Apat na letrang salita
Hatid ay lingkod sa taong umaasa.
Isang maskarang,
Kaligayahan ang madalas na tinatakpan.
At bigay ay sangkaterbang katangahan.Sana pa rin ba kasi ang susi,
Kung realidad na ang mismong humihindi?
Ano pa nga ba ,
Ang maitutulong ng sana,
Kung tila -- wala na talaga?Pero ewan ba,
Kasi hindi naman magawa,
Na huwag panghawakan ang sana.
Marahil ito lang ang karamay,
Sa panahong mundo natin ay
Hindi mapintahan ng anumang kulay.Dear Sana,
Huwag ka namang paasa.
Lubos na umaasa,
Kalabasa.KALA ko
BA okay na,
SAna?