PARE

147 16 0
                                    

Kath's POV

"Ano ba!! Ibalik mo sabi 'yan eh!!!" kasalukuyan kaming nasa park ngayon dito sa loob ng subdivision habang hinahabol ko ang 'bestfriend' kong si Dj sa kadahilanang, kinuha niya ang aking sapatos at ayaw ibigay. Loko talaga.

"Habulin mo muna ako!! Hahaha!" parang bata ano po? Kapag ako nainis diyan. Ikikiss ko, hahaha joke lang. Ano siya sinswerte? Hmp. Asa!

"Kapag ikaw nahuli ko humanda ka sa'kin!" 'pag sumumpong 'yung hika ko neto, humanda talaga sa'kin 'tong bwisit na lalaking 'to. Tsk.

"Kung mahuhuli mo ako! Bleh! Hahaha." binibwisit ako neto ah. Gusto niya atang makatikim? Masubukan nga. Bwahahaha.

"P-pare p-pagod na a-ako ano b-ba!" Galing kong umarte no? Hahaha. Umupo ako sa may damuhan. Kunwari hinihingal ako, alam naman kasi nitong hinihika ako eh. For sure titigil na 'yan.

"P-pare?" bigla namang tumakbo palapit sa akin si Dj at umupo sa tabi ko. Hahaha. Sabi na nga ba eh. "P-pare ano ayos ka lang? Nahihirapan ka bang huminga? Anong gusto mo? Tubig? Gusto mong tubig? Sorry. Sorry. Sorry talaga. Sorry. Sorry." ay, concern much si kuya? Hahaha. Grabe natatawa ako sa reaction niya. Nakita ko namang hawak niya pa rin 'yung sapatos ko kaya naman hinablot ko agad ito at sinuot.

"Hahahahahaha!! Grabe pare. Mukha kang engot! Hahaha!!" wala na 'di ko na napigilan 'yung tawa ko. Hahaha.

"H-ha? Ano ba,Kath!Hindi magandang biro 'yun!" hala. Anyare? Napikon ko ata si Dj. Bigla kasi siyang tumayo at tumalikod tapos nagcross arms. Pacross arms, cross arms pang nalalaman eh. Pero lagot, napikon si Pare. Tumayo na ako at kinalbit ko siya.

"Uy!" tawag ko sa kanya pero dinedma lang ako.

"Uy Pare!" deadma pa rin. Arte daig pa babae. Tsk.

"Uy. Sorry na. Niloloko lang naman kita eh." this time, niyuyugyog ko na siya. Bigla naman siyang humarap sa'kin. Taray! Seryoso ng mukha.

"Ayun na nga eh. Hindi nga magandang biro 'yun. Paano 'pag natuluyan ka? Hindi ko kakayanin 'pag nawala ka, Pare." seryoso pa ring sabi niya. OA naman nitong si Dj. Matuluyan agad? Pero ano 'yung sinabi niya bandang huli? Hindi ko masyadong narinig eh, pabulong kasi.

"Sorry na nga. Pero ano ulit 'yung sinabi mo bandang huli? Hindi ko narinig eh." narinig ko lang kasi 'yung nawala. Ano namang nawala?

"W-wala." bigla namang umiwas ng tingin si Dj. Aysus. Ang galing rin magdeny nito eh.

"Ay? Wala daw. Meron eh, 'yung nawala? Anong nawala?" mukha namang nagulat si Dj sa sinabi ko at napaharap ulit sa'kin. Nagtatanong lang eh, OA talaga nitong lalaking 'to.

"H-ha? A-ano.. Nawala? K-kapag nawala k-kana wala ng pangit s-sa mundo. Oo 'yun, 'yun! Tama! Kapag nawala kana wala ng pangit sa mundo. Hahaha!" ginagago ba ako ng lalaking 'to? Feeling naman niya gwapo siya, pero gwapo naman kasi talaga siya. Hihi.

"Aba! Sinong pangit ha? Sa mala-diyosa kung aura, nakuha mo akong tawaging pangit? Aba, humanda ka!" nginitian ko siya ng mapang-asar, alam ko kahinaan niyan eh. Hahahaha. Maumpisahan nga.

"A-ano ba Pare! T-tama na!" hahaha. Anong ginagawa ko sa kanya? Kinikiliti ko, 'yun yung kahinaan niya.

"Sinong pangit?" patuloy pa rin ako sa pagkikiliti sa kanya. Hagikhik siya na hagikhik tapos namumula na mukha niya, parang kamatis. Hahaha.

"I-ikaw! Haha!" aba't?!

"Ah ganon!" mas lalo ko pa siyang kiniliti. Kaso... nasabit 'yung paa ko sa paa niya kaya natumba kami parehas, napapikit naman ako. Pagkamulat ko.. what the?! Nakapatong ako sa kanya, syet syet. Ang awkward, isabay mo pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hala! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Nakatitig lang kami sa isa't isa, gusto ko nang tumayo pero hindi ko magawa dahil para siyang magnet. Teka! Teka! Ano 'tong ginagawa ni Dj? Ba't niya nilalapit 'yung mukha niya sa'kin? Balak niya ba akong halikan? Ataw ba siya? Ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin, isang maling galaw lang magkakadikit na ang mga labi namin. Nilapit niya pa lalo ang mukha niya sa'kin, kaya naman napapikit ako. Akala ko hahalikan niya ako pero...

PARE [KathNiel One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon