What is love?

25 0 0
                                    

Love? .... Mahal? ... Yan ang kahit kailan di ko pa nararanasan... I mean, that love willinglly given by another person. 3 pa lang ang nakikilala kong mukha ng pag- ibig... Una ang pagmamahal ng Diyos... Sa 19 taon na nakalipas.. Masasabi kong ito ang nakakapagtatag sakin... Sa kabila ng lahat ng mga problemang rumaragasa sa aking mukha.. Andyan parin sya... Kahit kailan di ako iniwan... Pangalawa.. Ang pagmamahal ng aking mga magulang.. Simula bata pa ako.. Alam ko mismo na gusto kong makita ang Depinisyon ng Pagmamahal gaya ng nakikita ko sa aking mga magulang... Yung kislap ng kanilang mga mata habang nakatingib sila sa isa't - isa.. Yung simpleng tinginan na parang may ipinapahiwatig na mensahe na di na kailangan pa ng mga salita.. Yan ang gusto ko rin balang araw.. Makamit.. Pangatlo... Pagmamahal ng aking mga kaibigan... Sa taong tulad ko na medyo mailap at mahiyain ay masasabi kong tama lang ang nakakamtan ko sa ganitong mukha ng pag ibig... Mahirap kasi ako magtiwala.. Dahil ako mismo nakaranas na ng pakirmdam kong paano ang maiwan.. Kung paano ka balewalain .. Ng talikuran at Lalo na ang pagtaksilan..
Ang panghuli ay ang mukha ng Pag ibig na di ko pa nakakamtan.. Ang Pagmamahal na di mapapantayan.. Itong mukha ng pag ibig talaga ang pinaka mailap sakin... Lalo na at nadiskubre kong kakaiba ako sa mga karaniwang lalaki... Ako ay isang silahis... Dito di ko po yan itatago... Buong buhay ko.. Alam ko na may kakaiba na sa akin.. At nang malamab ko ito.. Ikinubli ko to at pilit na itinatanggi.... Mahirap.. Masakit at Nakakasakal.. Yan ang laging iniiinda ng mga katulad kong closet bi... Ang masakit mga matatalik mo lng na kaibigan ang tanggap yun.... Mahirap ngumiti at laging sabihin sa sarili na .. 'Kaya mo yan. Wag pahalata.. Gawing matigas ang yung boses. Wag gumamit ng mga salita na makapagbubuko sa iyo'...
Ewan.. Love ?? Ano yun ulit.?
Sa totoo lng wla akong.. Karapatan na bigyang kahulugan yan.. Di dahil sa di ko pa nararanasan o di dahil di ko pa nakikita.. Di rin dahil sa di ako naniniwla... Di ko kayang bigyang kahulugan dahil....

Para sa akin? " Di sapat ang mga makadamdaming salita, o mga bulaklaking panglarawang sa salitang Pag-ibig... Dahil LAHAT NG TAO SA MUNDO.... MAY KANYANG BERSYON AT DEPINISYON ng Salitang....

Pag-ibig"....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own Definition of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon