Dear Prom Date,
Bakit hindi ka nagpakita sakin nung prom night? Ayan tuloy wala akong kapartner. Lumipas ang mga araw pagkatapos ng prom natin pero hindi parin kita nakikita,ni isang text,tawag o chat wala akong natanggap sayo. Isang araw sinubukan ko pang maglakad-lakad sa buong campus baka sakaling nandun ka at nahihiya lang magpakita sakin dahil sa nangyari pero wala..wala ka..
Napahinto ako nun sa isang sulok at doon ibinuhos ang lahat ng bigat na nararamdaman ko..Bakit ka nawala?Bakit mo ko iniwan?. Gusto Kong iparating sayo na mahal na kita noon pa. Mahal na kita sa simula palang. Pero bakit mo ginagawa 'to sakin,bakit mo ko pinapatay sa lungkot at pighati. Para akong isang papel na unti-unting pinupunit. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng paglisan mo sakin. Yung sakit na wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at umasa na isang araw babalik ka,babalikan mo ako. Last day of school na nun at hindi ko narin alam kung paano pa kita makikita,paano ko pa ipaparamdam sayo na mahal kita. Gusto ko lang malaman mo na kahit habang buhay pa ko maghintay,hinding-hindi ako magsasawa. Hihintayin kita. Hanggang sa muling pagkikita.
Paalam Prom Date
Hihintayin ka habang buhay,
Irene
![](https://img.wattpad.com/cover/48575010-288-k888938.jpg)