Deadland Survive

61 1 1
                                    

Prologue:

Napahinto ako sa paglalakad nang makakita ako nang isang babae pababa sa C.R nang school namin.Umuubo-ubo pa sya,kaya naman di na ako nag dalawang isip na lapitan sya.

“Excuse me?Okay ka lang ba?”tanong ko sa kanya.

Nang dahil sa boses ko,humarap yung babae.At sa wari ko si Ma'am Miriam iyon,ang aming librarian.May mga ugat ang kanyang mukha.Yung mga mata nya eh puti na lahat,wala ka nang makikitang halong itim,tsaka sumi-sway sway rin sya sa magkabilaan.Nakakatakot naman itong si Ma'am Miriam ang aga aga mag celebrate nang Halloween,eh August pa nga lang ngayon eh.Masyado syang excited!HAHAHA!

“Ma'am ano pong nangyayari sa inyo?Ang aga aga nyong mag celebrate nang Halloween ha!HAHAHA!”di ko na sya pinansin at nag patuloy na lang ako sa paglalakad.

Wala pa ako nakakalayo nang bigla akong may naramdaman na kagat mula sa leeg ko,ramdam na ramdam ko ang ngipin nang kumakagat sa akin.Kaya di ko maiwasang mapasigaw dahil sa sakit.

“AAAAAAAAHHHHHHH!!!!”

Dugo!Dugo!Puro dugo na ang damit ko.Iginapang ko naman ang kamay ko sa leeg ko upang iwasan ang pag agos nang dugo.

Sa di kalayuan nakikita ko si Ma'am Miriam na sarap na sarap sa kinakain nyang balat galing sa leeg ko.Di ko maiwasang mapaiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nung naubos nya na ang nginunguya nyang balat galing sa leeg ko,muli syang tumingin sa akin.Hindi isang ordinardyong tingin,kundi isang parang leon na gutom na gutom na gusto akong lamunin nang buo.

Nakakatakot sya.Yung bibig nya punong puno na nang dugo.Bigla naman syang tumayo at naglakad patungo sa direksyon ko.

“Ma'am Miriam...Maawa po kayo.”pagmamaka awa ko sa kanya.Pero walang silbi ang pagmamaka awa ko.Sinubukan kong gumapang pero di ko na nagawa dahil bago pa ako makagalaw,kinagat na ako ni Ma'am Miriam sa paa.

“AAAAAAAAHHHHHHH!!!!TAMA NAAAAA!”ramdam na ramdam ko ang kagat sa akin ni Ma'am Miriam.At ramdam na ramdam ko ang bawat sakit na nararanasan ko ngayon,lalo na ang pag punit nang balat ko mula sa aking paa.

Nanlalabo na ang mga paningin ko kaya naman napahiga na lang ako hanggang sa nilamon na ako nang kadiliman...

***

Sa di kalayuan may narinig akong sumigaw,at di ako pwedeng magkamali pababa iyon sa C.R.

Naglakad lang ako patungo sa C.R at nang marating ko na ang hagdan...

“AAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!”

Halos masuka ako sa nakita ko nang makita ko ang nangyari sa kaklase kong si Lyra.Wasak ang tiyan,labas ang mga lamang loob nya.Nagkalat din sa ibat ibang parte nang sahig ang balat nya.Sa tingin ko nanguya na iyon at dinura lang.

“Mas makakabuti siguro ito pag nalaman ito nang kanyang mga magulang.Tama!Sasabihin ko ito sa kanila.”nung pagharap ko kung saan nandoon ang pintuan,bigla kong nakita si Ma'am Miriam.Duguan ang kamay at ang kanyang bibig.Yung mga mata nya rin puro puti na lahat.Tinanong ko naman sya kung ayos lang sya pero hindi naman sya sumasagot.

Sa sobrang inis ko napa-snob na lang ako.Sabay sabing...

“Excuse me nga po dyan.”bubuksan ko na sana ang pintuan nang makarinig ako nang putok nang baril mula sa likod ko.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung may masakit ba sa akin.Wala naman akong nararamdamang kahit ano.Nag simula na rin akong magulat dahil sa madaliang pangyayari.Kaya tumalikod ako at ganon na lang ang pagka gulat ko nang makita ko si Ma'am Miriam na nakahandusay sa gilid ko,sabog ang ulo at nagkalat din ang mga utak sa gilid.May konting mantsa rin nang dugo ang medyas ko.

Nanginginig naman akong tingnan ang babaeng bumaril kay Ma'am Miriam.Nung nakita ko na kung sino ang bumaril ganon na lang ang pagka gulat ko.

“Kitty?!”bigla akong nagulat sa ginawa nya.

“Halika na Mara wala na tayong oras,nag kalat na sila.”sabi nya sabay hila sa akin palabas nang school campus.

“Sinong sil----”natigilan ako sa pagtatanong nang dahil sa nasaksihan ko.May nagtatakbuhan,putukan at sunog kahit saan.

“Maaaring ano mang oras mauubos na ang mga tao sa mundo.”linya ni Kitty.

“Bakit?Anong nangyayari dito?”tanong ko.

“Halika..”hinila nya naman ako papunta sa isang mataas na gusali,at naglakad kami hanggang sa marating namin ang rooftop nang gusali.Kung saan kitang kita ko ang buong paligid mula dito.

Lumabas naman si Kitty nang shot gun mula sa kanyang makapal na bag na kung saan kasya doon ang samut saring mga baril.Ipwinesto nya naman ang kanyang shot gun sa harang nang gusali sabay tingin sa maliit na telescope nang baril.(AN:Ewan ko kung anong tawag doon,basta ang alam ko para syang telescope.) Sinimulan nya na rin ang kanyang pag baril sa mga taong naglalakad,kaya naman inawat ko na sya.

“Anong ginagawa mo Kitty?Tama na!”sabay agaw nang baril sa kanya.

“Hindi ka na ba nakakahalata sa paligid mo?Mara,patay na ang mga pinagbabaril ko!Pinapaligiran na tayo nang mga Naglalakad na Patay!Ngayon akin na ang baril dahil iyan lang ang mag liligtas sa atin.”tila natauhan naman ako at mabilis na naibigay ang baril sa kanya.

BLAG!BLAG!BLAG!

Agad kaming napatingin ni Kitty sa pituan nang rooftop nang gusali.

“Ano iyon?”tanong ko.

Di nya pinansin ang tanong ko sa halip lumakad lang sya papuntang pinto.

“Anong nakikita mo?”di nya parin pinapansin ang tanong ko pero sinenyasan nya lang ako nang 'shhh',wow ha!Sige!Napa tirik na lang ang mata ko dahil sa inis nanaman.

Binuksan nya naman ang pinto at lumabas sya.Mga ilang minuto na ang lumilipas hindi parin bumabalik si Kitty.Napag desisyunan ko namang sundan na lang sya pero bago pa ako makatayo sa kinauupuan ko bigla syang pumasok nang hingal na hingal sabay sigaw nang...

“TAKBO MARA,TAKBO!!!”

“Nahihibang ka na ba?Wala na tayong tatakbuhan noh!Nasa tuktok na kaya tayo nang gusali.”sabi ko nang naka cross arms sa kanya.

“Kung ayaw mong tumakbo,tumalon ka na lang,kung ayaw mo rin,bahala ka na sa buhay mo.”sabi nya tapos tumalon na sya nang rooftop.

“KITTY!!!”sigaw ko nang makita ko ang katawan nyang naka handusay sa ibaba nang gusali.

May mga tao namang nagpasukan sa pinto at sa wari ko mga sundalo iyon.Dahil naka suot sila nang uniporme nang isang sundalo.

“Ready?.....FIRE!!”huh?Anong pinagsasabi nila?

“Anong pinagsasab---”naputol na ang sasabihin ko dahil sinimulan na nilang iputok ang kanilang baril sa direksyon ko.

Ramdam na ramdam ko ang bawat bala na lumulusot sa laman ko.Masakit pero alam ko namang matatapos din ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil mamamatay na rin ako.

Sumusuka na ako nang dugo,hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang aking mga mata hanggang sa dumidilim na ang aking paningin at tuluyan na nga akong niyakap nang kadiliman...

XOXOXO

Hi readers!Sana po soportahan nyo itong Deadland Survive ko.Don't worry po kasi may mga iilang chaps naman po akong nasulat na.So enjoy po! ^.^

•Vote
•Comment
•Follow,etc

Deadland Survive (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon