Alaala

5 1 0
                                    

naalala ko pa nun,nung lagi kang nangaasar sakin,,,

yung pakindat kindat ka sakin tapos nagpaflying kiss ka sakin bago ka pumasok.....

alam mo asar na asar ako sayo nun pero,

isang araw,nagtapat ka sakin

"may gusto ako sayo"-sabi mo tapos hinalikan mo noo ko tapos patakbo kang umalis dahil alam mo na susuntukin kita dahil sa ginawa mo...

inisip ko nalang na isa lang yun sa pantitrip mo sakin pero bakit lagi kong naririnig ang mga katagang yun?totoo ba talaga yun?

dahil sa sinabi mo feeling ko may gusto na rin ako sayo..

pinuntahan kita sa bahay niyo at tinanong kita kung totooba yun

"oo"-sabi mo

tinanong kita kung seryoso ka at ang sabi mo ay

" oo nga,bakit crush mo din ako noh???"

tapos ang sabi ko ay

"kadiri ka! pwede ba tigil tigilan mo na ang pantitrip sakin dahil di na ako natutuwa"-sabay walk-out...

habang naglalakad ako pauwi may nadaanan akong mga batang lalaking kasing edad ko na nagbabasketball..

hinarangan nila ang daanan ko...

"umalis kayo!!!!!" -sigaw ko sa kanila pero di parin sila umalis,,,,

ng mga time na yun ay natatakot na ako pero dumating ka...

" tigilan niyo ang Mahal ko kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay papa"- sabi mo na nakapamewang pa..

nagtakbuhan na sila dahil alam nila na isusumbong mo talaga sila..

"wag ka magalala,hangga't nandito ako walang makakalapit sayo,pero mas mababantayan kita kung magiging tayo na.."sabi mo....

"che!"-sabi ko sayo at tumakbo na ko palayo...

makalipas ang isang araw nakita kitang papasok ng school.pakindat kindat ka na naman na parang walang naganap na pag amin..

walang nagbago ganun ka parin pero ng isang araw,may naramdaman akong kakaiba,mahal na yata kita..

pinuntahan kita sa bahay niyo dhil gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sayo kaso sabi ng katulong niyo umalis ka raw at pumunta sa bahay ni cheska,ang aking matalik na kaibigan...

ang tanong ko sa isip ko,anung ginagawa mo kina cheska,,eh di naman kayo close....

pumunta ako kina cheska at naabutan ko kayong dalawa na nasa labas ng gate...nandito nga pala ako sa may eskinitang di naman malayo sa bahay ni cheska..

narinig ko ang pinaguusapan nyo dahil may pagka lakas ang boses nyong dalawa....

"sige na,,papayag na ko....gusto din naman kita dati pa eh..."-cheska

"salamat sa pagsagot mo sakin,,so tandaan mo ang araw na to dahil ito ang araw na sinagot mo ko..."-sabi mo....

bigla nalang tumulo ang luha ko ng wala akong kamalay malay...

KUNG DI KO PALA SINAYANG ANG MGA ARAW NA YUN SANA TAYO NA PALA NGAYON.....

Blia's One Shot Compilation [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon