iritang sagot nito .

At dahil matalino si Solinah hindi nya yun naintindihan

"ANO PO MADAM?" tanong nito na lalong kina irita ng boss nya

"SABE KO! WAG MONG SABAYAN NG KAPANGITAN MO ANG KAINITAN NG MUNDO! diba sinabe kong lumabas ang lahat ? halaman ka ba ? at di ka makainitindi ?!"

"SORRY PO , LALABAS NA PO "

Pero napatigil sya ng biglang sumigaw ng malakas ang BOSS nya.

"MAC-MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAACCCCC!! "

Nagmadalin bumalik sa office si macmac ng marinig nya ang nakakakilabot na sigaw ng Boss nya.

"BAKIT PO MADAM ? "

Sabi nya habang hingal na hingal galing kasi sya sa tsismisan sa kabilang dako ng building nila. Imaginin mo nalang kung gaano kalakas ang sigaw na yon.

Dinaig nya pa si ROAD RUNNER sa pagtakbo.

"NAKITA MO YANG NILALANG NA YAN ?" tinuro nya si SOLINAH na sya namang kinatakot nito.

"ibigay mo yung isang buwang sweldo nyan ! ngayon din ! "

"ok po madam! "

Agad nya naman itong sinunod kahit nagtataka sya kung bakit.

Maya maya inabot na ni macmac ang cheke at agad namang pinirmahan ng boss nya at inihagis sa direksyon ni Solinah .

Napaluhod nalang si solinah sya sa narinig nya.

"madaaaaam !!! patawarin nyo po ako ! kung may nagawa man po ako, di ko na po uulitin wag nyo lang po akong sesantihin !!! " pagsusumamo nito sa boss nya

"PATAWARIN??! HAHAHAHA ! HINDI MO NAMAN KASALANANG MAGING PANGIT, SINO BANG DAPAT KONG SISIHIN ? SIGE NGA ? ayan ang isang buwang sweldo mo kunin mo yan bago ko pa IPAKAIN SAYO!!!! ."

Kinuha naman agad yun ng kawawang si SOLINAH at tumayo papuntang pintuan.

"OH WAIT--- MAY NAKALIMUTAN AKONG SABIIHIN ....YOURE FIRED!!! "

Para sa kanya ang pagsasabi ng "YOURE FIRED" ay parte na ng kanyang daily routine .

Kasing dalas ng pag sasabi ng GOODMORNING sa umaga.

At GOODNIGHT kung gabi.

Yan ang tanging salita na nagiging dahilan ng pag ngite nya.

Yan si GALINDA CRUMP.

ANG BOSS NA DI MO PAPANGARAPING MAKATAGPO.

"napakasama ng ugali mo! Sa sobrang ganda mo wala ng natirang kagandahan sa ugali mo !! GALINDA CRUMP ,ISA KANG DEMONYO !! "

(inimagine lang ni SOLINAH yan dahil hindi naman nya kayang labanan ang BOSS nya,dahil napaka impluwensya nitong tao.)

"YOURE NO LONGER MY BOSS---- MY EVIL BOSS" pabulong nyang sinabe bago tuluyang makalabas ng pinto.

"I LOVE THE LAST PART." Pasigaw na sagot ng BOSS nya na narinig pala ang bulong nito.

**

AN : YIIIEEEHHH how's my new story ?? =)))

muntanga ano po ? hahahhaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"MY EVIL BOSS" (teaser )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon