Ito'y isang kuwento
Ng isang prinsesa
Na ang tanging kailangan niya lang
Ay isang halik.
Pero una, may isang dragon. May isang itim na enkantada
At isang palasyo na nababalot ng dilim at gubat ng tinik
Once upon a time, sa katas-taasang torre may isang nakahimlay na prinsesa na isinumpang matulog ng isang daang taon. Sa silid na nababalutan ng mga iba't ibang kulay na rosas, alikabok, mga kandila at sa isang malaking kama, doon natutulog ang prinsesa, pinapaginipan na isang araw, darating ang prinsipe na magliligtas sa kanya at magpapalaya sa kanya mula sa sumpa.
At sa wakas dumating na rin ang araw na ito!
Mula sa malaking bintana, doon pumasok ang isang magiting na prinsipe at lumakad ito palapit sa natutulog na prinsesa.
"Napakaganda mo prinsesa." Bigla niyang sinabi habang lumohod siya sa may pagitan ng kama.
"Ikaw ang pinakamagandang babae'ng nakita ko sa buong buhay ko."
Dahan-dahang lumapit ang mga labi ng prinsipe. Tinitigan niya ang prinsesa, at habang ginagawa niya ito, bumilis ang tibok ng puso ng lalaki. Tunay na pag-ibig, yun ang tanging pag-asa, pag-asa na kayang iligtas ang kahit sino sa kahit ano. Tunay na pag-ibig.
At sa isang saglit, nagtagpo ang mga labi nila.
Isang halik, halik na para sa lang sa tanging minamahal.
Dumilat ang mga mata ng prinsesa at siya ay nagising. At tinignan niya ang maamong mukha ng prinsipe.
"Iniligtas mo ako." Sabi ng dalaga
"Naputol ang sumpa. Prinsipe ko, sayo lang ang puso ko."
"O aking prinsesa!"
Ngumiti silang dalawa, nagkatitigan, dahil sa kaibuturan ng kanilang puso, nahanap na rin nila ang nawalang parte.
"Tayo na prinsesa at marami pa akong ipapakita sayo"
"Oo aking prinsipe."
Palapit na sana ang prinsipe nang natapakan niya ang isang bahagi ng tela na pangtabon sa kama. At siya ay nadapa mismo sa prinsesa
"Pasensya na prinsesa hindi ko sinasadya."
At ang kamay niya ay hindi sadyang nailagay sa hindi dapat lagyan ng kamay. Sa gitna mismo ng mga paa ng prinsesa.
Aye nako.
"Teka ano toh?" lumalakas ang boses ng binata.
"Ba't mayroon ka nito?"
"Ha? Wala yan. Ano lang yan. Flashlight."
"Anong flashlight?! Walang hiya ka?! Binobola mo ako. Lalaki ka! Hindi ka naman totoong prinsesa o babae! Bakla ka?!"
"Wait! Sandali lang I can explain! Iniligtas mo ako sa evil spell ng asawa ni Brad Pitt. My prince!"
"My prince mo ang mukha mo! Papatayin kita'ng bakla ka!"
"Wait wag po, iba na lang gawin mo sakin. Yun ano na lng."
"Loko ka! Eto sayo!"
Aye ito na po, nagiging biyolenete na ang fairytale natin.
"GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!!!"
"ROAR!"
"TEKA WAG! WAG! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGG!!!"
BINABASA MO ANG
Confessions ng Beki
Teen FictionIn this new world, marami na ang nagbago pati ang mga beki. Iba na ang federation, may babaeng babae may lalaking lalaki at meron din in between at marami pang uri ng mga species. Pero ano kaya ang nasa isip ng mga makabagong mga bakla ngayon? Then...