Killer Comedy 3

302 14 15
                                    

Hi. Ako si Lance. Patay na ako. Nung 1 palang, pero nabuhay ako at namatay ulit nung 2 kaya heto hanggang narrator nalang talaga ako dahil hindi na ako pwedeng mabuhay ulit. Abusado na daw kapag tatlong beses. So eto na, magsisimula na akong magnarrate.

Isa kasi ako sa mga multo sa ginawang haunted house ni Carmella at ni Tita Jhem. Ayan, nakaligtas silang dalawa kaya naman nandito pa rin sila hanggang ngayon. Ginawa na nilang haunted house yung bahay namin, at eto ang unang beses na magbubukas ang bahay para sa mga bumibili ng ticket for only 29.99 pesos. May butal pa. -_-

Literal na nagpaparamdam at nagpapakita naman kami kaya takot na takot ang mga taong pumapasok sa bahay. Yung ibang matapang tinatawanan ang mga itsura namin, ang galing daw ng make-up artist dahil yung mga butas sa mukha makatotohanan daw. Pati yung talagang naaagnas na itsura ay kuhang kuha daw.

Hanggang alas dyes lang dapat ang haunted house pero mukhang madami ang nagpupunta ngayong October 31 ng gabi kaya nag-overtime sina tita.

"O last 10 minutes before 12 midnight! Last na po eto wala na pong susunod. Bukas naman." Si Carmella ang nagbabantay sa ticket booth.

"Last minute na daw! Tara na guys!" Namataan ko mula sa bintanang pinagdudungawan ko ang ilang kabataang naguunahan sa pagbili ng ticket. Excited silang lahat. At kilala ko sila. Mga kabatch ko sila.

Sila ay sina Adrian, Joanna, Emily, Faye, Romeo, Christine, Harley, Nardz at Nina.

Sila yung grupong mahilig sa ghost hunting. Dikit dikit silang pumasok sa bahay. Sa may hagdanan palang ay makikita na si Adam na nangingisay, tanda na doon siya namatay.

Nagsigawan sila. Ngumiti naman ako dahil alam kong madadaanan nila ako. Lalabas kasi ako para makiusyoso kung magkano na ba kinita nila sa haunted house. At mukhang may 3rd eye yung isa dahil napatalon siya bigla at napakapit sa babaeng katabi niya.

"Ano ba, Adrian?"

"N-nakita niyo yon? Nakangiti yung lalake! Dinaanan niya tayo!"

"Nakita ko." Sigaw ni Romeo na tayong tayo na ang buhok. Sigawan silang lahat. Napalingon naman ako sa kanila.

"ANG OA NIYOO!" Lalong lumakas ang sigawan nila at nagtakbuhan pa sila. In'snob ko nga sila tapos ay dumiretso na ako sa labas. Pumunta ako agad sa may ticket booth.

"Biglang lumamig tita. Naramdaman mo ba yon?" Si Carmella.

"Si Lance lang yan at nakikiusyoso nanaman. Alam mo namang yun lang ang mahilig lumabas na multo." Sagot ni tita. Totoo naman. Ako lang ang palibot na multo. Di kasi ako mapakali. Hehe. Atsaka di ba, nag-na'narrate ako? Duh!

So ayun, medyo matagal at maingay sa loob ng bahay yung grupong pumasok kaya babalik na ako para harangin sila sa may pintuan kaso biglang...

"Whihihihihihi~" Uh oh! That ICONIC LAUGH! Mabilis pa sa napakabilis na pagdami ng tweets ng ALDUBnation na humarap ako sa kung saan ko narinig yung tawa ni Kim.

At tama ako, ayan na siya!

"TITAAAAA! Si inaaaaay!" Mabilis na tumayo si tita at si Carmella sabay takbo sila sa loob ng bahay. Napatakbo na din ako kasi naman ang pangit niya! Waaaaah! Inay patawarin mo ako pero sa Killer Comedy 1 palang nakakatakot ka na. XD

"Whihihihihi! Sige takbo! Mga hangal! Memorize ko yang haunted house na yan dahil bahay ko yaaaan!" Tumigil ako sabay dahan dahang lumapit sa may pintuan. Grabe, kahit multo na ako pinagpapawisan pa rin ako. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag nagulat ako sa itsura niya.

Medyo binibilisan ko na yung paglalakad ko habang nakasiksik ako sa pader nang marinig kong may tumunog sa radyo...

"Dahan dahan lang ~ dahan lang ~ dahan lang... Pwede bang umibig ng hindi nasasaktan ~" poker faced na nagdahan-dahan ako. Sisilip na ako. Ayan na.

Killer Comedy 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon