One-shot

39 2 0
                                    

One-shot story

Nagsimula ang lahat noong bata pa kami, hindi ko alam kung paano o bakit, kusa ko lang tong naramdaman, tinatanong nga ko ng kaklase ko kung bakit daw siya pa? eh totomboy-tomboy naman daw siyang kumilos atsaka war freak pa

pero ngumingiti lang ako sa kaklase ko atsaka ako bubulong sakanya "kasi siya ang mahal ko"

Minsan ko nang binalak na aminin sakanya ang nararamdaman ko pero nabigo ako dahil siya ang umamin sa akin

"Laura, may aaminin ako sayo, pero wag kang mabibigla ah?" ngiting-ngiting saad ko sakanya

"ako rin, Kenzo" nakatungong sambit niya, mas lalo akong nanabik na sabihin sakanya ang totoo

"kasi gus-----" agad akong natigilan ng unahan niya kong magsalita, automatikong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"kasi may gusto ako kay Margaux eh"tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. This one of her best joke. Pero bakit ang sakit kahit parang joke lang. Ngumiti ako sa kanya at sinabing

"Hahaha nakakatawa yung joke mo" hinihintay kong ngumiti siya at sabihing nagbibiro lang siya pero hindi. Hindi niya ginawa. Nawala ang ngiti sa labi ko, bumagsak ang balikat ko kasabay ng pagbagsak ng luha niya.

"Kailan pa ?" Hindi ko akalaing kaya niyang umibig ng babae. Hindi ko akalaing bisexual siya. Hindi ko akalaing babae rin ang gusto niya.

"Ewan ko ! Basta nagustuhan ko na lang. Hindi mo naman ako iiwan diba ? Bestfriend pa naman tayo diba ? Kahit na ganito ako. " umiiyak niyang sabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang pinapanood siyang umiyak sa harap ko. Baka kaya niya pang magmahal ng lalaki baka naman kaya ko pa siyang baguhin baka naman kaya niya pa akong mahalin.

"Kaya ba kitang iwan ? Diba nga partners in crime tayo kaya susuportahan kita diyan, susuportahan ko lahat ng gusto mo" kasi ganoon naman talaga diba ? Pagmahal mo ang tao kahit masakit susuportahan mo pa rin siya kahit na kapalit nito ay ang pagwasak ng sarili mo.

Yun ang eksenang hindi ko makakalimutan nung bata ako. Binaon ko yan hanggang ngayon. Hindi ko makakalimutan yun dahil yun ang araw na mismong nadurog ng pino ang puso ko. Nakakatawa no ? Yung babaeng minamahal mo babae rin pala ang mahal. At ang masnakakatawa takot na akong umamin sa kanya ng nararamdaman ko.

Sabihin na nating ang tanga ko pero mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Masminahal ko pa nga siya higit sa noon eh.

Habang lumalaki kami ay maslalo siyang gumaganda. Simple but feminine. Dumami rin ang nagkakagusto sa kanya. Ngunit siya walang magustuhan yung nagustuhan niya kasing si Margaux ay may boyfriend pala, grabe ang iyak niya sa akin nun. Masama na kung iisipin pero nagpapasalamat ako dahil may boyfriend si Margaux kung hindi tuluyan ng nawala sa akin si Laura.

Sinubukan kong umamin ulit sa kanya nang nakamove-on na siya kay Margaux pero naunahan niya ulit ako pero imbis na masaktan ako ay natuwa pa ako dahil lalaki na ang nagugustuhan niya. Baliw ba ? Ewan ko ba pero nagpapasalamat pa rin ako dahil lalaki na ang nagustuhan niya at hindi na babae. Bisexual.

Yung araw rin na yun ay nagpursigi akong pa-ibigan siya pero hindi talaga kaya ng powers ko ang mapaibig siya eh. Natatakot naman akong umamin sa kanya dahil baka layuan niya ako. Masmasakit yun kaysa sa may gusto siyang iba.

"Nagbabasa ka ba ng secret files ?" Chat ni Laura sa akin. Nagcha-chat kami kahit na nagkakasama kami sa araw-araw. Nakasanayan na eh. Hindi kasi kami nauubusan nang topic, kahit anong kwento , kahit walang kakwenta-kwentang bagay napag-uusapan namin. One purpose siguro ng bestfriend is yung mag-uusap kayo ng walang katapusan. Kahit na paulit-ulit.

As long as you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon