"May bago daw tayong Adviser!!" sigaw ni James?? hindi ko alam kung James nga panagalan nya dahil 1week palang akong pumapasok dito sa Maria Claire's Academy.
Transferee ako from La Salle Green Hills. Ang dahilan ng Pagtransfer ko ay para mapalapit ako sa Girlfriend ko.
Kaya kahit 4rth year na ako ay nagpumilit akong lumipat dito sa pinakamalapit na school kung saan nakatira ang Girlfiend ko.
"Bakit anong nangyari kay Ma'am Varna?" tanong ni Anna. ang tinutukoy nya ay yung adviser namin na buntis. malamang baka nanganak na sya kaya nagleave na sya.
"Anjan si Dra.Franco." sigaw ni Patrick pagkapasok nya sa loob ng room kaya agad umupo ang mga classmates ko at tumahimik dahil paparating yung President ng school sigurado ako kasama na nya yung bagong Adviser namin.
Ok lang naman sakin na magpalit ng adviser dahil hindi ko pa naman kilala ang mga ugali ng mga teachers dito.
pagpasok ni Dra.Franco sa room namin ay sabay sabay kaming tumayo at bumati ng good morning
"Good morning. Gusto ko lang sabihin sa inyo na may bago kayong magiging adviser."Sabi nya. hindi nya kasama yung magiging adviser namin. "Nagleave na si Ma'm Varna dahil manganganak na sya." nakangiting paliwanag nito. "Sigurdo ako matutuwa ang boys at mawiwiling makinig sa magiging bagong Teacher nyo." biro nya ibig sabihin babae ang papalit kay Ma'am Varna.
"Sir babae po ang magiging Adviser namin?" tanong ni Armie.
"Yes." tipid na sagot ni Dra. Franco. "Mayaya pa sya papasok sa Values subject nyo dahil may may klase pa sya sa III-leaf" sabi nya
"Daya po sir nauna pa pong makilala nung 3rd year yung magiging adviser namin kaysa po sa amin." rekalamo naman ni James.
Ngumiti lang si Dra. Franco. "Wag nyong papasakitin ang ulo ng magiging adviser nyo at baka tumanda itsura." sabi ni Dra.Franco pagkatapos ay nagpaalam na at lumabas na ng kwarto.
Maya maya pa ay nagsimula ng magbulungan at magkaingay ang mga classmates ko dahil masyado silang curious sa magiging bagong adviser namin.
Kinuha ko nalang sa bulsa ko yung phone ko saka ko tiningnan yung mga pictures namin ni Caily halos isang buwan na kaming hindi nagkikita kahit na napalapit na ako sakanya. Busy kasi sya sa pag aayos ng mga papel nya dahil malilipat sya ng school. Kaya hindi ko parin nasasabi sakanya na nagtransfer ako dahil tyak papagalitan nanaman ako nun.
I can't help myself to smile sya lang ang babaeng minahal ko ng ganito lahat ng first sakanya ko naranasan.
Nasabi ko narin sa sarili ko na sya na nag babaing ihaharap ko sa Altar at wala ng iba.
Napansin kong biglang tumahimik ang mga classmate ko kaya napatingin ako sa harapan.
Hindi ko agad nakita yung teacher dahil tumayo na yung mga classmate ko para mag greet ng good morning
laking gulat ko nung makita ko kung sino ang magiging bagong adviser namin.
"Caily?" shocked na bulong ko ng makita ko si Caily na nakatayo sa harapan.
Fuck!!! our new adviser is my girlfriend?!!!
BINABASA MO ANG
It's Complicated
Любовные романыYung mahal nyo isa't isa pero sa maling panahon kayo nagtagpo nakakastress diba. Pano kaya itataguod ni Tristan ang pagmamahal nya kay Caily kung sosyalidad ang kalaban nya? Kaya ba nyang iwanan si Caily para sa ibubuti nito? o ipipilit nya ang gu...