*STUDIO
"Jin! Be ready in 2 minutes ikaw na ang sasalang." Sabi ng staff sa studio
Ako nga pala si Jin Won, isang singer, dancer and composer. Hindi ako solo singer kasali ako sa boy band at ako ang leader nito. May interview kasi ako ngayon kakarealease lang ng bago naming album.
"And now let's all welcome Mr. Jin Won." Announce ng host, eto ang hudyat ng paglabas ko. Huminga ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko, ang tanging nasa isip ko lang ay matapos na kagad ang interview na ito.
"Good evening!" nakangiti kong bati sa host habang ang mga audience lalo na ang mga kababaihan ay nag-hihiyawan.
'Kung sya kaya ang nandito hihiyawan nya din ba ako at hahangaan?' Napangiti na lang ako sa naisip ko. Tsk! Asa pa ako, ngingiti siguro pwede pa pero ang humiyaw?hahanga? Hay Malabo yun.
"Good evening din Jin. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa at alam naman natin halos lahat ay curious kung sino ang iyong inspirasyon sa iyong pagsusulat ng mga kanta. Ang lahat ay nagtatanong kung HB ka ba?" walang kapreno prenong tanong ng host sa kanya. Eto ang dahilan kung bakit gusto nyang matapos kagad ang interview dahil pilit na naman nilang pinapasok ang love life nya.
"HB?" painosente nyang tanong sa host habang naka ngiti, fake smile.
"It's HB or heartbroken. Halos ang lahat nagtataka bakit ang mga kanta mong sinusulat ay laging sad love song. Kaya ang tanong ng lahat ikaw ba ay sawi sa pag-ibig?"
Natawa sya ng bahagya, halos lahat ng dinaluhan nyang interview paulit ulit lang ang tanong. Nakakasawa na, siguro okay lang magsabi ng totoo kong nararamdaman sa mga kantang sinulat ko.
"ummm... Maybe yes? " Natawa sya ng mapansin nya ang pagkashock sa mukha ng host hindi nito siguro inaasahan ang sagot nya.
"Whoah! Eto unang pagkakataon na sinagot mo ng ganyan ang tanong patungkol sa iyong love life," tumawa ito bago ituloy ang sasabihin nya "Soooo? Sino ang lucky girl na nagpaibig sa the mighty Jin?"
"Lucky girl? Nah! It should be me, I'm lucky to meet her." He answered while ignoring the question of the host.
"Hmmm mukhang hindi mo balak sabihin kung sino ito sa amen huh?" he paused before he asked again. "So eto na lang, Can you describe her to us? Is she a celebrity?"
****
"Whoah! Hyung talaga bang brinodcast mo na HB ka?" tanong ni Stanley habang hawak ang remote ng TV. Nasa sala sila ng kabanda nya habang nanunuod ng huli nyang interview.
"Tigilan mo nga ako Stanley," inis nyang sagot dito.
"Eeehhh? Nacucurios na tuloy ako dyan sa mysterious girl mo Hyung. Neh? Tristan Hyung sabihin mo nga saken sino ba ang iniibig ni Jin hyung? Celebrity din ba? Maganda, mabait, kasali ba sa mga girl band? huh? Huh?" pangungulit naman nito kay Tristan na kasalukuyang dumadating galing kusina.
"Tumigil ka nga Stan. Hindi mo naman sya kilala kase wala naman yun dito sa Korea. Oh, kumain ka na lang para manahimik ka." Sabay abot ng popcorn dito.
"Eh? Di sya taga Korea? Wow paano mo sya nakilala Jin?" tanong naman ni Drake na nakatingin naman sa laptop nito. Napatingin na din si Troy sa kanila.
"Koreana sya pero matagal na silang di nakatira dito sa Korea, okay? Tigilan nyo na nga kakatanung saken irehearse na lang natin ang mga ito para sa guess natin bukas." Sabay abot nya nga mga lyrics para manahimik na ang mga ito.
"She can't get enough? I'm curious Jin." Biglang sabi ni Troy
"What is it?" kinakabahan nyang tanong. He really hates it when Troy starts to talk and ask, he can't escape it. Troy is not a nosy person pero once na nagkaroon sya ng hint sa nangyayari sa paligid nya he become frank and ask you directly.
