Dear Bestie,
Hey bestie! Kamusta ka na? Alam mo miss na miss na kita! Matagal na kitang Hindi nakikita! Bakit mo pa kasi ako iniwan!? Diba walang iwanan? Pero kahit iniwan mo ako okay lang kasi alam kong nahihirapan ka na,ayaw ko namang maging selfish Sayo kasi marami ka na ding natulong at nagawa para saakin. Alam mo bestie na mi-miss ko yung moments na lagi tayong pumupunta sa Mall kapag Wala tayong klase! Dadaan tayo sa likod ng school para doon mag shortcut papuntang mall at lalakad tayo papunta doon at lagi nating tinatawag na adventure yun at pagpuntang mall pumupunta kaagad tayong WOLF para tumingin ng manlalaro at maglaro lang din hahahhah!. Namiss ko din yung pupunta tayo sa mga mang grooves park pagkatapos ng Christmas party natin kasama pa natin yung ibang barkada at habang naglalakad tayo kumakain tayo ng stick o at para mas Madali yung paglalakad ay pupunta tayo sa ating short cut na aakyat tayo sa pader at yung mga bag nating dala ihahagis natin sa Kabila para Hindi tayo mahirapan sa pag aakyat nag away pa nga kami noon kasi gusto ng iba nating kasama na sila mauna kaso sabi ko ako yung pangalawa kaso yung si Mae sabi niya siya din daw ang pangalawa kaya nag away kami pero sabi mo wag kaming mag away kasi magkakaibigan kami kaya ayun mabilis kaming nagka ayos salamat talaga Sayo! Pagdating natin don kumain tayo ng stick-o na napalanunan ni Julieta sa laro nung christmas party kaya ayun Hindi tayo nagutom kaso nauhaw naman tayo kaya humanap ka talaga ng paraan para lang mawala ang ka uhaw namin kaya umalis ka non para humingi ng tubig sa mga nagtratrabaho dun kaya tinanong mo kung na inom na nila yon sabi nila Hindi kaya sabi mo pwede bang bilhin kaso wala kaming perang dala pero mabuti nalang may pera kang dala kaya ibinenta nalang nila yun kaya Hindi na kami nauhaw at marami pa tayong pinag gagawa nun at naging best day of having my barkadas together kaya ayun sobra ko yun Namiss!.
Bestie Namiss ko din yung nag camp tayo Nina Maria,Maan na kapatid ni Maria,Kyla na pinsan ni Maria,ikaw,ako,at iba pang kaklase at kaibigan natin sa school at natulog tayo sa room. Hummingi tayo sa kaklase nating si Gwayne ng Off lotion pero ubos na yun kaya na isipan ko na pumunta sa room natin para kunin ang off sa first aid kit kong lalagyan kaya lumabas tayo ng room kahit gabi na pero Hindi ka nagsuot ng tsinelas kasi sabi mo malapit lang kaya sabi ko rin okay nung lumalakad tayong papuntang room tinakot mo ako sabi mo "hala bestie may multo diyan" sabi ko naman Sayo "Che!" Pero takot ako nun kaya susubukan ko na sanang buksan yung pintuan kaso sumigaw ka ng nakakatakot kaya lumingon ako Sayo at pinalo ka sa likod nung paharap na sana ako biglang may sumipa sa pintuan ng room natin ng napalakas kaya nagkatinginan tayo at biglang sumigaw ng "aaaaaaahhhhhhh" sabay takao papuntang stage kaso sabi mo stop kasi masakit sa paa kasi Wala ka non ng tsinelas kaya sobra ang tawa ko nun at naabutan tayo ni mam Dea at sinabing "oh girls bakit Gising pa kayo at nagtatakbo? At oh Jenna bakit Wala kang tsinelas?" Kaya biglang akong natawa at sinabi kay mam kung anong nayari at nagpahatid nalang tayo kay mam papuntang room para Hindi tayo matakot....
Marami tayong pinagdaraanan nung nandito ka pa at sobrang Namiss kita. Marami ang memories na gusto kong maulit kasama ang barkada kaso alam kong Hindi na yun mauulit kasi malayo kana.... Miss na miss kana namin Bestie!... Bestie alam mong ayaw mong malungkot kami kaso sorry bestie sobra ka kasi naming Namiss pero alam kong masaya ka na diyan Hindi kana nasasaktan,nagugutom,at nagtratrabaho kasama mo nadin siya inaalagaan ka. Kaya bestie goodbye na kahit ayokong matapos kong sulat NATO pero alam kong kailangan kasi kailangan ko ng umalis pero promise bestie susulatan kita..... Wish ko lang bestie na sana masaya kana diyan sa heaven kasama si God!
I Love you bestie! We misses you!Love,
You're bestie
BINABASA MO ANG
My Best Friend (one shot)
DiversosThis all about a letter to the best best friend... Hope you like it!