Genbu Marfia

10 0 0
                                    

Cy POV

Nasa loob ako ng aking silid ginagamit ko ang aking Tablet na naka konekta sa satelite na nasa labas ng ating mundo.

Habang nakatingin ako sa aking Tablet na kung saan nakikita ko ang isang Lion na may nakapulupot na ahas ngunit ang tatlo ang ulo ng ahas na 'to.

Naalala ko muli ang nangyari sa aming tahanan kong saan nangyari ang pagpatay ng aking mga magulang.

Flashback...

Walong taong gulang pa lamang ako 'non nung nangyari ang pagpatay sa aking mga magulang.

Nagtatago ako 'non sa aking kama habang tanaw ang aking amang naliligo na sa kan'yang sariling dugo.

Sa 'di inaasahan ng ay nailapag ko ang aking kamay at doon may paunti unting umaangat na parang lagusan. 'Di ko alam kung anong nangyari bakit 'yun umangat.

Ang nasa utak ko lamang ay ang aking ama't ina na naliligo na parehas sa kanilang mga dugo.

Ngunit na gising lamang ako 'nong marining ko nagsalita ang mga nilalang na pumatay sa aking mga magulang.

"Hanapin niyo ang bata alam kong andito pa 'yun at di pa nailalayo ng kan'yang mga magulang." Narinig kong sinabi. Halos wala pang gumagalaw sa mga tauhan niya ngunit ng sumigaw ito doon na lamang gumalaw ang mga tauhan niya at maging ako ay nataranta.

"Gumalaw na kayo!!! Baka napatay kayo ni Skull pag 'di pa kayo kumilos!!" Nataranta ako at 'di ko alam kung saan magtago baka mahanap nila ako sa aking kinaroroonan.

Ngunit na kita ko ang lagusan na kanina'y lumitaw.

Dahil sa taranta ay dali-dali akong pumasok sa lagusan na iyon na kahit 'di ko pa alam kung saan ito patungo.

Ngunit ng ako'y malapit na makapasok ay nahagip ko ang tao ng dalawang tao.

Ang isa ay nasa kan'yanh pulso sa kamay.

At ang pangalawa naman ay nasa likod ng kan'yang paa.

Malinaw na malinaw ang aking nakita.

Isa itong Lion na may nakapulupot na ahas na may tatlong ulo.

Pagkatapos ko makita iyon ay biglang nawala ang lagusan.

-----

Muli tinignan ko ulit ang nasa Tablet.

Skull... Na may grupong Genbu marfia.

Uubusin ko kayong lahat. Lahat at wala akong ititira sa inyo.

Tumayo ako at nagtungo kay Beam.

Pumasok ako sa kan'yang silid at tila naramdaman niya ang aking presensya ay humarap siya mula sa kan'yang mahal na gadgets.

"Anong ipaglilingkod ko sayo Hell?" Deretsang tanong niya.

Lumapit ako sa kan'ya.

"Give me a information about Genbu Marfia. At ibigay mo sa'kin kung sino sino ang namumuno mula sa pinaka mababang posisyon hanggang sa kanilang lider." Walang kuram na saad ko sa kan'ya.

Napakonot naman ang kan'yang noo sa mga narinig.

"Genbu Marfia?? Why? May balak kang pabagsakin 'yun? Malalakas ang tao sa marfia na 'yun!!" Saad niya.

Napa-smirk na lamang ako sa kan'yang mga pahayag.

"Bakit Beam Hucker? You scared at them? Baka ata nakakalimutan mo kung sino tayo? Baka gusto mong ipaalala ko sayo?" Mahabang pahayag ko dito at ngumiti.
Ngiti na kaakit akit. O mas nadaling sabihing bitch smile.

"Tsk! Fine! Count on me."

Umupo ako sa kanyang kama at hinintay ko lamang siya.

Mga ilang sandali ay nagsalita na siya.

"Tapos na Hell. Nakuha ko na. Itransfer ko na lang sa Tablet mo ang list."

Tumayo na ako at 'di na ako nagabala pang tumingin sa nakita niya.

Ngayon.. Humanda kayo sa aking paghihiganti.

-------------

Ito na po talaga 'yun. -____-

Comment kayo para malaman ko kung may mali ako hehe

Okay po ba??

Vote and comments

Assassin BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon