Hi!
I'm Mica Aireen Cayabyab.
Maganda ako.
Sexy.
Maputi.
Hindi man ako artista, sikat ako. Sa paanong paraan, hindi ko rin alam.
Mayaman ako. I can buy anything I want.
Hindi naman sa nagmamayabang, madaming nagkakandarapa sa’kin.
Kaso, SINUNGALING ako.
Lahat ng nabasa niyo, hindi totoo. Pero yan ang pangarap ko. Sana, maganda ako, mayaman, sexy… Yung tipong para kang si Rapunzel—pagkahaba-haba ng buhok mo dahil sa sobrang daming nag-aagawan dahil sayo. Yung ang daming gustong makuha ka.
Sana…
Kaso hindi e. Galit ata sa’kin ang langit at lupa.
Pano ba naman?
Pagsakluban daw ba nila ang hitsura ko! >.<
Pero anong magagawa ko? Eto na ako e. Eto na ang binigay Niya sa’kin. Hindi naman ako pwedeng magreklamo. Kaya eto ako ngayon, sa kwarto. Hanggang imagination na lang talaga siguro ang pag-ganda ko.
“HOY MICA NA MUKHANG BRUHA! BUMANGON KA NA AT MAGSAING! MAGLINIS KA RIN NG BAHAY MAMAYA! MAY DADATING NA BISITA!”
Yan ang laging bungad sa’kin ng nanay ko tuwing umaga—ang mga banal na utos niya. -.-
Minsan nga, natatanong ko yung sarili ko… Anak ba talaga niya ako? Bakit ganyan niya ako tratuhin? O baka kasi ampon ako kaya ganyan? O baka dahil sa…
Hitsura ko? Kasi ang pangit ko. Alam ko naman yun sa sarili ko. Hindi niyo na kailangang ipagnuknukan pa sa’kin, kasi kahit sa salamin pa lang, sinasabi na sa’kin ang bagay na yan.
Tinext ko si Xander—ang love of my life ko. ♥.♥
To: Sweetie Pie
Wait lang ha? Tawag lang ako ni Mommy. Love you. :*
“ANDYAN NA POOOOO!” sigaw-sagot ko nang tinawag na naman ang nickname ko—BRUHA.
Oh di ba? Trudis lang ang peg? -.-
“BAKIT NGAYON KA LANG KUMILOS?!”
“Kasi po, Nay—”
“ABA’T SUMASAGOT KA NA AH!” sabi niya sabay hampas sa’kin ng tsinelas. Sa mukha ko ang target niya. Hinarang ko ang braso ko kaya yun ang natamaan.
Tumigil na siya nang makuntento na siya sa paghahampas niya sa’kin. Napagod din siguro.
“HALA SIGE! GAWIN MO NA ANG MGA SINABI KO!”
Hindi naman ako bingi ah? Bakit kailangang laging nakasigaw sa’kin? Yung totoo? Nakalunok ata si Nanay ng megaphone at automatic na nag-o-on yun kapag ako na ang kaharap niya.
Pumunta na ako sa kusina namin at nagsaing. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing, naglinis na rin ako ng bahay.
“Hey, nigga. You clean the nails of my feets later after you swipes the house.” utos sa’kin ng kapatid ko, si Sarah.
Tamang-tama lang sa kanya ang pangalan niya. Pang-prinsesa. PRINSESA SARAH. Prinsesa ko yan e. At ako ang dakilang muchacha niya.
Ang kaso, malaki ang pagkakaiba ng ugali nila. Kung ang totoong Prinsesa Sarah ay mabait, ang pekeng prinsesa naman isang malaking maldita. Siya nga dapat ang tinatawag na ‘BRUHA’ e.
“Okay.” sabi ko nalang. Hindi naman ako pwedeng humindi. -.-
Nang matapos akong maglinis, ginawa ko naman ang inutos ng mahal na prinsesang mas peke pa sa ‘Made in China.’
BINABASA MO ANG
Ugly Duckface
RomanceHindi maganda ang bida—PANGIT. Pero ito ang kwento niya. Pano naman siya? Puro na lang ba Oh-So-Perfect character/s na lang ang may karapatan magkaroon ng happy love story? Ng isang ending na "And they lived happily ever after"? Kailan pa sila magka...