Cinderella Story: Pair of Necklace

12 0 0
                                    

Ako si Cindy (Sin-dee) Cindy Ella Cruz 18 years old 1st year college student, i suppose to be the only girl now in my father's life, but then one day my father told me if it's okay if he can marry again a woman and she is Jiselle (Ji-ze-ll), my father was the amazing man i've ever met, he took care of me after my mother died giving birth to me. Let me tell you a little story how jiselle and my father met nakilala ni papa si jiselle sa isang resto kung saan kami usually kumakain, that time bonding naming mag-ama then biglang dumating si jiselle

Pagkatapos nun, nagpakasal na sila, hindi ko inaasahan na may anak si tita jiselle, dalawa pa, dalawang babae na ang sama-sama ng ugali saakin
Parang cinderella lang ang story ko noh pero kay cinderella namatay ang papa niya,saakin hindi buhay pa siya. At ang stepmother niya masama ang ugali pero si tita jiselle hindi, sobrang bait niya

Meron pa akong ikwekwento sa inyo noon bata ako meron akong nakilala na batang lalaki, saglit lang kami nagkakilala umalis din siya agad dahil kailangan niyang pumunta sa ibang bansa para sumama sa mama niya pero bago siya umalis meron siyang ipinangako saakin

"Pangako ko sayo, babalik ako para sayo, isipin mo na lang na lagi ako naanjan sa puso mo, habang wala ako wala kang ibang bestpren kundi ako lang ah" - young boy

"Eh paano kita makikita? Paano ko malalaman na nagbalik ka na? Sigurado naman ako makakalimutan mo din ako" - ako

"Hindi kita makakalimutan, ah! alam ko na ibibigay ko itong necklace, pair necklace ito, isa sayo, isa saakin. Ayan hindi na kita makakalimutan. iyang necklace na yan ang patunay sa pangako ko"- young boy

"Pinky promise?"-ako

"Promise"- young boy

Sampung taon na ang nakalipas, kamusta na kaya siya? Magkikita pa kaya kami? Sana lang magkita na kami, ano kaya ginagawa niya ngayon? Naalala pa kaya niya ako? Matutupad pa kaya ang pangakong binitawan niya saakin? Isang araw nanaman ang nakalipas

"Hoy, cindy di ba sabi ko sayo labhan mo ito? Gagamitin ko di ba bukas? Paulit-ulit na lang ba ako?" Siya si Denise my step number one sister, one more to go, actually hate na hate nila akong magkapatid mabait naman si tita jiselle, hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ugali nila, sabi nga tita jiselle 'pagpasensyahan na lang' ano pa ba magagawa ko edi magpasensya

"Sorry denise, may ginagawa pa ako, ginagawa ko pa assignment ko, meron naman maid diba bakit hindi ka dun magpalaba? Tsaka 3rd year college ka na hindi ka parin marunong maglaba? Matuto kang maglaba, hindi yung nagpapalaba ka pa" may times na mabait ako, pero may times na masama ang ugali ko kapag pinupuno ako

"Aba't talagang nasagot ka pa, wala kang respeto sa ate mo ah!" Babatuhin niya sana ako ng damit na pinalalaba niya kaso nakita siya ni tita jiselle

"Denise?! Ano ginagawa mo? Nagpapalaba ka nanaman kay cindy? Labhan mo mag-isa yan, paano ka matututo, kung lagi mo ipapaasa sa iba ang trabaho mo? Ang tamad-tamad mo, sige na labhan mo na yan mag-isa pabayaan mo si cindy, pati si cindy iistorbuhin mo pa sa pag-aaral" isang proffessor si tita jiselle sa university namin, kaya mabuti niya kaming minamatiyag sa pag-aaral namin, kaso nga lang laging bagsak si ate denise pati na din yung isa kong kapatid, ako? Top student ako hindi pwede pabayaan ang pag-aaral ko lalo na si papa nasa ibang bansa para lang makapag-aral kami.

"Cindy, pwede ka bang makausap?"

"Sige po, okay lang po"

Bago magsimula si tita jiselle, huminga muna siya ng malalim at umupo siya sa kama ko at hinawakan ang mga kamay ko

"Cindy, pagpasensyahan mo si denise ah, alam mo naman kung gaano katamad ang mga kapatid mo, hindi ko malaman kung saan nila namana ang katamaran, eh hindi naman ako tamad di ba? Cindy alam mo lagi ako nagpapasalamat ng nakilala ko kayo ng papa mo, siguro kung buhay pa ang mama mo masaya kayo, alam ko cindy hindi ako ganung kabuting ina sayo, pero cindy susubukan ko maging ina sayo at asawa sa papa"

"Tita jiselle, hindi niyo naman kailangan patunayan ang sarili niyo saamin, dahil matagal niyo na napatunayan saamin na mabuti kayong ina at asawa in both time by showing us that you love us all, that's already enough, that's why thank you, kailangan ko lang talaga magpasensya kay ate denise tsaka kay ate vanessa "

"Sorry at salamat cindy, oh sha baka naiistorbo ko pa ang pag-aaral mo, sige alis na ako"

"Sige po"

Life is Destiny because its unpredictable
*sigh sana makita na kita, ano na kaya itsura mo? Gwapo ka kaya? Or panget? Hahaha

ERICK POV

"Welcome to the Philippines, Its more fun in the Philippines, Enjoy"

I'm here now, for a very long time, madami na nga nagbago dito, maliit pa lang ako noon umalis ako, hinawakan ko ang kwintas ko at ngumiti na abot hanggang tenga, baliw na ako, masaya lang ako na naandito na ako Philippines i'm back, I'm home

"Erick! Yo bro! Welcome back! You look, so different how are you?"

He is Prince, my another bestfriend, he arrive here first to told yaya yuring that i'm coming, yaya yuring was the caretaker of our house here in the philippines so whenever we feel to go here, here we will stay. My mom decided to stay in Australia because her business there, so i'm here to study college, i've studied elementary-high school in australia, i don't want to study college there, i just want to go home here, because this is where i called home, and there is someone who is waiting for me here, i wonder where she is? I wonder i could find her? Can't wait to meet her, i miss her, i wonder what she looks like is she beautiful , not much but i don't care as long i see her, i will never let her go, because she is my destiny, that's why i gave her the pair of this necklace

Before i forget i'll introduce myself first hi! I'm Erick Malafuente the only son of Malafuente Inc. my mom and my dad is divorced but i'm using my dad's last name because i'm much more closer to my dad than my mom i am 18 years old and i am first year college

"ANAK!! Jusko kamusta ka na? Ang laki-laki mo na ang macho macho mo jusko, ano gusto mo kainin, ipagluluto kita! Kahot ano gusto mo ah! Alam ko na~ gusto mo ng adobo na pay patatas noh!"

Si yaya yuring talaga tatanungin pa ako kung ano gusto ko, alam na nga niya kung ano gusto ko, she is yaya yuring trusted yaya ever since i'm little

"Hello yaya, long time no see, i really miss this place, saan po ba kwarto ko?"

Tinuro saakin ni yaya kung saan at nagpahinga muna ako dahil sa sobrang pagod ko sa biyahe, ilang taon na ang nakalipas, kahit na madami ako nakilalang babae talagang hindi ko siya makalimutan, siya lang ang nagpapangiti saakin, saan ko ba talaga siya makikita, gusto ko na talaga siya makita, bigla ko na lang naramdam ang pagka-antok, makatulog muna nga ako sobrang pagod na ako may pasok pa ako bukas, what a day!

----•••----

Hello guys! Hope you enjoy my new story this is Cinderella Story: Pair of necklace. Sasa i-vote at sana magustuhan niyo ang story ko wag kayong tumigil sa pagbasa ng story ko dahil sigurado akong madami pang mangyayari kay na Erick at Cindy so love my story this was only Prologue

Please Vote and Love my Story, comments-ok but please only positive and suggestion about my story😄😄😄😄

All Rights Reserved 2015

Cinderella Story : Pair of Necklace

Cinderella Story: Pair of NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon