Prologue

17 1 0
                                    

"Lahat ng tao may tinatago..."

================================

"Hop, lika na. Malelate na tayo oh" nakatingin siya sa relo niya habang nagrereklamo

"Oo na, isesave ko na lang" mahinahon kong sabi pero parang walang gana

"Sure ka ha? Papagalitan ako ni Prof nito eh"

"Oo nga, tapos na oh. Tara na para matigil ka na dyan" mahinahon pero parang walang gana pa rin

"Hop, may tanong lang ako ha, bakit kahit gaano na kagalit or kainis yung tao sa paligid mo nakukuha mo pa rin maging mahinahon?" Grabe, ilang beses na natanong sakin yan ah

"Wala kasing kwenta kung pati ako magwawild din, atsaka sayang sa energy"

"Hmp, pero ang galing kasi" Amaze niyang sabi. Ano naman nakaka amaze dun?

"Lika na nga lang, ikaw tong nagmamadali kanina ah"

"Ay! Oo nga pala! Tara na!" At... hinila na naman niya ako, ah mali, kinald kad na pala

Ako si Erika Hope Sanchez, Ang kasama ko ngayon ay ang bestfriend ko, si Alexie Nai Santos. Gumagawa ako ng report ko ng dumating tong bruha kong pinsan. Gusto niya kasi kasama kaming pumunta sa school para hindi ako umabsent. One time kasi Tatlong sunod-sunod na araw akong umabsent, eh ayaw niya na nag-aabsent ako kaya ito ako ngayon, kawawang kinakaladkad.

"Bakit ba kasi kailangan sabay pa tayo? Malaki na ako kaya marunong akong pumunta sa school ng mag-isa" Complain ko, totoo naman eh.

" Basta hindi pwede! Sabay tayong papasok sa school sa gusto mo o gustong gusto mo. Baka umabsent ka na naman ulit, tapos magiging loner na naman ako T^T, ang lungkot kaya ng wala ka" Ito talaga, para patibg bata. Kaya nga minsan tinatanong ko sa sarili ko kung paano ko ba siya naging bestfriend

"OA  naman nito, parang tatlong araw lang umabsent, nagmistulang tatlong taon sayo" Tapos nun hindi na siya sumagot hanggang sa makadating na kami sa school

"Oh, late na kayo ah" si Prof. Ganzales, buti na lang siya Prof namin. Maunawain eh, hahaha

"Sorry Prof. sinundo ko pa kasi to oh" sagot ni Lexie at tinuro ako. Psh, wala naman kasi akong sinabi na sunduin niya ako ah

"oh sige sige, pumasok na lang kayo"

" Thank you talaga sir!"

Sumunod na lang ako sa pagpasok ni Lexie. Ano ba yan, mabobored lang ako eh.Paulit ulit na mga lessons.

At hanggan sa matapos ang klase hindi ako nakinig. Tsk, wala kayong magagawa dahil sa inaantok ako. Lunch na pala.

"Hop, tara lunch na tayo. Pwede tayo mag lunch sa labas ngayon dahil wala na tayong pasok mamayang hapon" masigla niyang sabi. Hm, half day lang pala ngayon. Tss, kainis naman

Pumunta kami sa Greenwhich dahil ako naman parati nanalo sa pustahn namin kaya ako pumipili kung saan kami kakain. Paki niyo ba kung gusto ko sa Greenwhich.

Pagkatapos kumain, pinaplano naming mag arcade.

Palabas na kami ng may makabunggo ako. Hindi man lang nagsorry. Tiningnan pa ako ng masama pero nawala rin agad at may pinulot. Di ko na tiningnan at dumiretso na lang ako

Sa panahon ngayon ang dami talagang weirdo, kagaya ko na lang. hahaha

"Hop ano nga yung tawag sa mga mahilig sa anime at video games?"

"Otaku!!! Wag mo nang kalimutan!!!" nabigla naman siya sa pag sigaw ko

"Kalmado ka nga pero pagdating jan sa Okatu chu chu na yan ang wild mo" Ayan na naman eh, mali.

"Otaku nga eh, hindi Okatu!!!" pagtatama ko sa kanya

"Oo na, Okatu Otaku pareho lang yun" inirapan ko na lang siya. May napansin naman ako sa kamay ko....

Ang limited edition bracelet ko, NAWAWALA!!!! May pangalan ko naman na nakalagay dun pero kahit na!!!

"Lexie... Nakita mo ba yung bracelet ko? Suot suot ko yun kanina lang eh!" NATATARANTA NA AKO!!!

"Baka naman di mo suot? Di ko kasi napansin eh"

"It's so impossible! Walang araw na hindi ko yun suot!"
"Bumili ka na lang ulit"

"HINDI PWEDE!! LIMITED EDITION YUN!!!!"
"Okay, okay, huminahon ka lang. Mahahanap natin yun. Suot mo pa ba yun noong kumain tayo?" Tumango lang ako

"So possible na napulot yun nung nakabunggo mo kanina" natigil naman ako... oo... naaalala ko.... may pinulot siya.... YUN NA NGA!

Hinanap namin siya sa loob ng Greenwhich pero wala siya dun.

Oh no.

Hindi pwede to, mahalaga sakin yun!

=================================

live and die or kill and liveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora