Chapter 10: The Gazebo

19 0 0
                                    

Chapter 10: The Gazebo

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ced's POV

Kaka park lang nung bus namin , at nagsisibabaan na yung mga iba naming ka co-seniors. Nang biglang nag ring yung cellphone ko.

*Calling---> Sister *

"Yow!" - Ako

"Oh? Bakit ka tumawag Kuya Ced?" - Jasmine

May topak talaga tong babaeng to oh, mamukat-mukat na siya yung tumatawag tapos ako pa pagbibintangan na tumawag =__________=

"Medyo lutang tayo?" - Ako

"Hindi, ikaw lang..." - Jasmine

Aba't nakuha pang...

"Ay teka nga!! Di ako tumawag para makipag kulitan, epal ka kasi kuya!" -Jas

Pigilan niyo ko =___= bibingo na to sa akin....

"Ha?! Ako pa ang epal ngayon ha! " -Ako

Konting pigil lang , kalma... kalma.....humihingi ka ng favor sa kapatid mong may saltik, pagpasensyahan mo na . Smile na lang Ced.

"Oh anu na ? " - Ako

"Kuya, dun kayo sa may gazebo sa dulo ng butterfly farm magkikita, papapuntahin na lang namin duon si ate annaliza, kanwari may ipapatngin or ipapakuha kami, basta :) tapos ikaw na bahala sa mga susunod na pangyayari." - Jas

"Uhm, sige sige..." - Ako

"Kinakabahan ka ba kuya? " - Jas

"...." - Ako

"Okay lang yan.. psh, kaw pa! O siya sige na. babussssh!!" - Jas

Naiwan akong mag isa duon sa kinatatayuan ko.. Eto na yung araw na pinaka hihintay ko..Sana all goes well according to our plan..

Ayon kay jasmine. Duon raw sa gazebo kami magkikita ni anna. Tumungo na ako duon sa sinabing lugar at pagkarating ko...napakaganda nga naman pala talaga ng lugar na ito. Umaayon kasi ang paligid sa mood nang magbabalak na mag propose oh may sasabihing importante sa kanyang iniirog.

Lumipas ang oras na nakatingin ako sa malayo , pinagmamasdan ko rin kasi ang mga paru-parong nagliliparan sa paligid. Tipong parang sila'y sumasayaw sa aking paningin. Maaamoy mo rin ang halimuyak ng mga rosas at halamang naroroon.

"C-ced? Ikaw ba yan?"

Napalingon ako sa tumawag at napatayo.. tama nga ang aking hinala. Si anna nga. Napaka ganda naman niya ngayon sa suot niyang dress. Tumungo naman si anna sa aking kinatatayuan. Kung kasalanang umibig baka malamang ... life imprisonment na ang maipapataw sa akin.

"Ced..may sasabihin ka raw sakin sabi ng kapatid mo?" - Anna

Langya ka talaganjasmine, humanda kansakin, nakaka ilang bingo ka na. kung hindi lang talaga kita kapatid ... 

"A-ah.. ou a-anu kasi ehh." - Ako

Kalma kalma... na gagaralgal ang iyong boses ced. Kalma ka lang..

"Tara ikot-ikot muna tayo dito ? Tutal malawak lawak naman itong parte ng butterfly garden eh. "

Saad ko kay anna habang inilalahad ko ang aking kamay, na para bang hinihintay ng isang prinsipe ang isang prinsesa.

Nagpatuloy ang aming paglalakad sa dulong parte na nang garden.

"Wow ang ganda naman , may paru paro pa." - anna

Nagkasabay kami ng tingin sa isat-isa. Para bang may kuryenteng dumaloy sa kaluluwa ko. Abnormal na ba ako ? Siguro dapat makapag pa check - up ako sa doctor minsan kapag libre ako. Hindi ko rin alam kung nararamdaman rin ba ni anna yung nararamdaman kong ka - abnormalan. 

"Ah--"

Sabay kami

"Anu kasi--"

Sabay na naman. 

"Sige anna ikaw na muna mauna. Anu ba yung sasabihin mo?" 

"Anu kasi Ced eh.. ah, ikaw na muna..."

"Hindi , sige okay lang ikaw na muna anu nga yun?"

"Promise Ced ikaw na muna. Anu jak'en'poy pa tayo kung gusto mo eh. Pag natalo kita , ikaw mauuna. Tapos pag natalo ako, ikaw pa rin mauuna. Anu game?"

"T-teka wala naman akong ika-bebenefit duon ah! " 

Saad ko, eh paano ba naman kasi. Lahat ng pagpipilian sa kanya papabor. Haha.

"Wala ngang benefit duon pero dito meron oh" 

0.0

.

.

.

Tama ba yun? Ki-kiniss a-ako ni Anna s-saaa cheeks?!!!! O.O

Napako na lamang ako dun sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay anna na para bang tulalang ewan.

"Uhm.. Ced???" 

Muling nabalik ako sa aking pag-iisip.

"A.. ah.. ano... anna.."

"Anu k-kasi.......

.

.

.

"KUYA CEEEEEED ATE ANNAAAAAAAAAAAAAAAA SI KUYA JOSH POOOOOOOOOOOOO"

napalingon kami sa tumawag. Isang co-junior na kaklase ni Jasmine . Halatang pagod siya sa kakahanap sa amin.

"Bakit anu nangyare kay josh?" 

Sabay naming sabi ni anna .

"Si kuya josh po kasi namimilipit sa sakit eh.. nandun siya sa bench , malapit sa may entrance , hinahanap po kayong dalawa. "

"Aish eto talagang si josh pasaway..." 

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Wala rin namang nagawa at tinungo namin si josh. Pag dating naman namin duon sa bench, wala namang josh ang nahandun kundi ang isang note na may nakalagay na "Dinala na namin si Josh sa ospital. Eto yung address - >  ########## Tinungo naman namin yun ni Anna. Kaso hindi naman ospital eh... Isang malaking bahay...

Tapos bigla ko na namang naalala yung nangyari sa butterfly garden kanina... Aish.. naunahan ako ni anna... tapos hindi pa ako nakakapag sabi ng nararamdaman ko sa kanya. Anu ba yan... Aish...

---------------------------

A/N :  Lol sorry sa slooow na napaka bagal na update XD Ngayon na lang ulit nakapag update ng matinu tinu haha. Pasensya na busy talaga sa school :D Alam niyo naman kapag college :)) Andaming mga kababalaghan ang nangyayari hahaha!

Ayun VOTE PO xD pag di kayo nag vote ipapakain ko kayo sa pating XD

tapos COMMENT na rin po. XD I wanna know your opinion lol xD

Anu kaya mangyayari kina ced at anna dun sa malaking bahay? LOL

Bittersweet Serendipity (on-going as of sept 4, 2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon