Pabebe Wave

28 1 0
                                    

Pabebe Wave

*****
Once a upon a time may isang estudyanteng napakasuplada. Pero sa kabila ng napakagaspang niyang paguugali siya namang ikinaganda ng panlabas niyang kaanyuan.
Lahat ng mga tao sa paligid niya ay di niya pinapansin maliban sa kanyang tita at sa kaibigan niya.
At ang babaeng ito ay nagngangalang Maine Mendoza.

※∴※∵
Maine's POV

Nakakabusit naman!!
Nakakabuya!
Bakit ba kasi kaylangan pang magaral.

Eh wala naman akong maintindihan sa tinuturo ng panot naming teacher.

Inip na inip nako.

Si panot ba hindi naiinip?

Kase ako INIP NA INIP na!!!

Kinuha ko nalang yung earphones ko sa bag.

At isinalpak sa tenga ko.

Mas okay na to nakakarelax yung tugtog kesa naman boses ni panot yung marinig ng napakaganda kong tenga.

Tumingin na lang ako sa labas.

At pinanuod yung mga estudyanteng busy sa pakikipaglandian.

Kinalabit ako ni bestfriend.
Kaya napatingin ako sa may gawing pinto.

Sakto naman ang pagbukas nito. At iniluwa ang isang napakagwapong lalaki. Para siyang GREEK GOD. Mala adonis yung kagwapuhan niya.

Napanganga ako sa paglitaw ng napakalalim na dimples niya.

Parang nagslow motion yung paligid at parang nagkaroon ng mga lumilipad na heart at flowers.

Parang napalitan ng mga huni ng ibon ang ingay sa paligid.

Unti unti kong inaalis ang earphones na nakasalpak sa tenga ko.

*poke*poke*

"Hoy! Babae!!yung laway mo pede nang makapagdulot ng baha sa ating mahal na eskwelahan!"
bigla naman akong natauhan sa malakas na bulyaw ng aking oh-so-good bestfriend na si Kathrine.

Inirapan ko lang siya at nagpunas ng aking bibig.

Yuck! May laway nga.

Pano ba naman kase ang gwapo gwapo niya.

" okay class he is the transferee Im talking about"
Sabat naman ni panot. Etong panot nato agaw eksena talaga. Akala naman niya may ipanlalaban siya sa kagwapuhan ni Mr. Transferee.

Eh gulugod lang siya ni Mr.Transferee noh!?

"Okay Mr. Can you please mind to introduce yourself in class?"

Ngimiti naman si Mr. Transferee at lumitaw na naman ang kanyang napakalalim na dimples.

"Hi guys..Im Alden Richards. Its nice to be in this class...I hope we will all be friends" ohh..God. boses palang nakakapanlambot na. At ALDEN oh my. Sarap pakinggan.

Napasinghap naman sa kilig ang mga malalandi kong kaklase. Akala naman nila ikinaganda nila yun. Hamak naman ang ganda ko sa kanila.

"Sir where did I supposed to sit?" Tanong niya.

Swerte namn ng makakatabi niya.

Sana ako na lang!

Inilibot naman ni panot yung luluwa na niyang mata para maghanap ng bakanteng upuan at bigla naman akong kinilabutan dahil mukhang sa akin pa ata niya balak iluwa yung mata niya.

Dahil tumigil siya sa pagtingin sa tapat ko. Rather sa tabi ko pala.

"You may sit beside Ms. Mendoza"
Sino naman yung Mendozang yun sarap upak----wait! Mendoza? Edi ba ako----

AlDub You, MaALDEN kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon