Protips – July 29, 2015
Handling Disagreements
By Maloi Malibiran-Salumbides1. Ano ang iyong reaksyon sa mga taong hindi sumasang-ayon sa iyo?
2.How you handle disagreements in Office, School, house or family & Church
Dahil tayo ay ginawa ng Diyos na unique sa bawat isa, hindi maiiwasan ang mga panahon na ang pananaw natin sa iisang bagay o sitwasyon ay magkaka-iba. Minsan nga iisang pagkain lamang ang inyong kinakain, pero para sa panlasa mo ito ay masarap, samantalang maalat naman para sa ka-opisina mo. Iisang negosyo ang tinitignan ninyo, what you find as an opportunity, some of your co-workers might see as a threat. May pagkakataong gandang-ganda ka sa isang ideya, pero para sa boss mo hindi naman ito uubra. There will be disagreements at work pero hindi naman kailangang humantong sa di pagkakaunawaan at away ang magkakaibang pananaw natin sa buhay. Let me suggest four ways to handle disagreements.
1. thank instead of turn-away. Maging mapagpasalamat sa iba't-ibang pananaw, mungkahi at istilo na mayroon kayo diyan sa inyong opisina. While we would like to strengthen common vision, values and culture in our organization, diversity must be encouraged and celebrated. Marapat lang na ang bawat miyembro ng ating opisina ay magkaroon ng kakaibang ambag sa ikauunlad ng inyong trabaho at negosyo. When you are appreciative of your differences, hindi ito magiging dahilan ng pag-aaway kundi ng mayamang palitan ng mga kaisipan na pwedeng makatulong sa paglago ninyo, individually and corporately.
2. listen instead of angry. Kung may hindi sumang-ayon sa iyo, makinig sa halip na magalit. Minsan pareho naman talaga kayo ng tinutukoy pero iba lamang ang paraan ng pagkakasabi ng ka-opisina mo kaya hindi kayo nagkakaintindihan at hindi kayo nagkakasundo. Instead of lashing-out and getting mad, listen. Maraming disagreement ang naaayos dahil sa pakikinig.
3. inquire instead of insist. May mga disagreement na nauuwi sa argumento at away dahil walang gustong magbigay. Sa halip na ipilit ang gusto at pananaw mo, probe and understand where the other person is coming from. Ask with the sincerity and purpose of understanding. Hindi ka magtatanong para lamang igiit na ikaw ang tama at mali ang kausap mo.
4. collaborate instead of compete. Karamihan sa mga disagreement at nag-uugat sa kagustuhan natin na mahigitan ang ibang tao. There are times when competition motivates you to excel. But most of the time, collaboration or working in teams produces better results. Hayaan ninyong ang disagreement sa inyong meeting, discussion o araw-araw na interaksyon ay maging daan para mahanap ninyo ang pinaka-magandang solusyon sa inyong problema. Let your disagreements fine-tune concepts and systems in your work.
Maganda ang paalala sa atin sa Proverbs 13:10 "Pride only breeds quarrels, but wisdom is found in those who take advice." (NIV)
Walang naaayos kung tayo ay mapagmataas at mayabang. Sa panahon ng hindi pagkakasunduan, bukas na tainga at malawak na pang-unawa ang mahalaga.
Be a blessing in the workplace today!