Dear: Kevin

13 1 0
                                    

Yo! Kevs! Naalala mo pa nung una tayong magkita? Nung una tayong magkakilala? Yung unang banggaan natin sa club sa manila. You we're sizzling hot that night. White fitted v-neck shirt, ripped jeans, well-toned muscles, a face to die for and a so hot husky voice. Natapunan mo ako ng alak nun. Nakakatawa nga kasi sigaw ako ng sigaw nun sabi ko pa nun 'you ruined my dress! You ugly creature' i admit na nagsisinungaling ako nun haha sino bang niloko ko? Eh super pogi mo.

I was a flirt back then. I tried my power to you but wala kang pake, sorry ka lang ng sorry nun. Finiflirt na kita't lahat lahat wala ka pading pake. Tinanong pa kita kung bakla ka, nainis ka pa nun. Kaya naisip ko na may gf ka siguro.

Then pagtapos mong magsorry bumalik ka na sa friends mo. Sila ay may kanya kanyang kalandian pero ikaw wala, wala kang pake. Inom ka lang ng inom ng alak kaya naisip ko na baka may problema ka lang. Lumapit ako sayo pero magsorry ka lang ulit.

Akala ko nun nahulog ka na sa spell ko. Sa ganda't sexy kong to? Sino ba naman makakatanggi saken, diba? Maya maya lasing na lasing na tayo parehas. Kaya niyaya na kita sa condo ko.

Nang makarating na tayo sa condo ko. I make the first move but i'm surprised kasi tinulak mo ako nun. Sabi ko 'ano ba?!' Ang tanging sinabi mo lang ay may respeto ka sa babae kaya ayaw mong gawin yun.

Tapos at nagtalukbong ka ng kumot at natulog kaya wala akong nagawa kundi tabihan ka at matulog nalang. Ikaw ang unang lalaking tumanggi saken nun kevin.

Kinabukasan di na ako nagulat na wala ka na sa tabi ko pero di ko alam kung bakit nalulungkot ako kasi wala ka. Pero pagkababa ko nagulat ako kasi nakita kita sa kitchen ko, nagluluto. Ikaw ang unang lalaki nagluto for me. Natouch ako nun. Habang kumakain tayo nagkwekwentuhan tayo. Nalaman ko kung saan ka nagaaral, kung anong course mo at kung ano ano pa. Sabi mo destiny tayo pero di ako naniniwala dun. Tch.

Pagkatapos ng gabing yun, we became so close. Lagi tayong magkasama, magkatext at  magkausap sa phone. Para na kitang tatay dahil sa sobrang higpit mo saken. Bawal magbar, dapat kasama ka. Ikaw natuturo saken sa assignment ko. Tinutulungan mo ako sa projects ko. Lagi tayong nagsisimba. Binago mo buhay ko. Dahil sayo nagbago ako. Di na ako yung dating bar girl, party girl and flirt.

Birthday mo nun nang sinurprise kita, nagustuhan mo naman. Tuwang tuwa ka nga pero that day nagbago lahat. Simula nang sinabi mo tunay mong nararamdaman saken, di ko alam sasabihin ko dahil alam kong gusto din kita pero di mo ako deserve. Marami pang mas deserving sa pagmamahal mo at di ako yun. Masyado kang mabait, ako hindi. I'm a mess woman.

Madalang nalang tayo magkita simula nang araw na yun. Miss na miss na kita. Miss ko na yung kakulitan mo, miss ko na yung pagkamahigpit mo't lahat lahat.

Mahal kita pero di pwede dahil di ko pa nahahanap sarili ko. Ayokong makulong ka saken kaya pinapakawalan kita. Maghanap ka ng mas deserve na babae pero tandaan mong mahal na mahal kita.

Nagmamahal,
Andrea

Dear: KevinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon