Survive 1: Bella

14 1 0
                                    

Survive 1: Bella

Bella's POV

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang kumalat ang D.T Minus Virus sa buong komyunidad.

Halos tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang mamatay ang mga mahal ko sa buhay.Ang aking Ina,Itay at ang aking pinakamamahal na Asawa't anak.

At halos tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang mamuhay ako mag-isa,walang maka usap at pumatay nang isang Kendroid.

Sa di kalayuan may nakikita akong tatlong Kendroid na pinagsasaluhan ang isang katawan nang babae.Wasak ang tiyan at halos esophagus na lang ang makikita sa may bandang leeg.Nakakaawa sya.Kinuha ko naman ang spadang naka sabit sa bandang bewang ko.Habang kinukuha ko ang spada di ko maiwasang di mapatingin sa napakasinaw na silver nito.Masyado itong makintab,kaya naman tumama ang sinag nang araw sa silver at tumama ang replika nito sa mata ko,kaya hindi ko maiwasang mapaiwas nang tingin sa spada.

“Hoy!”sigaw ko sa tatlong Kendroid na abalang abala sa pagkain nang laman babae.

“RAAAAAH!RAAAAAH!”

Nag simula nang lumapit ang Kendroid sa akin.Di naman sila ganon kabilis o kabagal,tamang tama lang.

Nakakadiri na rin ang kanilang mga hitsura.Yung isa nakalaylay na ang mata hanggang sa leeg nya,lumalagas na rin ang mga balat nito.Yung dalawa naman biak na ang ulo at nakikita na rin ang kanilang kulay itim na utak.Tumatagilid na rin ang mga bunganga nito.

Nung nakalapit na yung isa sa direksyon ko,kumilos na ako at bigla kong hinati ang mukha nito at tumapon ang kalahating parte nang kanyang mukha sa sahig.Agad naman din itong bumagsak sa sahig.Ganon din ang ginawa ko dalawang natitira.

Habang pinupunasan ko ang berdeng dugo nang Kendroid,bigla ko nanamang naaalala ang mga anak ko pati na rin ang asawa ko.

|•FlashBack•|

Mommy!Mommy!Kinuha ni Jico ang laruan ko!WAAAAAAAH!”at nag simula nang umiyak ang aking anak na si Kitty.

“Jico,ibigay mo na ang laruan nang kapatid mo.Di mo ba nakikita?Pang girl 'yan.”sabi ko pa sa isa kong anak na si Jico.

“Mommy naman eh!Si Kitty na lang lagi ang binibilhan nyo nang laruan,wala na lang sa akin.”pagproprotesta nya pa.

“Eto naman ang dali daling mag tampo.Sige bibilhan kita mamaya,okay?Pero ibigay mo muna ang laruan sa kapatid mo.Umiiyak na sya oh.”natauhan naman siguro si Jico kaya naman binigay nya ang laruan kay Kitty.Tapos lumapit sya sa akin at niyakap ako sabay halik nang sabay sabay sa pisngi ko.

Di ko maiwasang mapangiti sa ipinapakita ni Jico.

“Mommy,may ipapakita nga po pala ako sa inyo.”kumalas naman sya sa pagyayakap at umakyat upang pumunta sa kanyang kwarto.Mga tatlong minuto ang nakalipas nang bumalik sya at may hawak hawak na papel.

“Ano 'yan baby ko,ha?”tanong ko nang nasa harapan ko na sya.

“Close eyes muna kayo,hihihi.”sabi nya sabay hagikhik.Sinunod ko naman ang kanyang kagustuhan at ipinikit ko ang aking mga mata.

“Open!”masiglang sabi nya sa akin.

“Wow,Jico!Ang ganda naman nito.”sa papel kasi may nakalagay doon na 'I LOVE MY FAMILY' tapos may naka drawing doon na apat na tao,dalawang babae at dalawang lalaki.At may mga pangalan sa taas nang ulo na Mommy,Daddy,Kitty at Jico.

“Awwww!Ang sweet naman nang anak ko.”lumapit naman sya sa akin at hinalikan ko sya sa ulo tapos niyakap.

“I love my family.Jico,anak ang galing mo namang mag drawing at ang ganda pa!”sabi nang asawa kong si Niko tapos ginulo gulo nang kaunti ang buhok ni Jico tapos nakiyakap na rin sya sa amin.

“Oo nga kuya!Ang galing!”at nakiyakap na rin si Kitty sa amin.

|•End of FlashBack•|

Di ko na napigilang maiyak nang maalala ko ang mga masasaya at magagandang bagay na nangyari sa amin nang pamilya ko.Lahat nang ito ay kasalanan nang L.A.M.P Corporation!Nang hindi dahil sa kanila malamang buhay pa ang mga mahal ko sa buhay ngayon!

“AAAAAAAHHHHHHH!”napasigaw na lang ako sa halo halong emosyon na nadarama ko ngayon.Inis,lungkot at galit!Pero mas tumitindi at umaapaw ang galit sa puso ko!

“Humanda kayo L.A.M.P Corporation!Gaganti ako sa inyo!”

†★†★†★†★†

AN: Hi survivors! ('Yan ang tawag ko sa mga readers nang Deadland Survive) Ang Kendroid po ay Zombie sya. Iniba ko lang po ang tawag sa Zombie. Sa mga di sang-ayon na iyon ang tawag ko. Sorry! Gusto ko kasing unique ang kinalabasan nang story ko pati yung mga tawag sa mga monsters dito. Tsaka gagawan ko rin naman nang story kung bakit naging Kendroid ang tawag sa Zombie. Sana maintindihan nyo. Tsaka sana naman suportahan nyo rin 'to. Thanks Fellow Survivors! =*

Vote
•Comment
•Follow,etc

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deadland Survive (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon