Ang Prinsipe ng Kadiliman Eklavoo

32 1 0
                                    

"Talaga amega? Muntik ka na'ng nasagasaan kanina? Kilala mo ba kung sino?" Tanong sa akin ni Summer.

Kasabay kaming naglalakad sa may hallway ni first floor ng main building, kinwento ko sa kanya ang nangyari kanina tungkol sa hayop na lalaki na malapit na akon dineadboll kanina. Nakakainis pa rin.

"Hindi e. Hindi ko siya kilala, pero I'm sure na student siya dito." Sagot ko sa kanya.

"Estudyanteng lalaki na may itim na kotse? Hmmm. May ilang mga students dito na may black car. Sino kaya?" Dagdag ni ses.

"Hay nako amega, mahahanap rin natin kung sino man ang muntik na nakasagasa sayo."

"Sana nga."

Patuloy kami sa paglalakad sa hall. Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ng masamang creature from hell na yon, kahit naka shades pa siya. Teka? Naka shades siya. Bulag ba yon? Hindi na man siguro, wala naman blind na pinapayagan magdrive. Ano ba't to'ng naiisip ko.

Sandali lang, may isang babae na may linagay yata sa isang malaking board.

"Summer ano yon?"

"Ah, ang Supreme Student Council board yan, palagi kasi ang SSC nagencourage sa mga students na man join ng extra curricular programs. Like mga outreach committees, volunteer works at ano ano pa na to benefit the society. Pero wala masyadong mga students ang nag sasign up." Explain niya sa akon.

"Ganon ba? Tignan natin!"

Hinila ko ang kamay ni Summer at dinala ko siya sa may malaking board. Tinitignan ko ang mga programs nila, noong high school kasi mahilig akong magjoin ng mga programs na kagaya nito, ang para sa community.

Turo kasi sa akin ni mama yan. Palagi niyang nireremind sa amin ni Jimmy na kahit hindi kami mayaman, hindi naman kami kawawa. Nag-aaral kami sa mga mabuting paaralan, nakakakain tatlong beses sa isang araw with afternoon and midnight snacks, umuuwi sa bahay na may kuryente at tubig and most importantly may internet. Dahil aanhin ang mansion kapag walang wifi.

"Kaya as much as possible, give back as much as you can. Dahil maraming blessings binibigay ng Diyos sayo at marunong ka'ng wag maramot at mapagbigay sa kapwa, lalong-lalo na sa mga wala." Sabi ni mama sa akin. Haay. Namimiss ko na siya. Ba't ang layo ng Canada?

I have read each program by the SSC one by one, at may isang parang interested ako.

"Kasama sa Bayan: Immersion Outreach Program"

Hmmm. Immersion, parang masaya ito, nakakatulong ka na sa mga tao, bakasyon sa bagong lugar pa.

Pero paano kaya sumali?

"Gusto mo sumali ses?" Tinignan ako ni Summer.

"Oo. Parang gusto sa, itong Kasama sa Bayan Immersion churva. Mukhang interesado ako."

"E di go."

"Paano kaya mag apply?" Tanong ko sa sarili ko ulit habang tinitignan ang board.

"Ayan o, sa bottom may nakasulat." Sabi ni Summer.

"To join a specific program, please submit your application to the Supreme Student Council and an interview with SSC President is required. The SSC President is the head and chair of all outreach programs and therefore all things related to community work must need his approval." Dagdag niya.

"E parang easy naman e. Kailangan ko lang mag apply sa SSC at magpainterview sa SSC President" Sabi ko sa kanya.

"At grabe naman to'ng SSC President, lahat lahat siya talaga? Sige siya na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confessions ng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon