CINDY POV
" goo~d morning beautiful cindy, hi bae!" Ito na naman si christian, kay aga-aga nanggugulo, as always annoying pero hindi niyo alam maalaga yan si christian, ilang taon na niya ako nililigawan kahit ilang beses ko siyang bustedin hindi parin siya nasuko sa pangliligaw saakin
" christian, good morning, noisy as ever"
"Para naman ang boses ko na lang ang laging naririnig ng puso mo dug dug! Kamusta ka baby ko? Kamusta ang Sunday hot day!" Si christian talaga, ang mga pick-up line niya talaga ang korny as usual.
"Uhmm, maayos naman the usual sunday for me, nothing special"
"Naku, naku, naku! Teh! Nag-eemot, wag kang mageemot dapat happy ka, kasi may bagong estudyante! Kyaaaa! At ang balita ko pa taga ibang bansa siguradong pogi and macho!" Siya si Elsie, ang bestfriend girl na ang hilig sa chismis, siya lagi ang nangunguna sa balita, mapa social, public private siya lahat para bang paparazzi
"Elsie, yung totoo bakit lagi na lang ang ingay, ingay INGAY mo? Pwede ka bang tumahik?" Siya naman si Kiela ang isa ko pang bestpren, ang tawag namin sa kanya ay 'Kie' ang cute kasi ng kie kaysa sa kiela
"Eh bakit ba kie? Inggit ka lang kasi mas nauna nanaman ako nalaman ang balita kaysa sayo, eh ikaw ang Torch Club President na dapat laging Updated, so ayan binigyan na kitang clue, ilagay mo sa torch newspaper ah by Elsie Marie Himenez, oh di ba bongga!" Kahit kailan talaga si elsie
nakakatawa"Ewan ko sayo, ah! Sha nga pala ate clare is going to marry soon to kuya charles" sabi saamin ni kie,kuya charles?! Really?
"Siya ba si Charles Harmlenton? Yung first boyfriend ng ate mo at unang heart break ng ate mo" biglang sabat ni christian, chismoso din itong si christian eh
"Well, shocking yes si kuya charles nga, i tried to stop her but, still she told that me she loves kuya charles at sinabi pa niya saakin that's true love" sabi ni kie saamin
True love, totoo pala yun sa mga panahon na ito, akala ko it only works on fantasy and romantic books kasi sa fantasy there's always a true love like true love kiss, ako kaya kailan ko mahahanap ang true love?ERICK POV
"Serioulsy bro, hindi ka parin pagod kakahanap dito sa babaeng hindi mo naman alam ang pangalan, bro tanga lang? Kasi hindi mo man lang tinanong kung ano pangalan niya, stupid man"
Look who's talking now, makatanga itong si prince kala mo kung sino
"You know what prince, could you please shut up, and look for that girl?" Sarcastic kong sabi kay prince
"Ito na ito na, bro why not try in our new school, anong oras na oh dapat ngayon ang pasok natin eh"
"Prince, may lunch pa oh so it's okay, so shut up"
Pwede naman yun eh as long we paid for the fund of that school, we can make everything we want.
"No sign bro, like what i told you bro try mo nga sa new school natin baka malay mo naandun siya"
Tama siya, baka naandun siya sa school na yun sige pupunta na ako sa school, i have no time to waste i really need to find her, even it takes me a month, a year, a decades i don't care, i won't give up, i will do anything for the person i love.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at binuksan ko ang radyo at biglang narinig ko ang kantang "Ngiti" bigla ko tuloy naalala ang mga sandaling nakita ko ang mga ngiting anghel galing sa kanya, nasaan ka na ba? Saan ba talaga kita mahahanap? Kung saan saan na ako naghahanap, hindi kita mahanap. Ang pares ng kwintas na ito ang naiiwan sa ating dalawa, sana mahanap na kita.
Naandito na ako sa school, pagkababa namin ni prince, nakita na namin sina hanz,justin at tristan sila ang iba naming tropa
"Yo, erick, it's been a while"- hanz
Siya si hanz ang chickboy at playboy ng mga babae matinik sa chick at tuwing nagkakaroon ng girlfriend hindi niya sineseryoso, pinaglalaruan lang niya iyon, pero kahit ganun siya madami parin nagkakagusto sa kanya.
"Erick, kamusta, pasalubong ko? Its so nice to see you again" siya naman si justin, ang basketball player captain namin magaling siya sa basketball, lagi nga silang nanalo sa bawat school ang ilaban sa kanila
"Erick, prince sali kayo sa basketball ha, tatalunin natin sila" siya naman si tristan, nerd but same as justin he is very good at basketball siya nga ang vice-cap eh
"Omg, girls look at that hotties"
Narinig ko sabi nung isang babae sa mga kasama niya, kami ba ang tinutukoy niyang "Hotties?"
Malanding babae, tch, kaasar ang mga ganyang babae.
Nakita namin sila na papalapit saamin, at nagpapaganda pa at nagpapasexy pa hindi naman sila kagandahan at sexy"Um, hi boys~" pa sweet talk pa
"Hi" bitin na sabi ni justin, si justin kasi hindi siya masyado mahilig sa mga babae, dahil sa past niya, basta
"Hi, ako nga pala si, Denise, Denise Cristin Cruz, um what's your name?" Lumapit siya saakin at nilagay niya ang kamay niya saakin, agad ko naman tinanggal kasi nakakadiri
"Pwede ba miss, stop flirting me hindi mo ako madadaan sa mga ganyan" umalis ako sa kanya at naglakad ako deretso, sunod naman sina prince, hanz, justin at tristan
"Te-teka, hoy pogi, date naman tayo, single naman ako ah!"
Nakakadiring babae, sino ba naman ang lalaking papatol sa kanya? Kulang na lang ibenta niya ang sarili niya sa lalaki
Lunch na nga pala kasi 12:00 na kaya ang mga estudyante nasa labas, yung iba nasa canteen, nagugutom na din ako, pumunta kami sa canteen at tinitingnan ko ang paligid, ang halos ang mga babae nakatingin saakin, ganun ba ako ka-gwapo para pagmasdan nila? O ganun kami ka-hot?
Habang naglalakad sa canteen dahil nga tinitingnan ko kung ano pwedeng kainin, ayun! May adobo! Yes! My favorite, maka-
"Ay! Nakunanay mo!" Sabi nung babae saakin kasi bigla niya ako tinapunan ng pagkain, dito pa talaga sa damit ko, na ang mahal-mahal dudumihan niya!
"Hoy, miss hindi mo ba tinitingnan ang dinadaanan mo?! Tingnan mo ang ginawa mo" sabi ko ng malakas siya kanya
"Sorry, hindi ko naman sinasadya" panghihingi ng sorry nung babae
"Sorry? Ganun lang ha!? Hindi! Bayaran mo ito 50,000 itong polo na ito at dudumihan mo lang"
"Cindy, ayos ka lang ba?" Biglang may lumapit dun sa babae dalawang babae, cindy pala pangalan niya ha..
"Ano na cindy, bayaran mo na itong polo ko dahil baka mang-init pa lalo ang ulo ko" hinihintay ko kung sasagut pa siya saakin kaso ang tagal din ng hindi siya nakasagot, naglakad niya kaunti at ng biglang oh shit! Ibinato niya saakin yung ice cream na kinakain nung isang lalaki, talagang eksakto sa mukha ko, talagang naghahanap siya ng away ah!
"Hoy! Sino ka ba para bayaran ko iyang polo mo na mukha namang bili lang sa divisoria! Tsaka, ang yabang mo akala mo kung sino ka! Hindi ko babayaran yang polo mo na biling divisoria neck-neck mo! Hmph! Tara na nga elsie, kie!" Umalis lang siya ng ganun?! Ganun lang?! Paano itong polo ko!? Ang dumi dumi
"Hahaha paano ba yan bro nakahanap ka na ng katapat mo, don't worry meron pa akong extrang damit kasya naman yun sayo eh, alangang yan ang suotin mong damit hanggang mamaya, magmumukha kang tanga" sabi ni justin
"Baka sabihin ng iba bakit kami nagpapasok ng squarter boy hahahaha joke lang bro" pang-aasar pa ni hanz
Sira-ulo itong mga toh, gusto ata ng suntok ko eh, baka matagal na sila hindi nakakatikim, tingnan natin who is the stonger cindy, makikita mo ngayon kung paano ako magalit, magkakaharap tayo , papaluhurin kita at sa hanggat sabihin mo sa sorring- sorry ka sa ginawa mo saakin, i'll make sure of that cindy, i will hunt you down.
-••to be continued••-
Hmmm, medyo bitter ata ang pagkikita nina erick and cindy, away na agad ang nangyari sa kanila, ngayong nagkita na sina erick and cindy, can you guess what will happen next? Find out in the next chapter of...
CINDERELLA STORY: PAIR OF NECKLACE👑👑👑👑
All Rights Reserved 2015
BINABASA MO ANG
Cinderella Story: Pair of Necklace
Teen FictionAko nga pala si Cindy ang kaisa-isang anak ni daddy, but when my dad died nanirahan ako sa isa pang asawa ni daddy Yung asawa ni daddy ay merong anak dalawa, pero hindi anak ni daddy yun One day i met this young boy, i don't know his name, he made m...